MARIANNE Nagising ako na masakit ang buong kong katawan. Wala na sa tabi ko si Andrew at ako na lang ang mag-isa dito. Pero sa tingin ko ay nasa banyo lang siya. Dahil naririnig ko ang lagaslas ng tubig na mula sa banyo. Baka naliligo lang siya. Gusto ko sanang bumangon pero nahihirapan ako. Ako rin tuloy ang nahirapan sa kalokohan ko kagabi. Ilang minuto pa ang lumipas at lumabas na rin siya sa banyo. Nakapulupot lang ang towel sa baywang niya. Lumapit siya sa akin at hinalikan niya ako agad sa labi. “Good morning, mahal.” malambing na bati niya sa akin. “Good morning,” sabi ko rin sa kanya. “Are you okay?” “I’m not, I’m sore down there, parang ayaw mo kasi tumigil,” sabi ko sa kanya. “Ikaw kaya ang nauna. Kung hindi mo sinimulan ang apoy ay hindi ito maglalagablab,” nakangisi na s

