MARIANNE Mukhang alam na niya na wala ako sa bahay niya. Hindi ako nagreply at umikot pa rin ako ng umikot dito sa subdivision nila. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa bigla na lang may humarang sa daraanan ko na sasakyan. Bumaba ang driver pero hindi ko naman mamukhaan dahil sa nasisilaw ako sa ilaw ng kotse. “Ang tigas talaga ng ulo mo,” sabi niya sa akin kaya nalaman ko na ang ninong ko ito. “Nag-jogging lang ako,” sagot ko sa kanya. “Hating gabi?” galit na tanong niya sa akin. “Eh, ano naman kung hating gabi? May oras ba dapat ang jogging?” “Ngayon na may alam ka na sa self defense ay mayabang ka na. Akala mo magaling ka na,” sabi niya sa akin kaya pinaikutan ko siya ng mata. “Kapag wala naman akong alam ay sasabihin mo sa akin na mahina ako. Ngayon na may alam na ako ay maya

