CHAPTER four “WHAT?” bulalas ni Jared. Halos mabingi si Kristina sa lakas ng boses ng binata. “Jared, listen. Hindi natin kailangang matali sa isa’t isa.” Huminga siya nang malalim bago nagpatuloy. “May sarili kang buhay at may sarili rin akong buhay. Huwag nating ilagay ang mga sarili natin sa sitwasyong baka hindi natin mahanap ang daan palabas.” Hindi rin maintindihan ni Kristina ang sarili dahil bago siya bumalik sa Pilipinas ay buo na ang pasya niyang magpakasal kay Jared alang-alang sa mga foundation ng lola niya. Ano ang silbi ng pagsasakripisyo niya kung maraming buhay naman ang kapalit niyon? Pero nang nagdaang gabi ay biglang nagbago ang pasya niya. Hindi pala ganoon kadali iyon. Na-realize niya na hindi pala madaling magpakasal sa lalaking nanakit ng kanyang damdamin. Aka

