3

1121 Words
  TWO YEARS BEFORE   Isang malapad na ngiti naman ang bumakas sa mukha ni Trish nang makita ang kaibigang si Unice na palabas na nang kanilang classroom.   “Hey little girl, you missed me?” Hindi naman inasahan ni Trish ang naging reaksyon ng kaibigan.   “Hi,  Trish, how are you?” Naiilang na sambit nito.   “I’m fine, okay ka lang ba? You looked tense. Have you seen Jake around? Hindi niya  kasi sinasagot yung tawag ko e.” Agad namang umiling si Unice at sinabi   “No, I’m sorry I have to go.” Bago pa man tuluyang makaalis ay nagulat naman sila ng makita si Danica na papalapit kasama ang ilan sa mga kaibigan nito.   “Well, Trish you’re still here, hindi ka ba hinahanap sa inyo?” Sarkastikong tanong ni Danica.   “Nope, are you guys free today? I’ll treat you lunch, Sa dating lugar if that’s okay?” Masayang paanyaya ni Trish   Naparolyo naman ng mata si Danica at binalingan ng masamang tingin si Unice.   “No thank you, actually may lakad kami ni Unice. Anyway Trish from now on, kung ako sayo, You better save your cents bago pa sila maubos.” Napakunot noo naman si Trish at nilapitan ang kaibigan.   “Is everything okay? Akala mo ba hindi ko napapansin na kanina ka pa badtrip sa akin? Can I ask why?” Direktang tanong ni Trish kay Danica.   Napailing nalang si Danica at sumagot.   “No, we’re just having a long day, wrong timing lang talaga ang dating mo, Anyway mauna na kami ha.” Sambit ni Danica na napataas pa ng kilay.   Nang maakaalis na ang mga kaibigan ay nabaling naman ang tingin ni Trish sa paligid at doon napansin niya na nasa kanya na pala ang atensyon ng lahat.   Nang wala nang mapuntahan ay naisipan nalang ni Trish na pumunta sa canteen at doon ay naabutan naman niya ang isa sa kanyang itinuturing na kaibigan na si Jane na kasalukuyan namang abala sa pagtitinda, bilang isang working student ay nagtatrabaho si Jane sa kanilang school canteen pagkatapos ng kanilang klase, bukod pa dun ay isa din itong scholar ng foundation na itinayo ng papa ni Trish.   Nang mapansin na mag-isa sa table si Trish ay agad naman lumapit si Jane upang batiin ito.   “So where’s the gang?” Bungad nito sa kaibigan.   Napatingin naman sa kanya si Trish at tila blanko ang ekpresyon ng mukha nito.   “I don’t know, busy. Si Danica at Unice may lakad, Si Jake naman hindi ko pa nakikita, Since after my dad’s accident.” Napangiti naman si Jane at hinawakan ang kamay ng kaibigan.   “Well, at least may time ka na para sa akin, kumusta na pala ang daddy mo?” Bigla namang nag-iba ang ekpresyon ng mukha ni Trish ng maalala ang ama.   “He’s still unwell. He’s body is half paralyzed, he can’t even say a word.” Nanlumo naman si Trish at saglit na nanahimik.   Bigla namang namayani ang katahimikan hanggang sa muling naisip ni Trish ang mga kaibigan.   “Alam mo, every since I came back, ang weird ng feeling, It seems like everyone is avoiding me. May nangyari ba habang wala ako?” Bigla ay natahimik naman si Jane at tila iniiwas ang tingin sa kaibigan.   “Jane I know that look, its fine you can tell me.” Malumanay na sambit ni Trish.   “Trish, nagkalat na sa buong campus, according to them hindi daw aksidente ang nangyari sa daddy mo, Someone tried to kill him. Kaya daw may gustong pumatay sa kanya because he was involved in drug syndicate at galing daw sa masama ang pera ng pamilya niyo.” Bigla ay nanlaki naman ang mga mata ni Trish at hindi makapaniwala sa mga narinig.   “Gosh, that’s a lie! Hindi masamang tao ang daddy ko.” Sambit nito sa halos pasigaw na tono.   “Please calm down. I didn’t believe them, at hindi lahat ng tao maniniwala sa tsismis na yun.” sambit uli ni Jane.   “This is embarrassing. This isn’t about me, It’s my dad’s reputation, Jane please tell me, sino ang may pakana nito?” Napayuko naman si Jane at pilit na pinipigilan ang sarili na magsalita.   “Jane, I’m asking you!” Sa sobrang gulat at nabigla naman si Jane at sinabi   “Si Danica! I heard her say those things to your dad.” Napatikom naman ng kamao si Trish at pilit na pinipigilan ang galit na nararamdaman.       PRESENT DAY   Naiwan namang nakatulala si Jane habang tinatahak ang daanan patungo sa funeral home na kung saan kasalukuyang inilagi ang bangkay ng kaklase niyang si Glen. Sa isang iglap ay nakaramdam nalang ito ng pangamba nang muling malala ang librong isinulat ni Trish.   Pagkarating sa nasabing lugar ay nadatnan naman nito ang ilan sa mga pamilyar na mukha na marahil ay mga dati na rin niyang mga kasamahan sa eskwela.   Namayani ang katahimikan sa kanyang pagpasok, agad itong dumeretso sa kabaong ni Glen upang makita iyon. Nang makita ang bangkay ng lalaki ay kapansin-pansin naman ang kapayapaan sa mukha nito.   Ilang saglit lang ay nagulat naman ito ng marinig ang isang boses na nagmula sa kanyang tagiliran.   “I didn’t expect it either.” Napatingin naman si Jane sa pinanggalingan ng pamilya na boses at doon ay nakita niya ang malungkot na mukha ni Spencer.   “Hi, nandito ka rin pala” Tipid na bati ni Jane sa kaibigan na halos isang taon na rin niyang hindi nakikita.   “I heard the news, nakakalungkot ang nangyari. Hindi ko inaasahan na sa ganitong pagkakataon pa tayo muling magkikita.” Sambit ng binata.   Bahagya namang ngumiti si Jane at sumagot. “Kumusta ka na?” Ilang sandali namang natahimik si Spencer at bigla nalang bumakas ang pangamba sa mukha.   Sa chapel area ng Funeral Home ay natagpuan naman nila Jane at Spencer ang mga sarili sa harap ng malaking dambana. Namayani ang katahimikan ngunit, hindi na rin naiwasan ni Jane na itanong ang napansing pangamba sa mukha ng kaibigan.   “Pen, kaibigan mo parin ako. I still know that look on your face. May gusto ka bang sabihin?” Giit ni Jane   Napatingin naman sa kanya si Spencer at sinabi.   “Is it possible that Trish is still alive?” Direktang sabi nito.   Napatingin naman ng deretso si Jane sa kaibigan at nagtaka.   “Bakit mo naman naisip yan?” Nagulat nalang si Jane nang biglang may dinulot si Spencer mula sa bulsa sa likuran ng kanyang pantalon.   “I’ve got this almost two weeks ago.” Muli ay napako ang tingin ni Jane sa librong nasa kamay ng kaibigan.   “Dark Tales. I got mine two days ago.” Napakunot noo naman si Spencer at nagtaka.   “Binigyan ka rin niya ng libro? Are you part of the tale?” Seryosong tanong nito.   Napailing naman si Jane at sumagot.   “For now, hindi ko pa alam, wala akong ideya kung tungkol saan ang libro, o kung si Trisha ba talaga ang sumulat nun.” Sagot ni Jane.   Napatingin naman sa kawalan si Spencer at sinabi.   “Glen had it, he’s part of the book, and according to it, he died because of suffocation. Hindi lang si Glen ang nabanggit sa libro, marami pang iba. I think after all those years oras na upang ipaghiganti niya ang kanyang sarili laban sa mga taong nanakit sa kanya.” Muli ay napatingin naman si Jane sa mukha ng kaibigan at maariing itinanong.   “Are you, part of it?” Isang panlulumo ang namuo sa mga mata ni Spencer, dahan-dahan pa itong humarap kay Jane at sumagot.   “Yes, I am part of it.” Tensyonadong tugon nito.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD