PRESENT DAY
Mariing tinitigan ni Benjie ang kaibigang sina Danica at Jake na nakaupo naman sa harapan niya.
Kasalukuyan silang nasa police station.
Sapilitan siyang dinala ni Jake doon upang pormal na magsampa ng reklamo.
“So ina-amin mo na sinadya mong takutin si Ms. Cuevas sa parking lot ng condominium na tinutuluyan nito?”
Napakunot noo naman si Benjie at binalingan ng masamang tingin ang pulis.
“I told you, This is for my safety at para na rin sa mga kaibigan ko.”
Paliwanag nito.
“You’re insane, Benjie nag-iisip ka ba? You almost killed me.”
Galit na sigaw ni Danica.
Nalipat naman ang tingin ni Benjie kay Danica at sumagot.
“Can you think of a possible way para matigil na ang mga nangyayari Danica? Kayo ang nagsimula ng lahat but it ends up na lahat tayo kailangang mamatay. Who will be next? Maaring ako o si Unice pero kong uunahan ko si Trish na patayin ka maybe that is the only way to break the chain. Danica ikaw ang pakay niya, sayo siya mas galit at nadamay lang kami.”
Napailing naman si Danica at habang pilit na pinapakalma ang sarili.
“Lahat tayo damay dito! Hindi ko kasalanan na tanga ka na sunod-sunuran sa mga sinasabi ko. Mali naman pala kami ng pinag-dalhan sayo eh. Hindi ka naman bagay sa kulungan, maybe much better kung sa mental hospital ka na namin dineretso.”
Sambit ni Danica.
“Tama na! nandito kayo upang ayusin ang problema. Ngayon kailangan kong malaman kung itutuloy niyo ba ang kaso ang magsisigawan nalang kayo dito?”
Sambit ng pulis.
Natahimik naman silang pareho at ilang sandali lang ay nagsalita na rin si Jake.
“We are going to settle it, for now hindi kami magdedemanda.”
Seryosong sambit nito.
Nagulat naman si Danica at tiningnan ng mariin ang kasintahan.
“Seriously Jake? Alam mo ba kung anong pinag-sasabi mo?”
Giit ni Danica.
“Let’s go home Dani”
Tipid ng tugon ng lalaki.
“He threatened my life, Ngayon palalampasin mo nalang to?”
Galit na sambit nito.
“No Dani, I’ll make sure na hindi na ito mauulit. I will protect you no matter what.”
Sambit ni Jake habang nakatingin naman sa kaibigang si Benjie.
“No you can’t. Why does it feel like you won’t care for me at all?”
Nanlulumong sabi ni Danica.
“Dani, it’s not that.”
Napailing nalang si Danica at hindi na kumibo.
...................
Natagpuan naman ni Jane ang kanyang sarili sa isang hospita.
Ilang araw din niyang hinanap ang nasabing lugar at sa pagkakataong iyon ay natagpuan na rin niya ito.
Isang babaeng nurse ang humarap kay Jane na nasa kwarenta anyos na ang edad.
Mabait ito at inalalayan naman siya sa loob ng hospital.
“This is a government facility para sa mga kababayan natin na may disabilities. Ito yung shelter ng mga tao na pinabayaan na ng kanilang mga mahal sa buhay, sino nga ba uli ang hinahanap mo?”
Tanong ng nurse.
Napatigil naman si Jane at sumagot.
“Si Serio Suarez po. Nandito po ba siya?”
Tanong naman ni Jane.
“Ah si Serio, Oo nasa ward sa second floor. Teka nga muna ikaw ba yung anak niya si Trish?”
Nagulat naman si Jane nang marinig ang pangalan ng dating kaibigan.
“Ah, hindi-hindi po, Dati nya akong scholar at kaibigan ko po si Trish yung anak niya.”
Paliwanag ni Jane.
“Ah, pasensya ka na at bagong lipat lang ako sa facility na to. Sige akyat na tayo.”
Bigla ay napatigil naman si Jane at nag-isip.
“May naalala po ba kayong dumalaw dito na kamag-anak ni Sir Serio?”
Seryosong tanong ni Jane.
Agad namang sinilip ng nurse ang hawak niyang log book at isa-isang binusisi ang laman noon hanggang sa bigla nalang itong napatigil.
“Si Trish Suarez, dalawang buwan na ang nakaraan base sa log-in date na pinirmahan niya.”
Napatulala naman si Jane at nagtaka.
Bigla ay nakaramdam nalang ito ng kakaibang tensyon.
“Imposible.”
Tipid nitong sabi habang malalim na nag-iisip.
“May problema ba?”
Pagtataka ng nurse.
“Ay wala po, pwde ko na bang makita ang pasyente?”
Pagdadahilan ni Jane.
Ilang sandali lang ay narating naman nila ang ward sa ikalawang palapag ng gusali at doon ay nadatnan ang isang may edad na lalaki na tahimik lang na nakahiga sa kanyang kama.
“Siya ba ang tinutukoy mo hija?”
Napako naman ang tingin ni Jane sa may edad na lalaki at napatango nalang.
“Opo, siya po ang hinahanap ko.”
Tipid na sagot nito.
......................
TWO YEARS BEFORE
Pagkapasok palang ni Trish sa loob ng kanilang silid aralan ay napansin na agad nito ang kakaibang kilos ng kanyang mga kaklase.
May-ilang nagbubulungan at ang iba naman ay nag-tatawan habang pasimple namang nakatingin sa kanya.
Sa umpisa ay hinayaan niya lang iyon hanggang sa makita niya sa hindi kalayuan si Danica kasama ang kaibigan nitong sina Unice at Vicky.
Nakangiti ang mga iyon na mistulang may iniisip na hindi maganda tungkol sa kanya.
Ilang sandali pa ay pumasok na din sa kanilang silid aralan sina Jake, Benjie at Romy na dumeretso naman sa kinauupuan nito.
Nagulat naman siya nang biglang umupo sa bakanteng silya sa kanyang tabi si Jake.
“Zup Trish?”
Bati ni Jake na bahagya pang ngumiti.
Hindi naman niya ito pinansin at ibinaling nalang ang tingin sa ibang dereksyon.
Isang mahinang tawanan naman ang kanyang narinig hanggang sa muling nagsalita si Jake.
“So we’re really over now?. Alam mo Trish alam ko naman na hindi nag work-out ang mga bagay-bagay tungkol sa atin, But I really don’t think na magbabago ang taste sa lalaki at sa lahat nang lalaki na pwede mong gatasan si Glen pa?”
Napatingin naman si Trish kay Jake at napatulala.
“Pwede ba Jake ano na naman ba to?”
Napatayo naman ito sa kanyang upuan at tiningnan ng masama ang lalaki.
“You really don’t know? Don’t tell me you’re denying this?”
Napatigil naman si Trish ng iniharap ni Jake ang cellphone nito sa kanya at doon ay nagulat nalang siya nang makita ang larawan nito na kasama si Glen.
“You kissed the nerd.”
Giit ni Jake na napangisi pa.
Napatulala naman si Trish at pinakinggan ang malalakas na tawanan sa kanyang paligid.
“Poor Trisha, desperada.”
Sigaw ni Vicky.
“She’s really a slut”
Sabat naman ni Danica na nakatayo sa kabilang bahagj ng classroom.
“Stop it”
Sambit ni Trish na naluluha na.
“You’re in his room at nakikipaghalikan ka sa kanya, so please stop pretending na malinis ka, because this photo shows kung anong klaseng babae ka.”
Sambit ni Jake.
Nanlumo naman si Trish at ilang saglit lang ay patakbo nalang itong lumabas sa kanilang silid at pinakawalan ang sarili nitong mga luha.
Pagkalabas naman nito ay napatigil naman siya nang makita si Glen.
Nakayuko ito at tila ba ay iniiwasan siya.
Unti-unti humakbang si Trish palapit dito at tinanong.
“Have you seen it?”
Tahimik namang tumango si Glen bilang tugon.
“Then you let happen? Paano nangyari yun Glen, paano nagkaroon ng camera sa loob ng kwarto mo?”
Naluluhang tanong ni Trish.
Napayuko nalang ang lalaki at hindi umimik, agad namang sumugod si Trish at pinaghahampas sa dibdib ang lalaki.
“How can you do this to me? akala ko mapagkakatiwalaan kita! akala ko kaibigan kita!”
Galit na sambit ni Trish.
Napatigil naman si Trish nang marinig ang boses ni Danica mula sa kanyang likuran.
“The show is over for Glen my friend, akalain mo nga naman, yung dati mong binabasura ngayon binabasura ka na? Isn’t it funny?”
Sarkastikong bigkas ni Danica.
Natahimik naman si Trish at pilit na pinipigilan ang bigat ng kanyang emosyon.
“I’m sorry Trish, I know I had to stop but it’s too late.”
Mahinang sambit ni Glen habang pilit na iniiwas ang tingin kay Trish.
“Well played Glen, you’re one of us now.”
Sambit naman ni Danica habang humahakbang palapit kay Glen.