PRESENT DAY Habang abala sa kanyang pagkain ay napahinto naman si Spencer nang mapansin na tila balisa ang kasama nitong si Jane. Nakatingin ito sa malayo at mistulang may malalim na iniisip. “Yung pagkain mo malamig na.” Pabirong sabi ni Spencer. Agad naman nabaling ang atensyon ni Jane sa lalaki at tipid na ngumiti. “Sorry.” Sagot nito. “Jane, may problem ba? You look bothered.” Pag-aalala naman ni Spencer. Bigla namang nilihis ni Jane ang kanyang paningin sa ibang dereksyon at sumagot. “It’s nothing, kumain nalang tayo.” Sagot nito. “We have to celebrate. Nag-aalala ka pa rin ba? Jane It’s over, tonight is the start of a brand new life for us. Hindi na natin kailangan mabuhay sa takot, let’s forget about the past.” Malumanay na sabi ni Spencer.

