TWO YEARS BEFORE Sa labas ng isang bilyaran ay tahimik namang naka-abang si Trish. Halos isang oras din siyang nag-antay hanggang sa lumabas na din mula sa maliit na gusali si Jake kasama ang mga kaibigan nito. Napatikom naman ng kamao si Trish habang pilit na nilalabanan ang nararamdamang galit. “Look who’s here?” Sigaw ni Romy nang makita ito.. Agad namang nabaling ang atensyon ng lahat sa kanya. Hanggang sa tuluyan na nitong hinarap ang mga lalaki. “Ano bang problema niyo? Bakit kailangan niyong idamay si Spencer dito!” Sambit ni Trish sa galit na tono. Nagkatinginan naman ang mga lalaki at mistulang natatawa pa. “You saw it Trish, siya ang nagsimula ng gulo. We just can’t afford to lose a battle.” Sagot ni Jake. “You are a demon! He’s still unconsc

