"Umuwi ka na. Malapit na ang alas dose baka 'pag nawala na ang memorya mo ay magtaka ka kung bakit ka nandito," sabi ni Kevin kay Kiara. Paano'y grabe pa rin kung makakapit sa kanya ang dalaga. Parang wala nang balak bumitaw at umuwi. Wala na. Wala na ang usapan nila na tatanggapin na lang nila kung ano'ng mangyayari dahil ito na ang kapalaran nila. Pasalamat na lang nila at pinagbigyan ulit silang magkasama. "I don't want to." Mas hinigpitan pa ni Kiara ang pagkapit sa braso niya. "Ate Kiara, 'wag kang mag-alala kahit bumalik ka na sa bago mong pagkatao ay 'di kami lalayo sa'yo. Kayo pa rin ni Kuya Kevin ano man ang mangyari. Magtiwala ka sa amin, ate," sabi ni Bubong. Nakabantay rin sila ni Teroy at ni puting anghel na 'di nila nakikita. Hindi umimik si Kiara. Bagkus ay nagsumiksik

