CHAPTER 1

1363 Words
Tumayo na ko ng aking kama pagkarinig ko palang ng alarm clock. Pumasok ako sa bathroom at ginawa ang aking morning rituals. Nang matapos ako, pumunta ako sa closet area ko at namili sa dalawang uniform ko. Yung black ang kinuha ko at sinuot. Mas maganda kasi pag black, hindi marumihin. Sa school kasi dalawa ang klase ng uniform na pwede mong suotin. Black or white. By the way my name is Maxine Dawnson, eighteen yearsold and soon to be a Doctor. →Fast Forward← Pag bukas ko ng pinto, agad sumalubong sa akin ang pagmumukha ng kapatid ko at nakataas pa ang dalawang kilay. Yari! Ito na naman. "Why are you late ms. Dawnson?" Tanong ng ate Brittany ko. Kami ang may-ari ng unibersidad na pinapasukan ko at isang Professor ang ate ko dito. May isa pa kong kapatid at sya ay fourth year collage na, habang ako ay grade 12 palang. Bali si ate Brittany ang panganay at pangalawa si ate Eva at ako ang bunso. "Ah . . . Eh . . ." "Hindi ko sinabi na bigkasin mo ang alphabetic." "Sorry po ms. Dawnson, nalate po kasi ako ng gising." "Tsk! Pumunta ka sa detention room, now." Napakamot naman ako sa batok at saka dahan dahan sinara ang pinto. Nakasimangot akong pumunta sa detention room. Si ate Brittany naman kasi eh! Masyadong seryoso at kahit kapatid ka pa nya hindi ka nya palalagpasin, manang-mana talaga sya kay mom. Pareho silang seryoso, buti pa si dad palatawa. Pag pasok ko sa loob, bumungad sakin ang mukha ni mom. "Tumawag sakin ang ate mo, late kana naman daw." "Sorry mom, nalate po kasi talaga ako gumising." "Hindi na kita papahirapan pa. Cge linisin mo ang CR ng girls sa third floor ng A-1 Building." Tumango lang ako at lumabas na. Si mom kasi ang president ng detention then yung vice president ay si Hazel. Yung pinsan ng mahal ko. And babae ang mahal ko. I'm Lesbian, nasabi kong lesbian ako nung nag-seven yearsold ako. Yung best friend ko kasi nung nag birthday ako nung seven yearsold, bigla akong hinalikan then dun ko napagtanto na Lesbian ako. Pero kahit Lesbian ako, babae parin ako manamit and babae pa rin ako kumilos at magsalita. Yun nga lang babae rin ang hanap ng puso ko. →Fast Forward← Pag tapos ko linisin ang CR, dumeretso na ako sa canteen. Pumila ako sa cashier at umorder ng pagkain. "Ate paki-hatid na lang sa table ko. Please?" "Oo naman, cge ihahatid ko nalang." "Thank you po." Humanap ako ng upuan banda dulo para hindi masyado maingay, break na kasi ng mga Junior high school kaya maingay na. Habang nag c-cellphone ako biglang may umupo sa harap ko kaya napatingin ako. "Hi Max." "Hi Annie." "Hindi ka pinapasok ng ate mo, higpit nya talaga." "Heheheh! Alam muna, mana kay mommy." "Ma'am." Nilapag ng isang babae ang pagkain kong inorder kanina sa table. "Salamat." Sabi ko. Tumango lang ito tas umalis na sa harap namin. "May pinagawa sa inyong assignment?" "Wala, nag-quiz lang kami. Zero ka nga eh." Sabi nito. "Hay na ko, bahala sya. Basta ako pumasok, hindi nya lang pinapasok." Sabi ko at sinimulan lantakan ang inorder kong pagkain. Nagpaalam ito sa akin na oorder lang din ng pagkain tas maya maya bumalik na syang may dala na pagkain. PAG TAPOS namin kumain ni Maxine, pumasok na kami sa next subject. Pag dating namin sa classroom, wala pa si Professor Brittany kaya naman nagkwentuhan muna kami ni Maxine. By the way my name is Annie Scott, eighteen yearsold and soon to be a Doctor. Napatigil kami sa pag kwentuhan ng nagsibalikan na ang mga kaklase namin sa kani-kanilang upuan, kasabay nun ang pag pasok ni ate Brittany sa loob ng classroom. →Fast Forward← "Max mauuna na ko ha." Paalam ko kay Max at hinalikan muna sya sa pisngi bago pumasok sa aking kotse at pinaandar palayo. After minutes of driving nakarating na rin ako sa condo ko. Sa condo ako nakatira dahil wala naman ang magulang ko sa bahay, nasa ibang bansa at ang dalawa kong kapatid naman ay nasa bahay. Ako ang bunso at ang panganay ay si ate Loisa at ang pangalawa ay si ate Georgia. Iniwan ko silang dalawa sa bahay dahil lagi rin naman silang wala, lagi silang nasa bahay ng mga kaibigan nila. Buti nga pumayag si mommy na tumira ako sa condo mag-isa kahit grade 12 pa lamang ako. Maxine Point of View Umuwi ako ng bahay at nadatnan ko ang daddy ko na nagbabasa ng dyaryo, habang ang mommy ko ay nanonood ng balita. "Hi dad, hi mom." Bumeso ako sa kanilang dalawa. "Hi hija, bat ngayon ka lang?" Tanong ni dad. Naupo ako sa solo couch. "Dumaan pa po kasi ako ng library." "Anong ginawa mo sa library?" Seryosong tanong ni mommy. Wala kang makikitang emosyon sa mukha nya. Ang cold talaga nya, pareho sila ni ate Brittany. "May hiniram lang po akong libro." Tumayo ako. "Akyat na po ako." "Cge hija, maya-maya bumaba kana rin para makakain tayo ng dinner." Sabi ni dad. "Opo." Nag bow pa ko bago umalis sa kanilang harapan. Pag pasok ko sa kwarto, bumungad sakin ang makalat kong kwarto. Oo nga pala hindi ko 'toh nalinisan kanina bago ako umalis dahil sobra ang pagmamadali ko. Umupo ako sa kama at pinindot ang intercom. "Paki linis yung kwarto ko." "Opo ma'am." Humiga ako sa bed ko. Maya't maya may kumatok kaya tumayo ako para pagbuksan ang kumatok. "Ikaw pala Manang, pasok ka." Pumasok ito habang dala-dala ang dust pan at walis. Sinara ko ang pinto at naupo sa kama. "Manang bat ikaw ang maglilinis? Wala bang ibang yaya?" "May ginagawa sila hija tsaka gusto kasi kitang makita kaya ako nalang." "Huh? Bakit po?" Tumigil ito sa paglilinis at naupo sa aking tabi. "Hija may sakit kasi ang aking anak, yung nasa probinsya. Nakakahiya man pero kakapalan ko na yung mukha ko . . . . Pwede bang maka-utang sayo?" "Oo naman po, magkano po ba?" "Bahala kana hija. Nahihiya kasi ako sa papa mo kasi nung nakaraan nangutang narin ako tas hindi ko pa nababayaran. Wag ka mag-alala hija, pag naka-luwag ako babayaran ko kayo. Gipit lang talaga ako." Kinuha ko yung wallet ko at kumuha ako ng anim na libo. "Manang oh." Nahihiyang tinanggap ni Manang ang pera. "Wag nyo ng bayaran Manang, isipin nyo nalang na tulong ko yan sa inyong anak." "Salamat hija." Ngumiti lang ako at pinagpatuloy na ni Manang ang paglilinis. Matanda na si Manang, nasa 60s narin sya pero nagta-trabaho parin. May anak pa kasi syang pinag-aaral ng kolehiyo. Ang tagal narin naninilbihan ni Manang samin, bata pa lamang ako naninilbihan na sya samin. →Fast Forward← Bumaba na ko at dumeretso sa dining area, nadatnan ko ang pamilya kong kumakain na. "Hi sis." Bati ni ate Eva at tumayo pa para bumeso sakin. Si ate Brittany naman ay tahimik lang na kumakain at ganun din si mom. Parehong-pareho . . . Buti pa si Dad and ate Eva binabati ako tuwing nakikita ako. Umupo ako sa tabi ni ate Eva at nagsimula narin kumain. Annie Point of View Naglalaro ako sa cellphone ng biglang may nag door bell. "Bwiset!" Sino naman kaya 'tong nagdo-door bell? Eh wala naman akong inaasahan na bisita ah. Pagbukas ko bumungad agad sakin ang mukha ng pinsan ko na nakangisi. "Bat nandito ka, Hazel?" Mataray kong tanong. "Wala lang." Sabay pasok nito sa loob. Siraulong babae! Wala man lang paalam, pumasok agad. Walang modo! "Pinapasok ba kita?" Masungit kong tanong habang sya ay prenteng nakaupo sa couch ko. "Couz naman, ang sungit mo talaga." Sabay irap nya. Naupo ako sa kabilang couch. "Umalis kana, ayoko ng may kasama." "Grabe! Pero pag dating kay Max, okay lang. Aminin mo nga, may gusto kaba kay Max?" "Wala, straight ako noh." "Eh bat pag dating sa kanya hindi ka naman masungit?" "Wala kana dun, umalis kana." Tumayo ako at pumasok na sa aking kwarto. Hyst! Inaatake na naman ako ng kasungitan ko. Pero bakit nga ba sa kanila masungit ako? Samantalang pag kay Max hindi naman ako nagsu-sungit. Hmm . . . Siguro badtrip lang talaga ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD