Maxine Point of View Hindi ko alam pero ng marinig ko ang boses ni Annie na chini-cheer ako, bigla akong nagkaron ng lakas. Puro 45 kick lang ang ginagawa ko. Nang mapagod ako, nag side step ako sabay 45 kick. Whooo!! Puntos! Dalawa nalang hahabulin ko. Sumipa sya ng back kick pero mabilis akong nag slide back kaya hindi umabot. Wiw! Buti nalang mahaba yung biyas ko. "Whooo!! Kaya mo yan Gia!" "GO MAXINE!!!" "DAWNSON FIGHT!!!!" Lalo akong ginanahan kaya binilisan ko na ang pagkilos ko. Nag axe kick ako pero nakailag sya kaya walang puntos. Mabilis akong sumulyap sa electronic at nakita kong twenty seconds nalang ang natitira. Sumipa ako ng 45 kick, tatlong beses na 45 kick sabay turning kick. Tinaasan ko ang turning kick ko para umabot sa ulo nya. "DAWNSONNNN!!!!" "WHOOO!!!! PA

