Annie Point of View Patuloy pa rin kaming naghahalikan, kahit pakiramdam ko mauubusan na ko ng hangin. *TOK!*TOK!*TOK!* Natauhan ako ng may kumatok pero mukhang hindi pa natatauhan si Maxine kaya malakas ko syang tinulak. Nanlalaki ang mata nya ng tumingin sakin pag tapos ko sya itulak. Dali dali kong binuksan ang pinto at tumakbo papalayo. Rinig kong tinatawag pa ko ni Coach Leni pero hindi ko yun pinansin, kailangan ko ng oxygen. Pag labas ko wala akong tao na naabutan, huminga agad ako ng malalim para kumalma ang puso ko. Sobrang bilis kasi nang t***k. "Annie!" Lumingon ako sa gawi nang tumawag sakin. "Oh Alex? Nandito ka pala." "Surprise! Wala kasi akong class and wala naman akong gagawin kaya naisipan kong panoorin ka." "Kanina kapa rito?" "Oo, napanood nga kita mag perfor

