C3: A Favor
Nasa opisina si Fammie ngayon ng kanyang boss to report. Kakatapos lang niya magreport. Nasa question and answer na sila.
"Ms. Alegre, how was the on going construction in Makati?" Tanong kay Fammie ni Steven pagkatapos niyang i-discuss dito ang performance ng hotel this month. Si Steven ay kanyang boss.
"I went there to check last week Sir and it's going well. Wala naman po akong nababalitaang problema doon sa site." Sagot naman ni Fammie.
"That's good to hear. You may leave now." Sabi nito sa kanya na nakatalikod habang nakatanaw sa bintana. Malalim ang iniisip nito.
It's been a month since the last time they met and talk.
She was about to leave nang biglang pumasok ang Lola Emelda ni Steven. Nagulat siya. Napatingin agad sa kanya ito. Nagliwanag ang mukha ng matanda. Ngumiti ito ng abot tenga sa kanya. Ngumiti din siya dito.
"Ms. Alegre, you're here! Long time no see!" Masayang bati nito sa kanya.
Napakabango nito. Bigla siya nitong yinakap na para bang tuwang-tuwa na makita siya. Sa loob ng ilang taong pagtatrabaho niya dito sa Hotel bilang lang kung ilang beses niya itong nakita na kasama ni Steven na bibihira lang din dumalaw pero ganoon siya nito batiin. Napakabait.
"Ms. Alegre, you may go." Bigla naman silang napalingon sa nagsalitang si Steven. Binalingan nito ng tingin ang matanda, "Where's lolo?" Tanong nito sa lola.
"Nasa parking pa. Papunta na 'yon. Let's have lunch together." Sabi ng matanda na narinig pa ni Fammie, dapat ay palabas na pero bigla siya nitong kinapitan sa braso, "Ms. Alegre, please join us." Nakangiting sabi nito. Binalingan niya ang binatang kunot noong nakatingin sa kanya na para bang kinakausap siya ng mga mata nitong tumanggi na lamang, "Please? Don't worry about my grandson. He will let you join us. Steven Blake, am I right?" Baling nito sa binata na pinandilatan ng mata.
"Sure." Labas sa ilong na sagot nito sa matanda. Alam niyang napipilitan lang ito pero kailangan niyang pagbigyan ang matanda. Ayaw niyang sumama ang loob nito sa kanya.
Madalas na ganito ang nangyayari sa tuwing maaabutan, masasalubong o makikita siya ni Lola Emelda. Napakabait at masayahin nito kaya hindi niya talaga matanggihan.
Natuwa naman si Lolo Antonio nang makita at malaman na isasabay siya sa kanilang tanghalian.
Hindi naman maiwasan ang mga empleyadong nakatingin sa kanila lalo na sa kanya nang makita siyang hawak ni Lola Emelda sa braso na para bang close sila kahit hindi naman masyado. Madali kasing makagaanan ng loob ang matanda dahil sa pagiging masayahin nito.
Sa restaurant lang ng hotel sila kakain.
"Ms. Alegre, ilang taon ka na nga bang nagtatrabaho dito?" Magiliw na tanong ni Lola Emelda nang makaupo na sila.
"Almost seven years na po." Agad namang sagot niya dito.
"Buti naman at natitiis mo ang kasungitan ng apo ko." Natatawang sabi nito.
Napatingin naman siya kaagad sa binatang mukhang wala namang pakialam sa usapan na tungkol dito. Ngumiti lang siya bilang sagot.
Nasa kalagitnaan sila ng pagkain nang may tumawag kay Steven kaya nag-excuse ito para sagutin. Lumabas ito.
Nagulat siya nang hawakan ni Lola Emelda ang kaliwang kamay niya. Katatapos lamang niya kumain.
"Bakit po?" Pagtataka niya dito. Ngumiti ito.
"I'm really happy to see you again. Sana matiis mo pa ang kasungitan niya. Alam mo bang matagal na kitang inaabangan sa tuwing pupunta ako?" Seryosong sabi nito na para bang may gustong iparating pero hindi naman niya agad na makuha.
"Bakit naman po?" Nagdadalawang isip na tanong niya.
"Because I really like you for my grandson." Direstsong sagot ng matanda na ikinabilis ng t***k ng puso niya pero hindi niya ito pinansin. Siguro ay kinabahan lang siya dahil sa sinabi ng matanda.
"But I think your grandson don't like me po. Tyaka sa trabaho lang po kami naka-focus." Malumanay na sagot niya dito. Nagpapakatotoo naman siya.
"Can I have a favor from you?" Lakas loob na tanong ni Lola Emelda.
"Ano po 'yon?" Pagtataka niya. Naiilang din siya.
"Try to make my grandson's heart soft again. Because since his parents passed away doon din nagsimulang naging madalang itong ngumiti. Naging masungit ito." Kwento ng matanda.
"Sorry po pero baka nagkakamali po kayo ng hinihingan ng pabor." Mahinang sabi ko.
"Pero nakikita ko kung paano ka niya tratuhin. Hindi katulad ng trato niya sa iba. It's like there's something special." Konklusyon nito.
"Paano pong special? Once or twice lang po kami nagkakasama at nagkakausap sa isang buwan at ilang oras lang po 'yon. Ma'am, I don't think na iba po ang trato niya sa akin." Natatawang sabi niya.
"I know but I can see how he trust you on our business kaya ko nasabi." Pangungumbinsi pa nito.
"Gano'n po ba? Hindi ko po kasi maintindihan kung bakit niyo ako nagustuhan para sa apo niyo. Isa lang naman po akong empleyado dito na matagal ng nagtatrabaho katulad ng iba." Dahilan niya.
"Basta gusto kita para sa apo ko. Sana mapadalas ang pagkikita natin para mapadalas ang pag-uusap natin. Ms. Alegre, can I have your number?" Malambing na saad nito.
Ilang segundo siyang nag-isip bago ibinigay ang kanyang cellphone number. Nagdadalawang isip kasi siyang ibigay ito kaso hindi niya matanggihan ang matanda. Ayaw niya namang sumama ng loob nito sa kanya o maoffend kung hindi niya ibibigay number niya.
Si Lolo Antonio ay ngumingiti-ngiti lang sa usapan nila. Hindi ito nagbibigay ng kumento o opinyon. Mukhang agree din siya sa asawa.
Magagawa kaya niya ang pabor na hinihingi ni Lola Emelda?
Bakit parang natuwa siyang malaman na gusto siya nito para sa apo?
Bakit parang nagkakainteres siya sa pabor ng matanda? Nagkakainteres lang ba siya o interesado talaga siya? May pinagkaiba ba 'yon? Bakit siya napapaisip ngayon? Ni minsan hindi niya naisip na pusibleng mangyari ang ganito.
Ano nga bang dapat niyang gawin na hindi lalabas na tinatanggihan niya si Lola Emelda o hindi mamasamain ng matanda ang pagtanggi niya? Dami na niyang iniisip sa trabaho, pinapaisip pa siya ng matanda. Nakakakonsensya naman tanggihan. Nakakailang din. Hindi na nga lang muna niya isipin sa ngayon.
-