Chapter 8

2016 Words
Nakapikit pa ang matang kinapa ko ang tabi ko.Dumilat ng walang makapang katabi. Bumangon ako at itinukod ang dalawang palad. Pinaikot ko ang mata sa silid. Kahit ang banyo ay pinakiramdaman ko kung may lagaslas ba ng tubig. Tahimik. Tuluyan na akong tumayo. Ngunit napadako ang tingin ko sa bintana ng makarinig ng malakas na tawanan. Bahagyang nakabukas ang sliding window. Itinodo ko ang bukas para makadungaw. Si Nathan naglalaro ng basketball kasama ang tatlong taong gulang naming anak. Parehong pawisan na ang dalawa habang nakabilad sa pang-umagang araw pero kapwa hindi alintana ang init dahil parehong masaya ang mukha. Pareho rin silang nakasuot ng magkaparehong jersey uniform na replika ng isang NBA basketball team. Ang kisig tignan ni Nathan habang cute na cute naman si Jr. Kapapagawa pa lang ng maliit na basketball court sa bakuran. Pinagawa ito ni Nathan bago nagdiwang ng third birthday si Jr. Dito nga sila halos araw-arawin na nakatambay na mag-ama. Kontento akong sumandal sa window frame at pinagmasdan ang aking mag-ama. Tatlong taon na simula ng ipinganak ko ang panganay namin. Nagtampo ako kay Nathan. Wala siya habang nanganganak ako. Pero ng makita ko ang kagalakan niya habang karga ang sanggol namin at marahang hinihele at natunaw ang puso ko. Naanod maging ang munting hinanakit na nabuo sa loob ko. Bumawi siya sa pag-aasikaso sa akin...sa amin ng anak ko. Mas naging masigasig si Nathan trabaho pero hindi tulad ng dati, mas pinaglalaanan na niya kami ng oras ngayon. Mahal na mahal niya kami. Pinapatunayan niya sa akin iyon araw-araw. At ang tanawing aking nasasaksihan ngayon ay ipinagpapasalamat ko ng labis. "Nanay!" napadiretso ako ng tayo ng marinig ang malakas na pagtawag ni Jr. Napatigil sa pagdribol ng bola si Nathan at sinabayan ang anak sa pagtingala sa akin. Kumaway ako sa kanila bago umalis sa tabi ng bintana. Pumasok ako sa banyo at dali-daling naghilamos. Mabilis ko ding pinalitan ang pantulog na damit. Kumuha na rin ako ng bimpo at pamalit na damit ng mag-ama ko bago ako bumaba. "Good morning, nanay!" Matamis akong nangiti. "Good morning, too," nag-squat ako sa harapan niya at agad na dinampian ng bimpo ang pawis nito sa noo, sa leeg at sa braso. " Nanay, nagshoot ako ng ball po. Hinawak ako ni tatay kaya abot ko ang ring po," napahalakhak ako sa cute na pagsasalita nito. "Wow! Ang galing naman ng baby ko!" puri ko habang patuloy sa pagpunas ng pawis nito. "Di na ako baby, nanay. Sabi tatay, kuya na ako...kuya Jr." Nangunot ang noo ko. Nang lingunin ko si Nathan ay ngising-ngising ito. I stood up and went near him. "Anong sinabi mo diyan sa anak mo?" "Ang alin?" "Magiging kuya na raw siya." "Oo, sinabi ko nga. Di ba nga gumawa tayo kagabi. Tatlong rounds 'yon kaya sigurado akong may mabubuo. Ang galing ko kayang mag-shoot." Nag-init ang pisngi ko. Natampal ko ang noo bago sinugod ng kurot ang tagiliran nito. "Ikaw talaga, kung ano-anong tinuturo mo sa anak natin," ito naman ngayon ang pinupunasan ko ng pawis. Natigil lang ng hapitin ako nito sa beywang. "I'm serious about wanting Jr. to be a big brother. His three now. Tamang edad para sundan na. Malungkot ang walang kapatid, love." Itinaas ko ang mga braso at ikinawit sa mga balikat nito. "Pero love, ang sabi mo pag lumaki-laki si Jr. ay pwede na akong bumalik sa pag-aaral ko. Hind ko magagawa 'yon kung mabubuntis ulit ako. " Nawala ang ngiti sa labi ni Nathan, " Alam ko pero...hindi mo naman na kailangang tapusin pa ang pag-aaral mo. Hindi mo rin naman magagamit ang degree mo sakaling maka-graduate ka. Sinong mag-aalaga kay Jr.? Sinong mag-aasikaso sa amin? Baka mawalan ka na ng oras sa pamilya natin pag nag-aral ka ulit. " " Kaya ko namang pagsabayin, love. Three semesters na lang naman matatapos ko na ang kurso ko-" "It's a beautiful morning, Claire. I don't want it ruin. Huwag muna nating pag-usapan. Shower lang kami. Jr. let's go!" hinalikan niya ako sa noo bago kumalas ng yakap sa akin. Palagi siyang ganiyan sa tuwing nababanggit ang tungkol sa kagustuhan kong muling magbalik sa pag-aaral. Umiiwas. O di kaya'y naiinis. "Ang babae kapag may asawa't anak na, dapat nasa bahay na lang. Hindi 'yong nangangarap pang mag-aral muli," si Mama Josephine. Hindi ko namalayan na naroon din pala ito. Mukhang narinig ang pinag-uusapan naming mag-asawa. "Gusto ko lang naman pong matupad ang pangarap kong makapagtapos ng pag-aaral." Napaismid si mama bago mabalasik ang tinging ipinukol sa akin. "Gusto mo naman palang makapagtapos ng pag-aaral eh,di sana! Inuna mo 'yon kaysa ang nagpasundot sa anak ko. Ambisyosa kasi! Akala mo siguro kapag pinakasalan ka ng anak ko ay magiging buhay prinsesa ka na? Ngayon na malabong mangyari kaya nagpipilit ka ulit na mag-aral? Naku! Babae! Hanggang pangarap ka na lang!" Tumayo ito at hinayon ang papasok ng bahay. Pero bago tuluyang tumalikod ay pinasadahan pa ako nito ng isang nakakainsultong tingin. Mas nakilala ko ang asawa ko sa nakalipas na tatlong taon. Pero mas tumingkad din ang pag-uugaling meron ang biyenan ko. Mas dumalas din ang pang-aalipustang inaabot ko mula rito. "Anong gusto mong lutuin kong ulam mamaya para sa hapunan?" tanong ko habang inaayos ang pagkakatali ng neck tie ni Nathan. " Bahala ka na, love. Iutos mo na lang kina Manang Eden ang pagluluto. Hindi mo namang kailangang gumalaw dito sa bahay. Si Jr., siya lang dapat ang priority mo." Napatitig ako sa kanya Bumuka ang labi ko para sana sumagot pero umurong naman ang dila ko. Tumango na lang ako,"Okay." Sumama ako pagbaba at hinatid ito ng tanaw habang papaalis ang sinakyan nitong kotse. Nang isarado ng guard ang gate ay saka lang ako muling pumasok ng bahay. "Eden! Sabihan mo ang driver na ihanda ang sasakyan. May pupuntahan kami ni Jr." napabilis ang paghakbang ko ng marinig ang boses ni mama. Naabutan ko ito sa sala na prenteng nakaupo sa sala. "Mama, aalis po kayo?" Inirapan ako nito. "Stupida! Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?" " Saan po ba kayo pupunta? Alam po ba ni Nathan na isasama 'nyo si Jr?" Sumama ang tingin nito sa akin. "Bakit ako magpapaalam? Apo ko ang isasama ko kaya hindi ko na kailangang ipaalam pa sa anak ko ang pag-alis namin. Oh, gusto mong ipaalam ko pa sa'yo? Aba! sinuswerte. Nuncang mangyayari 'yon. Maiwan ka dito. Tulungan mong maglinis ang mga katulong. Hindi makakapasok ang labandera kaya ikaw ang tumapos ng naiwang labahan kahapon." " Pero, mama-" "Wala ng pero pero! Pamamahay ko 'to kaya ako ang masusunod." " Madam, nakahanda na po ang sasakyan," tumayo si mama sa hudyat na iyon ni Manang Eden. "Bye, nanay!" wala akong nagawa kung di sundan na lang ng tingin ang mag-lola na paalis. Sanay na ako sa ganitog pakikitungo sa akin ng biyenan ko. Palaging ganito. Aalis at uuwi ng bahay si Nathan ng hindi nalalaman ang ganitong sitwasyon ko. Tatlong taon na akong nagtitiis. Pinili kong huwag ng magsabi. Tumatak sa isipan ko ang nangyari noon ng naospital si mama ng magkaroon kami ng pagtatalo. Iniintindi ko na lang ang biyenan ko kahit na masyado ng masakit ang mga binibitawan nitong salita sa akin. " Ito pang mga kumot at kurtina, Kailangang matapos 'yan na malabhan ngayon." Napabuntong-hininga ako ng makita ang apat na basket ng labahan na ibinaba ni Manang Eden at ng isa pang kasambahay. Bukod dito ay mayroon pang tatlong basket na punong-puno rin ng lalabhang mga damit. Sa dami ng labahan ay aabutin ako ng maghapon. Kailangan ko ng bilisan. Ayokong maabutan ako ni Nathan na may ginagawa. Pinaspasan ko ang maglaba. Maging ang pagkain ng pananghalian ay binilisan ko para lang di magahol sa oras. Nag-unat ako ng likod habang minamasdan ang mga natapos na labahan. Pagod na pagod ako. Ngayon ko ramdam ang pananakit ng balakang, likod at mga braso ko. "Ate Claire, ako na po ang bahalang mag-akas ng mga sinampay. Magpahinga na po kayo," ngumiti ako kay Aya. Hawak nito ang bakanteng laundry basket habang nakatayo sa gilid ko. Bunsong anak ito ni Manang Eden. Tatlong taon lang ang tanda ko dito. Higit sa kasambahay ay kaibigan na ang turing ko dito. Bukod sa mabait ito at palangiti, konti lang ang pagitan ng edad namin kaya madali ko itong nakasundo. Siya lang din naman ang bata-bata pa ang edad. Siya ang madalas na makausap ko rito sa mansiyon. Naging close na ako rito. "Hala, ate! Sugat-sugat ang kamay mo!" itinaas ko ang dalawang kamay. May mgs mumunting sugat nga at namumula. "Allergic kasi ako sa detergent soap." "Gamutin natin, ate." "Huwag na." Mawawala din naman 'to pagkaraan ng ilang araw. "Kung bakit naman kasi pumapayag ka sa pinaggagawa sa'yo ni Madam Josephine! Kulang na lang ay palipatin ka sa maid's quarter. Daig mo pa katulong sa ginagawa niyang trato sa'yo." Tipid na ngiti ang sinagot ko. "Ina siya ng asawa ko kaya sinusunod ko." " Pero, ate, hindi pa rin tama. Tapos sa tuwing aalis na lang sila ni Jr. palagi kang hindi kasama. Parang ayaw kang ipakilala sa ibang tao." Parang sinuntok ang dibdib ko. Sinasanay ko ang sarili ko sa malamig na pakikitungo sa akin ni mama. Pero masakit pala marinig sa ibang tao ang katotohanan. Na hindi niya talaga ako tanggap bilang isang manugang. 'Yon naman ang pinagsisikapan kong maabot alang-alang sa asawa ko. Pero mukhang matatagalan pa. " Bakit may mga sugat ka sa kamay?" nanlaki ang mata ko. Hindi ko inaasahan na mapapansin agad ni Nathan ang kamay ko pagdating nito kinagabihan galing sa opisina. Hinila ko ang kamay at agad itinago sa bulsa ng suot kong daster. " Ahm..."nag-isip ako ng maaring gawing palusot. "A-ano kasi...uhm...t-tumulong ako sa paglilinis kanina." Nagsalubong ang kilay nito. " Sabi ko naman sa'yo hindi mo na kailangang tumulong pa sa mga gawain dito. Sa dami ng kasambahay ay kayang-kaya na nila nag gawain. " "S-sorry. Nainip kasi ako kaya..." "Nasaan si Jr.?" " Nasa kwarto na niya natutulog." " Akyat muna ako, silipin ko. " Pumunta akong kusina para ihanda ang hapag habang umakyat naman si Nathan. "Claire!" Natatarantang lumabas ako ng komedor ng marinig ang malakas na sigaw ni Nathan mula sa ikalawang palapag. Napatakbo ako paakyat sa hagdan. Sa kwarto ni Jr. ay naabutan ko itong nakaluhod sa tabi ng kama. " Mainit si Jr.!" dinaluhan ko ito. Sinalat ng palad ang noo ng anak. Mainit nga. Kumuha ako ng basang bimpo at idinampi rito. Mabilis din ang galaw na kinuha ko ang gamot sa loob ng medicine cabinet sa loob lang din ng banyo pati na rin ang digital thermometer. "Jr., baby...inom ka gamot, nagmuklat ito ng mata. Inalalayan ito ni Nathan para maitaas ang ulo. Nang makainom ay muli itong humiga. Pinindot ko ang on button ng thermometer at iniipit sa kili-kili nito. 38.9° Celsius. Mataas nga ang lagnat nito. " Ito na nga ba ang sinasabi ko...I told you not to do anything in this house. Si Jr. lang dapat ang tutukan mo." Napayuko ako ng ulo sa panenermon nito. "Okay pa siya kanina bago ako pumasok sa trabaho. Ano bang ginawa nito maghapon?" Tinapunan ko ito ng tingin. " Hindi ko alam," matapat na sagot ko. "Hindi mo alam? Anong klaseng sagot 'yan? Ikaw ang nanay, maghapon kayo dito sa bahay...hindi mo alam kung anong nangyari sa anak mo?" Kinagat ko ang labi. Nagsisimula ng humapdi ang sulok ng mga mata ko. " Umalis si mama kanina...kasama siya. Kaya hindi ko alam kung anong pinaggagawa ng anak mo maghapon, okay?" " Eh,bakit hindi ka sumama para nabantayan mo ng maigi anak natin." Kahit naman gustuhin ko ay hindi ako pasasamahin ni mama. Ngayon tuloy ay lumalabas na kasalanan ko pa ang lahat. " Look, Nathan. Kagustuhan ni mama na isama si Jr., hindi ako. Naiwan ako dito sa mansiyon dahil inutusan ako ni Mama na tapusin lahat ng labahin. Hindi ko naman alam na magkakaganito si Jr.-" "Pinaglaba ka ni mama?" Nanlaki ang mata ko. Hindi ko na naman napigilan ang bibig ko. " Nasaan si mama?" may galit sa boses na tanong niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD