Agad na tumayo mula sa kanyang pagkakaupo si Gabriel nang makita niya akong papasok sa dining area. Nakaupo sa kabisera si Jack. Sa kanan nito ay si Tiya Leonora na nakangiti ng alanganin sa akin. Sinalubong ako ni Gabriel at hinalikan sa pisngi. “I'm glad you're still here.” I don't understand myself why I can't hate Gabriel so much. Kung tutuusin, lahat ng ito ay nag-ugat sa kanyang desisyon. Pero ang makita ko siya ngayong buhay at nakangiti ay nagpapagaan sa kalooban ko. I can't judge him because I wasn't there when he faced his hardest battle in the first place. At kahit wala ako sa tabi niya ng mga panahong iyon, alam kong hindi madali ang pinagdaanan nito. Mahirap mag-isa. I can attest to that myself. Pero iba ang sa kaso niya. Mag-isa na nga siya, may karamdaman pang taglay. I c

