THREE MONTHS LATER XIAMARA'S POV Kinakabahan ako ngayon na binubuksan ang pregnancy test na binili namin dalawa ni Myles. Ngayon ko lang kasi namalayan na tila hindi na ako dinadatnan at ang huling regla ko pa ay bago pa kami mag-honeymoon ni Dakz sa Isla. Kaninang umaga pag-alis ng asawa ko ay bigla naman sumulpot itong aking bestfriend dito sa condo ng Kuya n'ya. Sa totoo lang ay gusto na kami nila mommy na lumipat sa bahay na ibinigay nila sa aming mag-asawa na hanggang ngayon ay hindi pa din kami nakakalipat. Mas komportable kasi akong kumilos dito sa condo,pero syemp're kapag may anak na kami ay mas kailangan na ng malaking space para sa mga anak namin. Kaya naman kailangan na namin ipush na mag-asawa na makalipat na sa malaking bahay na iyon na aalog-alog siguro kaming dalawa

