"Wala naman Mara,may naalala lang ako at h'wag munang isipin pa iyon , dahil hindi naman iyon importante pa. Ang importante sa ngayon ay ang ikaw at ang magiging baby natin." Sagot ko sa kan'yang tanong sa akin. Dahan-dahan ko na din itong ibinaba,dahil baka mamaya ay masaktan pa ang baby namin. "Magpahinga ka na ulit at madaling araw pa lang naman. Alam mo naman na bawal sa buntis ang masyadong nagpupuyat,dahil sa nakakasama yan sa baby." Sabi ko pa sa aking asawa. Mas kailangan ngayon ng aking pag-aalaga at hindi ko hahayaan na may mangyari sa kanila ng anak ko,ng dahil lamang kay Ava. Kapag nalaman kasi nito ang nangyari sa amin ni Ava ay maaring maging sanhi pa ito ng kan'yang stress na makakasama sa aming baby. Kaya naman kailangan ko silang ingatan. "Gusto mo bang kumain? Para n

