XIAMARA'S POV. "Hindi ako naniniwala sa'yo Mara! Anong ginagawa mo dito?" Muling tanong pa ni Dakz sa akin Pero sasagot na sana ako ng may tumawag sa kan'ya. Sinagot muna nito,pero hawak pa din n'ya ako,kaya naman napagmasdan ko na naman ng matagal ang napakagwapo nitong mukha. Sa tingin ko naman ay sa trabaho n'ya ang pinag-uusapan nila ng kausap nito. Kaya naman hindi ako nakakaramdam ng inis,dahil hindi naman si Ava ang tumawag dito. Ang gwapo para sa akin ng bawat pagbigkas n'ya ng mga kataga na kan'yang sinasabi sa kan'yang kausap ngayon. Hanggang sa ibaba nito ang kan'yang cellphone at inilagay sa mini money bag nito na palagi n'yang dala. Lumingon ito sa akin at nginitian ko naman s'ya na ikinakunot ng noo nito. Iniisip ko tuloy kung kailan ko ba s'ya makikita na ngumiti kap

