Kinabukasan ay nagising akong tumatama na sa mukha ko ang init ng araw. Madaling araw na kasi ako nakatulog kanina. Nang tingnan ko ang paligid ng aking kwarto ay punong-puno ng lobo ang aking kwarto. "Happy birthday to you! Happy birthday you!" Napatingin ako sa pinto. Nandito ang aking mag-ama. Ang mag-ama kong may dalang cake at bulaklak na ako mismo ang gumawa kahapon. Pagkatapos kasi ng isang kliyente ko na dumating kahapon ay may isang costumer pang nag-message sa akin at hindi ito nagbigay ng details sa gusto n'yang ipagawa sa akin. Ako na daw ang bahala,kaya naman ito at ang gusto ko na lamang na design ang aking ginawa. Kaya naman ngayon ay napapangiti na lamang ako. Hindi ko akalain na ito ata ang pinag-uusapan nila kagabi. Ang nakakatawa pa ay nakalimutan ko din na birthda

