"DAKZ!" Nasambit na lamang ni Xia ang pangalan nito Hindi n'ya kasi alam kung anong tumatakbo sa isip nito ngayon. "Di ba! Ang sabi ko sa'yo ay umuwi ka na, bakit nandito ka pa din Mara?" Tanong nito ulit at umayos naman si Xia ng tayo at tinulungan ito ni Syd. "Mag-paalam naman ako kay Syd,kung p'wede ako dito." Sagot ni Xia na may bigla na lamang s'yang naisip ngayon. Gusto n'yang malaman kung tumalab na ba ang gayuma sa lalaking ito na kung makapagtanong sa kan'ya ngayon ay daig pa ang Kuya Javier n'ya. "Syd,bakit naman hinayaan mo dito si Mara?" Baling naman nito sa kan'yang kabaro. "Wala naman masama kung nandito s'ya Sarhento,ako naman ang bahala sa kan'ya." Sagot ni Syd na hindi man lang ito nakikitaan ng takot sa nakikita n'yang reaksyon ngayon ng kaibigan. "Anong walang mas

