XIAMARA'S P.OV Nagising ako kinabukasan nang marinig ko ang katok mula sa pinto. Hindi ko alam kung sino ba ang kumakatok kaya agad na akong kumatok para tingnan kung sino ba ito. "Ya, bakit po?" Tanong ko kay Yaya na s'yang kumakatok pala. "Iha, pasens'ya ka na kung nagising kita. Pinapatawag ka na kasi ng mom at dad mo ibaba." Sagot ni Yaya sa akin. "Kapag tinanong ka ay sumagot ka na lamang ng maayos okay." Bilin pa nito sa kan'ya. Mukhang alam na din ng Mom at Dad n'ya ang nangyari kahapon sa kan'ya. "Opo Ya,ako na po ang bahala na magpaliwanag kila Mom at Dad." Ani ko pa kay Yaya,alam kong nag-aalala lang naman ito sa akin. Kilala ko naman ang mga magulang ko, magtatanong lang naman slla at kailangan ko lang maipaliwanag ng maayos sa kanila ang mga nangyari kahapon. "Maghilam

