"Xi, gising na!" Naalimpungatan ako sa boses ng aking bestfriend. Halos natutulog pa lang kasi ako at itong kaibigan ko naman ay tila buhay na buhay na naman ang kan'yang diwa. "Hm!" Ingit ko pa at kumuha ng isang unan para itakip sa mukha ko. "Hoy! Xi gising na at maaga daw tayong aalis ngayon at makasakay sa unang daong ng barko." Sabi pa nitong muli sa akin. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit ba hindi na lamang kami sumakay sa eroplano. "Bakit ba kasi kailangan sa barko pa sumakay?" "Dahil si Aling Osang at Lucy ay hindi kaya na sumakay ng eroplano,dahil noon last na sumama sila sa amin sa outing. Pagbaba pa lamang namin ng eroplano ay halos nanghihina na sila at panay na lamang ang suka,kaya naman mula noon ay inaalala na naman ang lagay nila. At isa pa Xi, maganda naman

