"Yaya!" Sigaw ni Xia habang papasok Ito ng bahay nila. Agad naman na sinalubong Ito ng kan'yang yaya. "Ano ba naman itong batang are at sigaw ng sigaw." Sabi pa ng yaya n'ya. Agad naman na yumakap si Xia dito ng makita ang yaya n'yang palapit sa kanya. "Bakit ba sumisigaw ka Iha?" Tanong pa nito sa kan'yang alaga na parang pinaglihi sa energy drink. "Wala naman po ya, gusto ko lang na ipakilala sayo ang new found friend ko." Sagot ni Xia at tumingin naman si manang Gloria sa kan'yang kasama. "Sino naman ang kasama mo ngayon? At saan ka nga pala nanggaling at bakit kanina ay hinahanap ka ni DAKZEIN dito sa bahay?" Sunod-sunod na tanong naman ni manang Gloria sa kan'yang alaga na hindi n'ya akalain na iba pala ang kasama nito ngayon. "Si Syd po,Ya." Sagot ni Xia at bumitaw pa Ito sa

