Nakalagay ang dalawang kamay ni Dakz sa bulsa ng kan'yang pantalon, habang tinatanong si Mara na nagulat pa sa kan'yang biglang pagtatanong dito. Kita n'ya ang expression sa mukha nito. Hindi kasi talaga s'ya mapakali sa kwarto n'ya,kaya maisipan n'ya ng bumaba at mabuti na lamang ay bumaba, ku'ndi ay baka nasabi na ni Syd kay Mara na gusto nitong manligaw sa dalaga na sinad'ya n'yang pigilan at idinahilan n'ya pa ang kan'yang mga magulang para lamang umalis na si Syd sa kanilang bahay. Ramdam n'ya din na hindi nagustuhan ni Mara ang kan'yang ginawa at enjoy na enjoy pa ito habang kausap si Syd na hindi nagustuhan ni Dakzein. Para bang ayaw n'yang napapangiti ng iba ang dalaga. "Thank you kiss lang naman iyon. "Sagot ni Mara sa tanong sa kan'ya nito. "Seriously! Mara, alam mo bang s

