Chapter 14: Anthony Laking pasalamat ko ng biglang dumating si Angel at lumapit siya sa amin. Gulat na gulat siyang nakatingin sa amin at tila hindi makapaniwala sa nangyayari. "Sapi ba 'yan?" Nagtatakang tanong niya sa akin. Marahan lang akong tumango bilang responde. Kahit gustuhin ko mang suntokin ang babae ngaunit naaawa ako. Biktima lang din ito ng multo. "Nasapian siya Angel kasi nagsalita sya ng latin at ang lakas niya." Mabilis na wika ni Tyler at pawis na pawis ito. "Okey, mukhang sapi nga." Kaagad siyang napaluhod. Nahawakan ni Angel ang babae ngunit di rin niya ito nakayanan. “Tyler, tulungan mo ako," aniya na oilit na kinakaya ang lakas ng multo. “Ang lahat ng tao rito sa loob na hindi nagsisimba at mahina ang kanilang pananampalataya sa Diyos ay magsilabas. Baka kayo ang

