Chapter 46: Kristen Labis kaming nag-aalala para sa kalagayan ngayon ni Kristen. Doon ko lang napagtanto na hindi puwede sa kanilang pananampalataya ang ganoong bagay. Sanay ay nagawa niya iyong itago sa kanyang damit para hindi makita. Ang babae na muna ang aming uunahain. Mas kailangan nito ng aming tulong. Nag-aalala ako na baka sinundan sila ng agta kanina at naghahanap ito ng tiyempo upang mapasok ulit ang babae. Nang masiguro naming nai-lock na ang buong bahay ay kaagad kaming umalis. Naging tahimik lang ang aming biyahe. Ngunit bakas na bakas sa mukha ni Tyler ang kanyang pagkabalisa. Sobra siyang naaapektuhan sa nangyari ngayon kay Kristen. May kutob ako na may gusto rin siya sa babae. Hindi ko alam kung ano ang kanilang pinag-usapan no'n nang iwan ko silang dalawa. Parang

