Chapter 44: Buhay ng Batang Babae It's been days na wala nang nagpaparamdam sa amin. Masaya rin ako dahil naghilom na ang aking sugat. Me and Tyler ay magkatabi pa rin sa kama at ganoon din si Angel at Kristen. Habang nasa labas ako ng bahay. Hindi ko mapigilan pagmasdan ang magagandang bulaklak. Sobrang ganda niyon. Aliw na aliw ako sa pagtingin nang may mapansin akong isang bata. Kumunot ang noo ko dahil pamilyar siya sa akin. Ang bata sa daan. Malungkot na nakatingin siya sa akin. Nakatayo lang ito sa tarangkahan ng gate. Kaagad akong nakaramdam ng awa at nagmamadali akong lumapit sa kanya. "Kumusta ka?" Nakangiti kong tanong. "Tulungan mo ako." Mas lalo pa akong nalungkot. Parating iyon ang kanyang isinasangguni. "Paano kita matutulungan?" it seems na mabait siya. At malaki ang

