Chapter 41: Simbolo "Hanggat maaari Angel ay pigilan natin ang ating mga nararamdaman. Kahit pa na sabihing mahal natin ang isa't-isa...ay hindi pa rin tama 'yon." Maling-mali ito. Habang maaga pa ay kailangan namin itong maputol dalawa. "Dahil ba kay Tyler Gab? Dahil ba sa kanya kaya pinipigilan mo na ngayon ang iyong sarili?" Naramdaman ko ang lungkot sa boses ng dalaga. "Pigilan ko man o handa akong sumugal ay kailangan pa rin nating huwag ituloy Angel." "Gab, hindi mo naman kailangang pigilan ang sarili mo dahil wala namang masasaktan." "Paano si Tyler?" Kailangan din naming isipin ang nararamdaman niya. "Maniniwala ka ba na wala kaming relasyon ni Tyler?" Gumalaw ang ulo ni Angel. Nararamdaman kong nakatingin siya sa akin kahit sobrang dilim ng kwarto. "Hindi. After ko kayon

