Chapter 55: Pleasure "Gab, ayos ka lang ba ha?" Nag-aalang tanong sa akin ni Angel. Marahan akong dumilat. How I wish na nakikita ko ang kanyang mukha. Panalangin ko lang na sana kahit isang saglit ay mayroong ilaw na lalabas just to see her face. "I can still breath, I can still fight but I don't think I can move." Mula nong nandidito kami ay hindi ko pa nagawang tumayo. Tanging stretching lang ang nagagawa ko. And also, takot ako na baka may mangyaring masama sa aking sugat. "Ang sugat mo Gab? Kumusta na?" "Hindi ko alam, masakit pa rin siya, I don't know kung nalabanan ng immune system ko ang sugat." Dahil sa walang pagkain, walang nutrient at kahit man lang mayroong tubig mas mahihirapan ang aking paggaling. "Magdasal lang tayo parati,Gab. Huwag tayong susuko." "Kahit na mahira

