KABANATA 5

3221 Words
“Ano ba, Sabrina. Tama na nga iyan. Sobrang dami na ng nailagay mo.” suway ko sa kapatid ko nang mapansin kong ang dami na niyang inilagay na tsokolate sa cart na tulak-tulak ko. “Ewan ko sa’yo, Ate. Ang dami mong problema sa buhay. Hindi ka naman ang kakain nito!” sabi niya at nagpatuloy sa pagkuha ng kung anu-ano. Nailing na lang ako at hindi ko napigilang mapaikot ng mata sa kapatid ko. Weekend ngayon at dahil wala naman kaming ginagawa sa bahay, naisipan kong mamili. Sumama naman ang epal kong kapatid. Ito lang naman kasi ang gawaing pinapayagan kami ni Daddy. Hinahayaan niya kaming mamili ng mga kailangan namin sa bahay. Kadalasan, gusto niya magkulong lang kami sa bahay at mag-aral. Kaya para makalabas kami tuwing weekend ni Sabrina, ito ang ginagawa naming palusot na dalawa. Ang hirap naman kasi talaga kapag may istrikto kang mga magulang. Dapat bawat pupuntahan mo, alam nila. Dahil nabubuwesit na naman ako sa kapatid ko sa paglagay ng kung anu-ano sa cart na tulak-tulak ko, tinalikuran ko siya at iniwan. Narinig ko pa ang tawag niya, pero hindi ko na siya pinansin. Bahala siya sa buhay niya. Hanggang sa makarating ako sa fruits section. Bumuntong-hininga ako at kumuha ng iilang prutas. Ang grapes ang pinakapaborito ko sa lahat ng prutas kaya kumuha ako ng tatlong balot at nilagay sa cart. Nang makuntento ako, lalakad na sana ako nang makita ko ang section ng mga mansanas. Isang tao agad ang pumasok sa isipan ko nang makita ko iyon. Wala ako sa sariling kumuha ng isa at napatitig dito. Lalo na nang maalala ko ang pagtatampo niya. Oo. Ilang araw matapos nang nangyaring panununtok niya sa schoolmate namin, hindi na niya ako masyadong kinakausap. Kinakausap nga lang niya siguro ako kung tatanungin ko siya. Hindi naman siya mukhang galit. Kaya pakiramdam ko, nagtatampo siya saakin. Hindi ko alam kung anong ikinatatampo o kung anong pinuputok ng butsi niya. Hindi ko namalayang napanguso na pala ako habang inaalala ang pagtatampo niya nitong mga nakaraang araw. Ibabalik ko na sana ‘yung apple sa shelf nang biglang may pumasok na ideya sa utak ko. At sa halip na ibalik ‘yung apple sa shelf, inilagay ko na lang sa cart at dinagdagan pa ng ilan pa. Matapos iyon, nakangiti akong umalis sa fruits section at nagpatuloy pa sa pamimili. Pagkatapos kong bayaran ang pinamili ko, nagtungo na ako kung saan nakaparada ang pick-up namin. Kaagad akong sumimangot nang madatnan ko ang kapatid kong nakasandal sa pick-up at ngumunguya ng bubble gum at ngumingisi-ngisi pang tinitingnan ang paglapit ko kasama ang kasambahay naming isinama ko. Nang makalapit ako, hindi ko napigilang hilahin ang mahaba niyang buhok na ikinadaing niya. “Tangina mo talaga, Saraiah!” “Sumama-sama ka pa tapos hindi mo naman kami tinutulungan.” sa halip ay sabi ko. “Sino kaya ang biglang nag-walkout?” Hindi ko na siya sinagot. Inirapan ko na lang siya saka sumakay sa pick-up matapos pagtulungan ng maid namin at ng driver na mailagay lahat ng pinamili namin sa likod ng kotse. Kaagad din namang sumunod si Sabrina na pabulong-bulong pa at bahagya pa akong tinulak bago siya umupo. Sinamaan ko lang siya ng tingin sa ginawa niya pero hindi na ako nagsalita pa. Hays. Hindi ko talaga na talaga maalala kung kailan ang araw na hindi kami nagkakapikon ng kapatid kong ito. Pero siguro, normal na naman yata iyon sa magkakapatid lalo na’t sabi ko nga, isang taon lang ang tanda ko sa kanya. Wala akong ibang ginawa buong weekend kundi ang mag-aral o kung hindi naman ang buwesitin ako ng kapatid ko. Natuwa lang yata ako nang sumapit ang Lunes. Ngiting-ngiti ako pagkagising ko nang umagang iyon. Maging sa pagligo, pagsipilyo, pagsuot ng uniporme at pag-aayos, ngiting-ngiti pa rin ako. Hanggang sa paglabas ng kwarto. Nang makapasok ako sa dining room, as usual, binati ko at beneso ko ang mga magulang ko nang madatnan ko silang nag-aalmusal saka ako sumabay sa kanila sa pagkain. Matapos kong kumain, agad kong binuksan ang refrigerator para kunin ang kakailanganin ko. Napangiti ako nang makitang hindi naman nabawasan ang mansanas na binili ko noong nakaraang araw. Naka-plastic pa rin iyon at nandun pa rin ang note na nilagay ko. ‘Mamatay na ang mangingialam nito —Raiah.’ Gusto kong matawa. Mukhang natakot si Sabrina sa note na nakalagay kaya hindi niya pinakialaman ‘to. Kinuha ko ang note saka ko nakangiting nilagay sa supot ‘yung apples at tumungo na papunta school. Pagdating ko sa school, wala pa siya sa classroom. Lagi naman kasi ako ang uuna sa school saaming dalawa. Dumadating siya kapag ilang minuto na lang magsisimula ang unang klase. Kaya naman, nakipagkuwentuhan muna ako sa mga kaibigan ko at saka ni-review ang notes ko. Tulad ng inaasahan, mga sampung minuto bago magsimula ang unang klase, saka siya dumating. Hindi ko mapigilang sundan siya ng tingin habang naglalakad siya papalapit sa upuan niya, sa tabi ko. “Hi..” bati ko nang makaupo siya sa upuan niya. “Hi.” balik na bati niya. Napanguso ako. Hindi man lang niya ako binalingan ng tingin. At ‘yung boses niya, tunog pagtatampo pa rin. Hindi na lang ako nagsalita pa. Tiningnan ko na lang ang supot nasa paanan ko. Nilalaman nito ‘yung mansanas na ibibigay ko sa kanya. Mamaya ko na lang siguro ‘to ibibigay sa kanya. Hindi nagtagal, dumating na rin ang teacher sa unang subject na magtuturo saamin. At kung dati, siya ang napapansin kong panay ang titig at sulyap saakin kapag may nagtuturo sa harapan, ako naman ang gumagawa nun ngayon. Minu-minuto ko yata siyang sinusulyapan. At pinipigilan kong ngumuso sa tuwing nakikita ko siyang seryoso lang siyang nakatingin sa harapan. Hanggang sa matapos ang klase, iyon ang ginagawa ko. Pakiramdam ko nga, wala akong natutunan sa isa at kalahating oras na klase dahil sa ginagawa kong pagsulyap sa kanya. Pagkatapos na pagkatapos na klase, tulad nang dati niyang ginagawa, may inilapag niya sa ibabaw ng armchair ko ang isang lalagyang may Leche Plan. Tulad ng sinabi ko, palagi niya akong dinadalhan nito. Ang ikinagulat at ipinagtaka ko lang, pagkalapag niyang iyon, bigla na lang siyang tumayo at naglakad palabas ng classroom na walang sinasabi. Saan siya pupunta? Hindi pa tapos ang klase namin. May kasunod pa! Dahil hindi ko na talaga maunawaan ang pagtatampo niya, kinuha ko ang supot na nasa paanan ko saka ko siya sinundan. “Khalid!” tawag ko sa kanya nang makita ko siyang mabilis na naglalakad pero hindi niya ako nilingon. Hindi ko alam kung hindi niya talaga narinig Ang tawag ko o narinig niya at nagbibingi-bingihan lang siya. Kaya naman, sinundan ko siya kahit wala akong ideya kung saan siya pupunta. “Khalid!” I keep calling him but he kept ignoring me too. Hanggang sa bigla ko na lang siyang naiwala sa paningin ko. Bakit kasi ang bilis niyang maglakad? At bakit ba ayaw niya akong pansinin? Ngayon alam ko na ang nararamdaman niya noong kinukulit niya ako noong nakaraang hindi ko siya pinapansin. Ganito pala ‘yung pakiramdam na kapag nasanay ka nang kinakausap ka niya tapos bigla ka na lang niyang hindi papansin. Ganito pala iyon. Nakaka-frustrate. Natagpuan ko na lang ang sarili kong naglalakad patungo sa burol. Hindi ko alam kung bakit ako dinala ng mga paa ko rito. Pero hanggang ngayon napu-frustrate pa rin ako sa pag-iignora niya saakin. Naiinis at malakas kong sinipa ang bato sa paanan ko. Marahas akong napabuga ng hininga at nag-angat ng tingin. Napatigil lang ako sa paglalakad at bahagyang napakunot ang noo ko nang may nakita akong bulto ng tao sa puno kung saan ang kami nagpuwesto dati ni Khalid. Kaagad ko namang nakilala ang taong iyon kaya nagpatuloy ako sa paghakbang papunta ruon. Nang makalapit ako ruon, nakita ko siyang nakaupo sa bermuda. Nakasandal ang likod niya sa trunks ng puno, nakahalukipkip at nakapikit habang may headset siyang suot at mukhang nakikinig siya ng musika rito. Mukhang ito ang dahilan kung bakit hindi niya naririnig ang tawag ko sa kanya kanina. Tumayo ako sa harapan niya. Hinarangan ko ang sinag ng araw na tumatama sa kanya. Dahil sa ginawa ko, nakita ko ang paggalaw ng talukap ng mata niya at mayamaya pa, tuluyan na siyang nagmulat ng mata. Kaagad nagtagpo ang mga mata namin. Hindi kaagad siya nagsalita. Nanatili lang siyang nakatingin saakin, ganun din ako sa kanya. Mayamaya, bumuntong-hininga siya at parang tamad na tamad na nagsalita. “Anong ginagawa mo rito?” “Ikaw,” panimula ko, “Anong ginagawa mo rito?” panggagaya ko sa tanong niya. Iniwas niya ang tingin saakin, “Matutulog,” sabi niya saka siya muling bumuntong-hininga, “Umalis ka na. Bumalik ka na sa room. May klase ka pa, ‘di ba?” “Tayo,” pagtatama ko sa sinabi niya, “May klase pa tayo. Kaya bumalik na tayo sa classroom natin.” Muli siyang bumuntong-hininga. Para siyang tamad na tamad, “Ayoko. Dito lang ako. Matutulog ako kaya umalis ka na.” Umiling ako kahit hindi ko alam kung nakita niya ang pag-iling ko dahil hindi naman siya nakatingin saakin. Malayo ang tingin niya. “Ayoko rin. Hindi ako aalis hangga’t hindi ka sumasama saakin.” He groaned at nakasimangot siyang tumingin saakin, “Bumalik ka na sa classroom. Huwag nang matigas ang ulo.” “Ikaw ang huwag matigas ang ulo,” sabi ko at sinimangutan ko rin siya, “Alam mo. Hindi ko alam kung bakit mo ako iniiwasan. May nagawa ba akong maling ikinagalit mo?” Hindi siya sumagot at umiwas lang siya ng tingin. Pero nasa mukha pa rin niya ang pagsusuplado kaya ngumuso ako saka ko inilabas ang huli kong alas. Inilahad ko sa kanya ang supot na kanina ko pa hawak. Napatingin siya rito bago siya nag-angat ng tingin saakin. “Ano ‘yan?” Kinagat ko ang ibabang labi ko, “Hindi ko kasi alam ang kinagagalit mo. Pero kung ano man iyon, sorry at ito. Peace offering. At isa pa, lagi na lang ikaw ang nagbibigay ng pagkaing gusto ko kaya ito, bawi ko sa’yo.” Hindi siya nagsalita. Nanatili lang siyang nakatingin saakin kaya akala ko hindi niya kukunin ang supot. Kaya naman, ibababa ko na sana ang kamay ko nang humugot siya ng hininga saka kinuha ang supot saakin. Pinanuod ko siyang tingnan ang nasa loob nun. Matapos iyon, hinintay ko siyang magsalita, pero wala naman siyang sinabi kaya napakamot ako sa batok. Pakiramdam ko kasi hindi niya nagustuhan iyon at walang epekto. Napahiya ka na naman, Raiah! Buti nga! “S-sige aalis na ako. S-sorry sa disturbo.” Lalakad na sana ako nang bigla niyang hawakan ang kamay kong ikinaigtad ko sa gulat. Malalaki ang mata kong nilingon siya. Napalunok ako, “B-bakit —” Naputol ang salita ko nang bigla niya akong hilahin paupo sa tabi niya. Muli akong napalunok. “B-bakit —” Muling naputol ang salita ko dahil sa sunod niyang ginawa na ikinagulat ko. Bigla niyang ipinatong ang ulo niya sa balikat ko. Gagalaw sana ako sa sobrang pagkailang at dahil na rin natatakot akong marinig niya ang kabog ng puso ko, kaso hindi rin natuloy nang pigilan niya ako. “Stay still. Give me a minute.” sabi niya. Wala nang bahid inis at pagtatampo ang boses niya. Pigil hininga kong tiningnan ang mukha niya. Nakita kong nakapikit siya at tipid na nakangiti. Maaliwalas na rin ang mukha niya kaysa sa kanina. Mayamaya natawa siya nang marahan, nakapikit pa rin, “Breathe, Raiah. I won’t eat you.” Dahil sa sinabi niya, saka ko palang napagtantong kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga ko kaya dahan-dahan kong inilabas iyon. Kapagkuwan, muli siyang nagsalita, “Thank you..” “For what?” “Dito,” inangat niya ang supot saka siya natawa na naman nang marahan, “Alam mo na ngayon ang nakakapagpawala ng tampo ko, ah?” Noong una, hindi ko pa na-gets ang sinabi niya. Pero nang makuha ko rin, napangiti ako. “You love apple so much?” He nodded a little, his eyes still shut, “Paborito ko, ‘e,” sabi niya tapos ngumiti siya, “Hindi ko alam. Pero mula noong bata ako, sa tuwing nagtatampo ako sa isang bagay, bibigyan lang ako ng apple, mawawala na ang tampo ko. Bati na kami ng pinagtatampuhan ko.” he said and chuckled after that. Napangiti ako at wala nang sinabi pa. Pero mayamaya bahagyang napakunot ang noo ko nang may naalala ako. “Bakit ka nga pala nagtatampo saakin? May nagawa ba akong mali?” He sighed, “Hindi naman talaga ako nagtatampo sa’yo at mas lalong wala kang ginawang mali. Gusto lang talaga kitang iwasan. Ayokong makita mo ang side kong iyon.” Mas lalo akong nagtaka sa sinabi niya, “Ha? Bakit?” He sighed again, “Nahihiya pa rin akong nakita mo ang ginawa ko sa lalaking nambastos sa’yo noong nakaraan.” Hindi ako nakapagsalita kaagad. Nagulat ako sa dahilan niya. Iniisip niya pa rin iyon? I sighed, “Ano ka ba? Sabi ko naman sa’yo okay lang iyon. Lahat naman tayo naiinis, nagagalit at naiirita,” sabi ko saka ako natawa nang marahan nang may naalala ako, “Kahit ako nga, ‘e. Sinasabi nilang perpekto ako. Maganda, mayaman, matalino at mabait. Pero hindi, ‘e. Naiinis, naiirita at nagagalit din naman ako. ‘Yung kapatid ko nga. Walang araw kaming hindi nagkakapikunan. Lagi akong asar-talo sa kanya kahit ako ‘yung ate. At —” Naputol ang ibang salita ko nang umayos siya ng upo. Bumaling ako sa kanya. Napalunok at napakurap ako nang makita niyang titigan niya ako. “B-bakit?” I gulped again. He shook his head and smiled, “I’m just curious. Gusto kong makitang nagagalit, naiirita at naiinis ang isang Raiah na maganda, mayaman, matalino at mabait.” Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Nakatingin lang ako sa kanya, ganun din siya saakin. Mayamaya, marahas akong napalunok nang tumagal ang titig niya sa mukha ko lalo na nang bumaba ang mga mata niya sa labi ko. “Raiah..” he said, almost whisper. Muli akong napalunok nang mapansin kong unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko nang hindi inaalis ang mga mata niya sa labi ko. Mariin kong naikuyom ang mga palad kong nakapatong sa kandungan ko at napapikit nang mariin sa iisipin kung anong gagawin niya. Oh my God! Is he going to kiss me? Bakit kinakabahan akong nae-excite? If that happens, he’ll be my first kiss! My first kiss! Aaminin kong isa iyon sa mga pangarap ko. Gusto ko siya ang magiging first kiss ko. Pero bata pa ako! At paano kung nalaman ito ni Dad? Bahala na. Ang nangingibabaw saakin ngayon ay ang maramdaman ang labi niya sa labi ko. Gusto kong maramdaman at malaman kung anong feeling nang hinahalikan. Pero ilang minuto akong naghintay at hindi ko naman iyon naramdaman. “Raiah..” I heard him call my name again. Halos maramdaman at maamoy ko na ang mabango niyang hiningang tumatama sa mukha ko. Ibig sabihin, malapit pa rin siya sa mukha ko. At in fairness, ang bango ng hininga niya! Bigla tuloy akong na-conscious. Paano kung hindi pala kasing bango ng hininga niya ang hininga ko. Kaya naman halos magpigil ako ng hininga habang hinihintay ang halik niya. Pero bakit ang tagal? Hahalikan na ba niya ako? Hindi ko alam kaya nanatili akong nakapikit nang mariin. Hindi ko napigilang magbilang sa isipan ko habang hinihintay ang halik niya. Isa, dalawa, tatlo, apat, li — Napatigil ako sa pagbibilang ko sa isipan ko nang marinig ko ang pagtawa niya nang marahan sa harap pa rin ng mukha ko. “Raiah,” he paused, ramdam ko ang ngiti niya, “A friend don’t kiss.” Matapos niyang sabihin iyon, binugahan pa niya ng hininga ang mukha ko kaya kaagad akong napamulat. Nakita ko siyang natatawang inilalayo ang mukha niya sa mukha ko. “If you just can see your face..” natatawa niyang ani. Kaagad kong naramdaman ang pamumula ng pisngi ko dahil sa pagkahiyang nararamdaman lalo na’t mukhang tuwang-tuwa siya sa ginawa kong pagpikit. Nang hindi ko na makayanan ang kahihiyan ko, tumayo ako at lumakad nang walang paalam. Narinig ko pa ang tawag niya sa pangalan ko pero hindi ko na siya pinansin. Naiinis ako at halos masabunutan ko na ang sarili ko. Raiah, naman! Bakit mo ginawa iyon? Nakakahiya ka! Nakakahiya! Napatigil lang ako sa paglalakad at napasinghap sa gulat nang may biglang humawak sa kamay ko. Nang tingnan ko kung sino ang may gawa nun, hindi ko alam kung anong gusto kong maramdaman. Nakangiti niyang tinaas ang kamay naming dalawa, “But friends can do holding hands like this,” he said, “Let’s go back to our classroom together.” Hindi na niya hinintay ang sasabihin ko kahit wala naman talaga akong masabi dahil iniisip ko pa rin ang pagkapahiya ko. Ibinaba niya ang kamay namin saka niya hinigpitan ang hawak sa kamay ko bago lumakad habang hila ako. Noong una naiilang pa rin ako dahil sa pagkapahiya ko kanina, pero habang tumatagal unti-unti na ring napapawi iyon lalo na’t hindi na naman niya ako inasar tungkol duon. Tahimik lang siyang naglalakad habang hawak ang kamay ko. At nang subukan kong silipin ang mukha niya, napansin ko ang bakas ng saya sa mukha niya lalo na’t kitang-kita iyon sa sinusupil niyang ngiti sa mga labi niya. Kaya hindi nagtagal, tuluyan ko nang nakalimutan ang pagkapahiya ko at wala akong ibang iniisip kundi ang pakiramdam na hawak niya ang kamay ko. Sinong nagsasabing masakit ang ma-friendzone ng crush? Baka sa iba, oo. Pero sa lagay ko, ayos lang saaking ma-friendzone ni crush basta ganito kalapit ang pagkakaibigan namin. Kuntento na ako sa pagkakaibigan namin. At least, hindi man niya ako gusto bilang isang babae, gusto naman niya ako bilang kaibigan. And I am contented. Kuntento na ako. Sana, huwag nang matapos ang kaligayahang nararamdaman ko. “Raiah..” Ramdam na ramdam ko ang paglandas ng luha sa gilid ng mata ko. Unti-unti kong minulat ang mata ko nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Nanay Myrna. Nakita ko siyang nakatayo sa gilid ng kamang kinahihigaan ko. Ilang sandali, sinapo niya ang noo ko. Agad kong naramdaman ang lamig ng palad niya. “Ang init mo, hija. Ang taas ng lagnat mo. Sandali lang, ha? Kukuha lang ako ng bimpo at maligamgam na tubig.” Aalis na sana siya nang hawakan ko ang kamay niya para pigilan siya sa pag-alis. Agad din naman siyang napalingon saakin. “S-si Khalid po, ‘Nay?” Hindi kaagad siya nakasagot. Tiningnan niya ako nang puno ng simpatya saka siya bumuntong-hininga at sumagot. “Kasama niya ang babae niya sa baba, hija.” Hindi na ako nagsalita. Naramdaman ko na lang ang muling paglandas ng luha sa gilid ng mata ko kaya naipikit ko nang mariin ang mata ko sa pagpipigil ng paghikbi. Kung puwede ko lang pawiin ang galit niya sa pamamagitan ng pagbibigay ko sa kanya ng mansanas tulad nang dati kong ginagawa sa tuwing nagagalit at nagtatampo siya, ginawa ko na. Pero hindi. Maging ang mansanas na paborito niya at laging nakakapagpawala ng tampo at galit niya, hindi na kaya. Hindi na kayang pawiin ang galit niya saakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD