KABANATA 1

3234 Words
Hindi ko alam kung ilang oras o minuto na akong nakatitig sa kesame habang nakahiga sa kama rito sa guestroom. Kahit anong pilit kong pag-iyak, wala na. Wala nang luhang lumalabas sa mga mata ko. Pero hindi ibig sabihin na, kahit wala na akong maiyak pa, hindi na ako nasasaktan. Hindi ibig sabihin na tanggap ko na ang pagkakaruon ng anak ni Khalid sa iba, sa kalaguyo niya. Hindi ko akalaing magagawa iyon ni Khalid saakin. Tinanggap ko naman, ‘e. Sabihin niyo nang martyr o kung ano, pero tinanggap ko ang pagkakaruon ng babae niya, kahit masakit pa rin talaga. Anong magagawa ko? Sinubukan ko na siyang pagsabihan dati, pero binaligtad niya ang sitwasyon. Sinumbat niya lang saakin ang nagawa kong kasalanan sa kanya noon. Tinanggap ko ang pagkakaruon niya ng kalaguyo dahil akala ko, naghihiganti lang siya sa nagawa ko nuon. Pero hindi ako kapaniwalang darating sa puntong aanakan niya ang kalaguyo niya. What happened to us, Khalid? I wanted to ask him that. Hindi naman kami ganito dati, ‘e. Masayang-masaya kami. Mahal na mahal namin ang isa’t isa. Pero nagbago ang lahat nang iyon dahil sa isang pangyayaring hindi ko naman ginusto. Since then, Khalid became cold. Hanggang sa nauwi iyon sa pambabae. Hindi ko namalayang nakatulugan ko na pala ang pag-iisip ko. Nagising lang ako nang makarinig ako ng ingay. Kaya kahit kagigising ko lang, bumangon ako at napagdesisyonang lumabas. Nasa hagdanan palang ako, naririnig ko na ang sigawan mula sa salas. “Magbigay ka naman nang kahit kaunting respeto sa asawa mo, Khalid!” I heard Nanay Myrna’s voice, “Hindi na nga niya kwinekuwestyon ang pambabae mo, papatirahin mo pa ang kalaguyo mo rito sa bahay niyo!” Napahinto ako sa dulo ng hagdanan nang makita ko si Nanay Myrna, Beth at iba pang kasambahay sa salas. Kaharap nila si Khalid at Queenie. Humugot nang malalim na hininga si Khalid, “Queenie is carrying my child, ‘Nay! And what do you want me to do? Pababayaan ko ang anak ko sa kanya?” “Pero puwede mo namang patirahin iyang babae mo sa condo mo, Khalid!” “I want Queenie here in my house, ‘Nay. Did you hear that? My house. So, kung sino man ang gusto ko patirahin dito sa bahay, sana respetuhin niyo ang desisyon ko bilang may-ari ng bahay.” “Paano si Raiah? Anong mararamdaman niya? Hindi mo ba naisip kung anong mararamdaman niya?” “Wala akong pakialam sa nararamdaman ni Raiah, ‘Nay! Kung gusto niya, siya na ang tumira ruon sa condo ko!” Hindi na nakapagsalita si Nanay Myrna at hindi kapaniwalang nakatingin na lang sa alaga niya. “Queenie is staying here. Period.” Matapos niyang sabihin iyon, hinawakan niya si Queenie sa kamay at lumakad. At dahil nasa dulo pa ako ng hagdanan, alam kong madadaanan nila ako. Kagaya nag inaasahan, sandali silang napahinto nang makita ako. Pero mayamaya, nagpatuloy ito sa paglalakad at para lang akong hangin na nilagpasan nilang dalawa. Napahigpit ang hawak ko sa railings ng hagdanan. At ‘yung luhang akala ko wala na, naramdaman kong sunod-sunod na naglandasan sa pisngi ko. Napapikit ako habang pinipigilan ang paghikbi ko. Naramdaman ko na lang ang paglapit ni Nanay Myrna saakin at ang pagyakap nito saakin. Naramdaman ko ang bahagyang paghaplos niya sa likod ko, “Magiging maayos din ang lahat, anak.” Umiling ako. Gusto kong magsalita, pero halos walang boses na gustong lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam, ‘Nay. Hindi ko alam kung maayos pa kami ni Khalid. Hindi ko alam kung mapapatawad niya pa ako sa bagay na hindi ko naman ginusto. Hindi ko alam kung maibabalik ko pa ang dati. ‘Yung masaya lang kami. At walang problema. Kung kaya ko lang ibalik ang dati. Kung kaya ko lang i-backward ang nangyari, ginawa ko na. Pero alam kong hindi. Kaya wala akong nagawa kundi alalahanin ang lahat kung paano kami nagsimula. Dahil iyon na lang ang nagpapawi ng lungkot ko. Duon na lang ako sumasaya kahit panandalian. Ang aalahanin ang nakaraan namin. “Dear, Raiah. Ang ganda-ganda mo talaga. Hindi talaga nabubuo ang araw ko kapag hindi ko nakikita ang mala-anghel mong mukha. Lalo na ang nakakalaglag mong breif na ngiti.” “Ayiiiiieeeh!” sunod-sunod na tilian at kantyaw ng mga kaklase ko matapos basahin ni Mildred ang sulat na nanggaling daw sa admirer ko. Nailing-iling na lang ako, pero hindi ko rin napigilan ang ngiti ko. “Ito pa! Ito pa! Umay! Tula ‘to!” si Yolan. “Basahin mo, bilis!” mga kaklase ko. “Dear, Raiah. Para sa’yo ang Tula kong ito. Sana magustuhan mo. Noong una kitang makita, aking sinta Ako ay nabighani na sa iyong ganda Mga mata mong napakaganda Mga tinig mong parang musika Mga ngiti mong kabigha-bighani Hatid nito sa akin ay kiliti Ang ganda mong natatangi Tuwing pagmasda’y hindi mapigilang ngumiti Bawat daraan ka sa aking harapan ikaw ay hindi mapigilang pagmasdan Tuwing gabi’y napapanaginipan Ni hindi mawala sa aking isipan Araw-araw ay aking ipinagdarasal Na balang araw sa‘yo ay maikasal Sa harap ng altar at ating maykapal At pangako ko sa’yo ikaw lang, aking mahal.” “Oh my God! Kanino nanggaling?” Nailing-iling na lang ako nang biglang nagkagulo si Mildred, Yolan at Louise sa harapan ko. Pinag-aagawan nila ‘yung tulang binasa ni Yolan. Napatigil lang sila nang biglang bumukas ang pinto ng classroom namin. Maging ako muntik nang mapatalon sa gulat dahil sa biglaan nitong pagbukas. Pero agad ko ring inayos ang pag-upo ko lalo na ang sarili ko nang makita ko kung sino ang pumasok mula rito. Khalid Evan Villarreal. Hindi ko napigilang mapatitig sa mukha niya. Sa guwapo niyang mukha. Kahit araw-araw ko naman siyang nakikita, hindi ko pa rin mapigilang mapatulala sa kaguwapuhan niya. Noon. Tinatanong ako ng mga kaibigan ko kung bakit sa dinami-rami ng admirer ko, wala akong pinapansin ni isa sa kanila. Ito na ‘yung rason kong hindi ko sinasabi sa kaibigan ko. Si Khalid. Ang secret crush ko. Sinasabi ng admirer ko sa mga sulat na nags-slow mo raw ang paligid nila tuwing nakikita nila ako, at kagaya ko rin ang nararamdaman nila. Nags-slow mo rin ang paligid ko tuwing nakikita ko si Khalid. I really like him. Hindi ko alam kung kailan nagsimula at kung papaano, pero gusto ko siya. Gustong-gusto ko siya. Napakurap lang ako nang bigla niyang hablutin ang sulat na pinag-aagawan ng mga kaibigan ko. Agad kong naramdaman ang pamumula ng pisngi ko nang makita kong kunot niyang binasa ang nilalaman ng sulat na iyon. “Ponyeta ka, Khalid! Alam kong guwapo ka, pero ibalik mo iyang sulat! Hindi iyan sa’yo!” “Oo nga!” Nagtulungan ang tatlo kong kaibigang agawin kay Khalid ang sulat, pero sa tangkad ni Khalid, nahirapan pa sila. At saka, umiiwas din si Khalid sa tatlo habang patuloy na binabasa ang sulat. “Kanino ba nanggaling ‘to?” tanong nito habang tinitingnan ang likod at harap ng papel. Mukhang tapos na niyang basahin ang nilalaman ng sulat. “Pakialam mo? Amin na ‘yan!” “Oh ayan!” inabot niya sa tatlo ang sulat. Pero nang akmang kukunin na ni Mildred ‘yon sa kanya, kaagad niyang iniwas sa mga ito, “Sandali. I forgot.” Nakangisi niyang hinawakan sa magkabilang dulo ang sulat at unti-unti pinunit. Pagkapunit niyang iyon, pinunit pa niya nang ilang beses. “Tadaah! Paano ba iyan? Wala na.” nakangisi niyang sabi sa nakakanganga kong kaibigan saka niya nilagpasan ang mga ito. Saka palang din natauhan ang mga kaibigan ko. “Tangina mo, Khalid! Bakit mo pinunit? Ang ganda kaya nun!” Natawa nang walang buhay si Khalid, “Anong maganda dun? Tss. Ang corny kaya nun.” Napalunok at napaiwas lang ako ng tingin nang dumirekta ang mata niya saakin matapos nang sinabi niya. Mayamaya pa, muntik na akong mapatalon sa gulat nang pabagsak siyang naupo sa tabi ko. Gulat akong napabaling sa kanya. Tinaasan niya lang ako ng kilay, “Why? This is my seat, too.” Hindi na ako nagsalita pa at umiwas na lang ako ng tingin sa kanya dahil kapag siya talaga ang nakatingin saakin, hindi ko matagalan. At oo. Hindi lang kami basta magkaklase, magkatabi rin kami sa upuan. Paano, alphabetical ang seating arrangement namin. Velasquez and Villarreal. Hindi nagtagal, dumating na rin ang teacher na magtuturo saamin sa unang subject. Pinipilit ko mang ituon ang atensyon ko sa teacher na nagsasalita sa harapan, hindi ko magawa dahil ramdam na ramdam ko ang paninitig ni Khalid saakin. Hindi lang ako basta nag-a-assume, ha? Kitang-kita ko mismo sa gilid ng mata ko. Nakapanghalumbaba pa siya habang nakatitig saakin. Hindi ko alam kung maiilang o matutuwa ako sa ginagawa niya. A part of me was happy. Ikaw ba naman titigan ng crush mo? Sinong hindi matutuwa. Pero naiilang din ako lalo na’t hindi ko alam kung bakit tinititigan niya ako nang ganyan. Nang hindi na ako makatiis, lakas loob ko siyang binalingan. Hindi man lang siya nagulat, nahiya o nag-iwas ng tingin sa ginawa kong pagbaling. Ako pa ang nakaramdam ng hiya nang makita ko kung paano niya ako titigan. I gulped, “W-Why?” “Wala lang,” he said and then shrugged, “I am just curious. Bakit ang daming nagkakagusto sa’yo? Hindi ka naman maganda.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ano raw? H-hindi ako maganda? Sa buong buhay ko, puro pamumuri ang naririnig ko sa mga taong nakakasalamuha ko. Ngayon lang. Ngayon lang may nakapagsabi saaking hindi ako maganda at sa kanya pa! Hindi ko alam kung anong gusto kong maramdaman. Pero bigla yata akong nanliit matapos nang sinabi niya. Bakit sa dinami-rami ng taong magsasabi saakin nang ganun bakit siya pa? Kaya ba parang hindi ko nararamdamang gusto niya rin ako kagaya ng pagkagusto ng iba saakin? Pero sabi nga nila. Walang saysay ang pagkagusto sa’yo ng marami kung hindi ka naman nagugustuhan ng taong gusto mo. And I felt that. “Miss Velaquez, Mister Villarreal, what are you chitchatting there at the back?” Napakurap ako nang marinig ko ang boses ni Mrs. Quiambao, ang teacher naming nagtuturo sa harapan. Napakurap ako. Samantala, si Khalid umayos ng pagkakaupo at tumingin sa harapan. “Wala, Ma’am,” he shrugged cooly, “Tinatanong ko lang si Miss Velasquez kung bakit maraming nagkakagusto sa kanya, ‘e hindi naman siya maganda.” sabi nito sabay tingin saakin kaya napaiwas ako ng tingin. Tudo protesta ang mga kalalakihan kong kaklase lalo na ang mga kaibigan kong supportive saakin matapos ng sinabi niya. Pero sumang-ayon naman sa sinabi ni Khalid ang ibang babae kong kaklaseng may inggit yata saakin. “Neknek mo, Khalid! Ang sabihin mo, bulag ka lang talaga! Hindi mo makita ang kagandahan ng kaibigan namin!” si Yolan. “Boooooo!” mga kaklase kong kalalakihan. Natawa si Khalid, “Ako pa ngayon ang bulag? Sabihin mo ‘yan sa mga lalaking nagkakandarapa rito. Maganda. Tss. Saan banda?” sabi niya sabay tingin ulit saakin. “Boooooo!” mga babae kong kaklase. Napatigil lang sila nang bahagyang hampasin ni Mrs. Quiambao ang mesa, “Keep quite!” Kaagad naman nilang tumigil. “Ayan! Diyan kayo magaling! Kapag usapang kalokohan, ang gagaling niyo! Pero kapag usapang klase, para kayong Santong nabasbasan! Ang tatahimik niyo!” Nagpatuloy ang klase matapos nun, pero hindi nawawala sa isipan ko ang linya ni Khalid. Paulit-ulit iyung nagre-replay sa utak ko. Natapos lang ang apat na subject, iyon pa rin ang nasa utak ko. “Tanginang Khalid iyon, kakagigil. Sarap bangasin ang mukha!” narinig kong sabi ni Mildred mula sa likuran ko. Wala akong nagawa kundi ang magbuntong-hininga. Hindi ko alam kung makailang beses ko na iyung nagawa habang inaalala ang sinabi ni Khalid. Kung gustong-gusto ko si Khalid, kabaligtaran naman iyon ng mga kaibigan ko. They hate Khalid. Dahil siguro palagi itong nasasangkot sa gulo. Walang linggo na hindi siya nasasangkot sa gulo. Kaya iyon din ang isa sa dahilan kung bakit hindi ko sinasabi sa kanila ang pagkakagusto ko rito. Dahil alam kong aalma sila. Alam kong magagalit sila kapag nalaman nila iyon. Napahinto lang ako sa paglalakad dito sa field nang may biglang humintong lalaki rin sa harapan ko. Napakurap ako lalo na nang makita ko ang pamumula ng mukha ng lalaki. “H-Hi..” he said shyly. I smiled a little, “Hi.” Narinig ko ang impit na tili at bulungan ng mga kaibigan ko mula sa likuran ko, pero hindi ko muna sila pinagtuunan ng pansin. Nakatingin lang ako sa lalaking nahihiyang ngumingiti saakin. Ni hindi siya makatingin nang diretso saakin. “Uhm,” tumikhim ako, “May kailangan ka?” maingat kong tanong sa kanya. “Ang ganda talaga niya,” I heard he whispered. Mayamaya bumuntong-hininga siya at lakas loob na tumingin saakin, “Here. P-para sa’yo.” Napatingin ako sa hawak niyang inilahad niya saakin. Ngayon ko lang napansin na may hawak siyang pulang box. “Ha?” napaturo ako sa sarili ko, “Saakin?” Nahihiya naman siyang tumango. Namumula pa rin ang mukha niya. Nagdadalawang isip man, napilitan akong tanggapin ang binibigay niya saakin lalo na’t nararamdaman ko ang paniniko saakin ng tatlo kong kaibigang at ang mga bulong nito. “Ahh, t-thank you.” alanganin akong ngumiti. “You’re welcome, Raiah. Sige ah? I have to go. I hope you’ll like my gift.” “S-sige..” Matapos iyon, kumaripas siya ng takbo palayo saamin. Kaagad naman akong pinalibutan ng tatlo kong kaibigan at kaagad inusisa kung anong laman ng kahon. Hindi naman ito ang unang beses na nakakatanggap ako ng mga regalo mula sa mga admirer ko kahit hindi ko naman birthday. Hindi ko rin alam kung matutuwa ako sa atensyong ibinibigay nila saakin. I’m happy but I find it weird. Hindi ko alam. “Dali! Tingnan niyo kung anong laman!” Pinagdiskitahan ng mga kaibigan ko ang laman ng box. Sila na rin ang may hawak nun. Napatigil lang sila nang may biglang kumuha sa kanila nun. I saw Khalid. He is now holding the box. “Ano naman ‘to?” tiningnan niya ang laman ng box. “Tangina mo talaga, Khalid! Lagi ka na lang panira! Ibalik mo nga saamin ‘yan!” Bago pa maagaw ulit ng tatlo kong kaibigan ang box sa kanya, tumakbo na siya habang tinitingnan ang laman ng box kaya hinabol siya ng mga kaibigan ko. “Wow! Cake!” kumuha siya ng icing gamit ang daliri saka niya ito inilagay sa bibig niya para tikman, “Hmm! Ang sarap naman!” Matapos niyang tikman ang icing sa daliri niya, tumingin siya sa direksyon ko. Napakurap ako nang ngumisi siya. “Minsan, may pakinabang din pala ang manliligaw mo, ha? By the way, akin na lang ‘to ah? Paborito ko ‘to, ‘e!” Itinaas niya pa ang box kung saan nakalagay ang cake. Matapos iyon, hindi na niya hinintay ang isasagot ko, tumalikod na siya at lumakad papalayo, binale-wala ang sigaw at pagmumura ng mga kaibigan ko sa kanya. Napabuntong-hininga na lang ako nang tuluyan na siyang nakalayo sa direksyon ko. Hindi na ako nagulat nang kunin niya ang regalo saakin ng admirer ko. Dahil hindi naman ito ang unang beses na nanguha siya ng regalo ng admirer ko saakin. Palagi niyang kinukuha at hindi ko alam kung anong trip niya sa buhay. Kinahapunan, sabay na nagpaalam saakin sina Yolan, Mildred at Louise. Nasa iisang subdivision lang kasi sila, ako lang ang napahiwalay sa kanila. Nang mawala sila sa paningin ko, napabuntong-hininga ako at lumakad kung saan naka-park ang pick-up na naghihintay saakin. Pagkasakay ko, kaagad ding umandar iyon. Tahimik lang ako sa loob ng pick-up at nasa labas ang tingin. Bahagya lang napakunot ang noo ko nang may mahagip ang mata ko. Is that the cake that Khalid took? Paano, may nakita akong batang pulubi na may hawak-hawak na cake. ‘Yung lalagyan kasi ng cake, katulad na katulad duon sa binigay ng lalaki saakin kanina. Pero imposible. Why would Khalid give that cake? Sabi niya, paborito niya iyon. Napabuntong-hininga na lang ako at napaayos ng upo mayamaya. Kinagabihan, matapos ng dinner, dumiretso ako sa kwarto ko para asekasuhin ang assignment ko. Nasa kalagitnaan ako ng pagsagot nang biglang tumunog ang messenger tone ko. Kaagad kong kinuha iyon at ni-check kung sino ang nag-message. Nagulat pa ako at muntik ko pang mabitawan ang cellphone ko nang makita kong may message si Khalid sa messenger ko. Khalid Evan Villarreal: Pssssssst! And he’s typing. Wala pang ilang segundo, may message ulit siya. Khalid Evan Villarreal: Miss feeling maganda, may copy ka sa Science? Khalid Evan Villarreal: Pa-copy na rin pala sa Math kung meron ka na. Promise, ililibre kita ng lunch bukas! Khalid Evan Villarreal: Seener ka pala, Miss feeling maganda. Famous ka? Famous? Humugot ako nang malalim na hininga saka nanginginig ang mga daliri kong nagtipa ng ire-reply sa kanya. Hindi pa man ako natatapos mag-type, may message na ulit siya. Khalid Evan Villarreal: Typing... Naks!... Waiting... Saraiah Aquirra Velasquez: I have a copy in Science. I’ll just take a picture and send it to you. Pero wala pa ako sa Math. Ginagawa ko palang. Khalid Evan Villarreal: I can wait, Miss feeling maganda. Kaya nga kitang hintayin, sagot mo pa kaya sa Math? Mangingisay na sana ako sa kilig sa sinabi niya pero may kasunod pa pala iyon. Khalid Evan Villarreal: Joke lang. Huwag kang kiligin. Mas pumapanget ka kapag kinikilig ka, ‘e. Nailing na lang ako at hindi ko alam kung totoo ang sinasabi niya o inaasar niya lang ako. Pero mayamaya, ni-picture-an ko ang notes ko sa Science at i-si-n-end ko sa kanya. Matapos iyon, Math naman ang inasekaso ko. Pero habang sumasagot ako sa Math, panay ang tunog ng messenger ko dahil panay ang send niya ng message saakin. Hindi ko tuloy alam kung ano ang uunahin ko. Ang pagre-reply sa kanya o ang pagsagot sa Math. Mamaya, muli akong napatigil sa pagsagot sa Math nang muling tumunog ang messenger tone ko. Bumuntong-hininga ako saka ko binuksan ang message niya. Nagulat ako nang makitang hindi lang basta message iyong dumating. Kundi isang picture. A picture of him! Kitang-kita ko sa background niya ang malaking kama niya. Pero hindi iyon ang nakakuha ng pansin ko kundi ang malaki at maganda niyang ngiti. And he's topless for Pete’s sake! Napakurap lang ako nang muling tumunog ang messenger tone ko. Khalid Evan Villarreal: Ayan. Pampasuwerte. Pampawala ng antok at para mas lalo kang ganahan sa pagsagot! Hindi ko napigilang mapangiti matapos kong mabasa ang message niya at muling titigan ang picture niya. Hanggang ang ngiti ko ay nauwi sa tawa nang marahan. I’m happy and I don’t need to ask myself if why dahil obvious naman kung bakit. It’s because of him. At tama nga siya, nawala ang antok ko at mas lalo akong ginanahan sa pagsagot dahil sa ni-send niyang picture. Patuloy niya rin akong kinukulit. Kinulit nga rin niya akong mag-send din ng picture sa kanya, pero siyempre, hindi ko ginawa. Panget ako sa paningin niya, hindi ba? At baka pagtawanan lang niya iyon kapag ginawa ko. Khalid Evan Villarreal: Dali na. Send, please. Ipananakot ko lang sa daga. May daga akong nakita kanina, ‘e. Oh kitam? Kaya ayoko, ‘e. Bahala siya. Kahit gustong-gusto ko siya, ayoko pa rin siyang pagbigayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD