KABANATA 3

3347 Words
“Raiah!” Pagkapasok ko sa classroom nang makabalik ako, kaagad akong sinalubong ni Yolan, Mildred at Louise. “Anong ginawa sa’yo ng kutong lupang iyon?” “Saan ka niya dinala?” “Okay ka lang ba? May ginawa ba sa’yong masama ang tarantadong iyon?” Hindi ko alam kung matatawa ako sa sunod-sunod nilang tanong lalo na’t sinusuri nila ang katawan ko. Tinitingnan yata nila kung may galos, gasgas, sugat o ano ako sa katawa. Nailing-iling na lang akong natatawa, “Magtigil nga kayo. Wala siyang ginawang masama saakin. Kumain lang kami.” sabi ko saka ko sila nilagpasan at umupo sa upuan ko. Nakahinga ako nang maluwag at kahit papaano nagpapasalamat ako nang makitang mukhang wala namang nakialam sa naiwan kong bag. Samantala, lumapit saakin ang tatlo kong kaibigan at patuloy na nangusisa. “Saan kayo kumain? Hinanap ka namin sa cafeteria sa pag-aalalang may ginawa na sa’yo ang tarantadong iyon, pero hindi naman namin kayo nakita.” nagtatakang sabi ni Mildred na kaagad namang sinang-ayunan ng dalawa pa. “Hindi naman kami sa cafeteria kumain. Duon sa may burol.” “Sa burol?!” napangiwi ako sa lakas ng boses ni Louise, “Sa tagpuan nang mahahaliparot na magjo-jowa? Duon ka niya dinala?” Mas lalo akong ngumiwi sa sinabi niya. I forgot to mention. But Louise is right. Ang burol na iyon ay sinasabing tagpuan ng mag-boyfriend at girlfriend. Pero para saakin, wala namang malisya ang pagdala saakin ni Khalid duon lalo na’t mukhang ganun din ang iniisip nito. “Oh my God! Huwag mong sabihing may ginawa sa’yo ang tarantadong iyon? Ano? Did he kiss you?” Agad akong pinamulahan ng mukha sa sinabi ni Yolan lalo na nang maalala ko ang indirect kiss namin ni Khalid. Hindi ko alam kung bakit pati iyon naging big deal saakin. “Pinilit ka ba niya?” Hindi ko na talaga alam kung paano ko sasagutin ang sunod-sunod nilang tanong kaya kinuha ko na lang ang bag ko para ilagay ang mansanas na kanina ko pa hawak-hawak. Pero bago ko pa iyon mailagay sa bag ko, biglang kinuha iyon saakin ni Louise. Napatayo ako, “Louise!” Hindi niya pinansin ang tawag ko. Nakatingin at patuloy lang niyang sinusuri ang mansanas. “Ang laking mansanas naman nito.” Inikutan ko siya ng mata, “Akin na nga ‘yan.” Aagawin ko sana sa kanya, pero bigla niyang iniwas saakin iyon. “Sandali lang naman,” she said, “Ngayon lang ako nakakita nang ganitong mansanas. Kaninong galing ‘to?” “Oo nga.” pag-sang-ayon ni Yolan na tinitingnan din ang mansanas, ganun din naman si Mildred na mukhang kyuryuso rin. “Galing ba ito sa admirer mo na naman?” si Mildred. Sasabihin ko na sanang hindi, pero alam kung magtatanong pa sila kaya hindi na lang ako nagsalita pa. “Amin na lang ito!” sabi ni Louise na ikinalaki ng mata ko. ‘No! That was the the first thing I received from him!’ protesta ko sa utak ko. “Oo nga. Alam mo bang hindi kami masyadong nakakain dahil sa pag-alala sa’yo? Kaya amin na lang ito, ha?” si Yolan. “No!” hindi na ako nakatiis at hinablot ko iyon mula kay Louise. Nagtaka sila sa reaksyon ko pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin, “H-hindi puwede. Akin ‘to.” Umingos si Louise, “Ang damot mo naman. Samantala, hindi mo naman ipinagdadamot ang mga regalong galing sa admirer mo.” ‘Yon na nga, ‘e. Kung hindi si Khalid ang kumukuha ng gift na natatanggap ko mula sa admirers ko, sila namang mga kaibigan ko ang kumukuha. Wala naman akong reklamo ruon. Hinahayaan ko silang kunin lahat ng natatanggap kong regalo mula sa admirers ko. Ngayon lang. Ngayon lang ako nagdamot. Bukod sa kakilala ko si Khalid, gusto kong pahalagahan ang natanggap ko mula sa taong gusto ko, mula sa kanya. At saka, tulad ng sinabi ko. Ito ang unang beses na nakatanggap ako ng bagay o pagkain mula sa kanya. Kahit papaano, nagpapasalamat akong hindi na ako kinulit ng mga kaibigan ko tungkol duon sa mansanas. Hindi na rin sila nagtanong pa kung bakit ko biglang pinagdamot iyon. Pagkauwi ko sa bahay kinahapunan, nakangiti kong binuksan ang refrigerator namin saka ko Inilagay ang mansanas duon. Gusto kong ilingan ang sarili ko nang mabasa ko ang nilagay kong note duon. ‘Do not eat this. This is mine —Raiah.' Mahirap na kasi. Ang takaw pa naman ni Sabrina, ang nakakabata kong kapatid. Kung anong makita niyang pagkain sa ref, kinukuha niya na lang nang walang paalam. Kaso kinagabihan nun, nang muli kong buksan ang refrigerator, nagulat na lang ako nang hindi ko na nakita ang mansanas duon. Siyempre, isang tao kaagad ang saraling pumasok sa isipan ko. I gritted my teeth. Padabog kong isinara ang refrigerator at patakbong pumunta sa salas. “Sabrina!” tawag ko sa kapatid ko. Pero hindi ko siya nadatnan duon. “Manang, si Sabrina?” tanong ko sa kasambahay naming napadaan sa gilid ko. “Hindi mo ba siya nadatnan sa kusina? Nanduon siya kanina,” umiling lang ako sa sinabi ni Manang, “Ah baka nasa kwarto na niya siya.” Tumango, “Salamat, Manang.” Matapos kong sabihin iyun, tiim bagang akong tumakbo papunta sa ikalawang palapag ng bahay, patungo sa kwarto ng kapatid ko. Pagdating ko sa tapat ng kwarto niya, kahit papaano hindi naman ito naka-lock kaya kaagad kong nabuksan. And there. Kaagad kong nakita ang kapatid ko. Muling nag-init ang ulo ko nang makita ko ang hinanap at kailangan ko. And she already eating it! “Sabrina!” I called her. Pero dahil abala na naman siya sa pakikinig ng mga Kpop song sa headphone niya, hindi niya ako narinig. Kaya naman, lumapit ako sa kanya at tinanggal ko ang headphone na suot niya. “f**k you!” malutong niyang mura. Napalingon siya saakin mayamaya. Mas lalo siyang nairita nang makita ako, “Ate! Ano ba? Nakikinig ako!” Pabagsak kong ibinaba ang headphone niya sa study table niya saka ko hinaklit ang mansanas na may ilang kagat na sa kanya. “Who gave you a permission to eat this?” Sandali siyang napatingin sa mansanas na hawak ko bago muling tumingin saakin, “Bakit ba, ha? What’s wrong if I ate that? Bakit? May nakalagay ba na 'bawal kainin' diyan?” Naisuklay ko ang daliri ko sa buhok ko, “Meron! I put a note here! ‘Do not eat this. This is mine. Raiah’ ang nakalagay.” “Fyi, Ate. Walang nakalagay na note diyan nang kinuha ko!” sabi niya saka tinaasan niya ako ng kilay, “And what’s the problem ba, ha, Ate? Bakit ang damot mo? Manasanas lang iyan.” “This is not just an apple!” “Bakit? Gold ba ‘yan?” Pinandilatan ko siya. Gustong-gusto ko siyang sapukin. Kung hindi ko lang siya kapatid, kanina ko pa siya sinapok. “This apple is special to me! Someone gave it to me!” “Sino?” mayamaya tumawa siya na parang may napagtanto siya, “Oh my God! Did Kuya Khalid give that to you? Kaya ba halos umusok na ang ilong mo ngayon sa inis?” “Shut up, Sabrina.” Ito ‘yung mahirap kapag alam ng kapatid mo kung sino ang nagugustuhan mong tao. Oo. She knew that I like Khalid. Siya lang ang pinagsabihan ko tungkol duon. Kahit papaano, kahit madalas kaming hindi magkasundo na dalawa, nagpapasalamat akong hindi niya ipinagkakalat iyon. “Did he, Ate? Did he?” pangungulit ng kapatid ko. Inikutan ko siya ng mata at pabagsak na naupo sa upuang nasa tabi niya saka ko siya pabirong sinabunutan kaya tudo reklamo siya. “Panira ka talaga. This is the first thing I received from him, but look what you did? Ni hindi ko ni-picture-an!” Tawa siya nang tawa, “Huwag kang mag-alala, Ate. Kung gusto mo, ako mismo hihingi kay Kuya Khalid ng apple, ‘e. Sabihin ko, naglilihi ka.” Pinandilatan ko siya, “Tumigil ka. Sapukin kita.” “Sige. Subukan mo. Isusumbong kita kay Mommy at Daddy, nakikipag-date ka na.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ngumiti siya nang sarkastiko sa reaksyon ko. “Akala mo, hindi ko alam, ha? Kalat na kalat kaya sa newfeeds ko ang picture niyong dalawa ni Kuya Khalid.” “Anong picture?” Sa halip na sagutin niya ang tanong ko, inabot niya ang cellphone niya. Binuksan niya ang f*******: niya saka siya nag-scroll. Wala pang isang minuto, nakita na niya ang hinahanap niya. At nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Pictures of me and Khalid. Yes. Hindi lang isang picture. Maraming pictures. Mula sa ginawa niyang paghila at paghawak niya sa kamay ko hanggang sa pagkain namin ruon sa burol. “W-who took these?” Nasa page kasi ng pangalan ng paaralan namin ang mga pictures kaya hindi ko alam kung sino ang kumuha ng litrato. Hindi ko naman kasi alam kung sinong mga admin nun. ‘Campus crush, Saraiah Aquirra Velasquez and Khalid Evan Villarreal. Are they dating?’ ang nasa caption ng post. Hindi ko mapigilang tingnan ang mga comment na nandun. Sofie Arnaez: Ang gwapo naman ng guy. Mine! Xianna Velasco: Bagay! Ship! Troy Santiago: @Brad, naunahan ka na, ‘tol! Hahahahahahaha! Ito lubid oh. Bigti. Brad Guzman: Sa nagsasabing bagay sila, mamatay na kayo. Mas bagay kami! Nijel Tan: Mauna kang mamatay, @Brad. Mas bagay kami. Zaffiro Gustavo: Kaya pala ang lawak ng ngiti. Nakasama ang moya lyubov’ niya, @Khalid. Basahin mo ang comments, marami ka namang bubugbugin bukas. Kung anu-ano pang comments ang nababasa ko. Karamihan, nagsasabing bagay kami. Meron din namang mga babae na mukhang hindi nag-aaral sa school namin ang nakapansin kay Khalid. They find him handsome and cute. Napanguso ako. Mayamaya, hindi rin nakaligtas saakin ang comments ng tatlo kong kaibigan. Mildred Ortega: @Louise @Yolanda, ihanda niyo na ‘yung sako at lubid. May isa-salvage tayo bukas. Louise Vilton: G! PS, Khalid mukhang bisugo. Yolanda Samaraca: Nakahanda na, @Mildred. Napatigil lang ako sa pagbabasa ng comments nang biglang kunin saakin ni Sabrina ang cellphone niya. “Anong ginagawa mo? Hindi pa ako tapos.” Kukunin ko sana, pero hindi ko rin nakuha nang umiwas siya saakin at abala sa pagta-type sa cellphone niya. Sinilip ko ang tinitipa niya. Nanlaki ang mata ko nang makita ko kung anong ni-comment niya. Farrah Sabrina Velaquez: Kuya @Khalid, pahingi raw ng apple si Ate @Saraiah. Kinain ko kasi ‘yung apple na binigay mo sa kanya. “Sabrina! Delete that!” Bago ko pa maagaw sa kanya ang cellphone niya, tumakbo na siya papalayo saakin habang tawa nang tawa. Kaya naman, tumayo na ako para habulin siya. “Ano ba, Sabrina! Delete that!” Ginawa ko na ang lahat para habulin siya, pinagbabato ko siya ng unan pero patuloy lang siyang lumalayo saakin. Ito ‘yung mahirap kapag may kapatid kang isang taon lang ang pagitan ng edad niyo. Madalas talaga kaming hindi nagkakasundo at nag-aasaran. Si Sabrina ang pinakamahilig mang-asar saaming dalawa. Kaya minsan, parang gusto ko na lang siyang itakwil. Pero siyempre, joke lang. Kahit ganito kami madalas ni Sabrina, mahal pa rin namin ang isa’t isa. Mayamaya, sumuko na rin ako kakahabol sa kanya, lalo na nang magkulong siya sa banyo. “Sabrina, patay ka talaga saakin kapag lumabas ka riyan!” Humalakhak siya sa loob ng bathroom, “Suko ka na, Ate. Kuya Khalid already read my comment and he replied. Sabi niya okay raw. Ate! Mukhang magkaka-lovelife ka na!” Nailing-iling na lang ako sa sinabi ng kapatid ko. Makalipas ang ilang minutong hindi pa rin siya lumalabas sa bathroom, tuluyan ko na rin siyang sinukuan. Bumalik na lang ako sa kwarto ko. Pagkapasok ko sa kwarto ko, ibinagsak ko ang katawan ko sa higaan at napatitig sa kisame. Hanggang sa biglang pumasok sa isip ko ‘yung pictures. Hindi ko alam pero kusa na lang akong napangiti nang maalala ko ang nabasa kong comments na nagsasabing bagay kami. Bagay ba talaga kami? Napahagikhik ako at hindi ko napigilang magpagulong-gulong sa kama ko sa sobrang kilig na nararamdaman. Napatigil lang ako nang marinig ko ang pagtunog ng messenger tone ko. Ikinalma ko muna ang sarili ko saka bumangon at lumapit sa study table ko para kunin ang cellphone kong nakapatong dito. Ganun na lang ang gulat ko nang makita ko sa screen ng phone ko ang chat heads icon ni Khalid. Ilang sandali lang, ang gulat ko’y unti-unting napalitan ng ngiti. I tapped the icon to read his message. Khalid Evan Villarreal: Did you see our pictures? Ang guwapo ko, ‘no? Tapos ang pangit mo. Sa halip na maasar sa huling linya niya, mas lalo pa akong nangiti. My God! Baliw na nga talaga yata ako. Sinasabihan na akong pangit, kinikilig pa rin ako. Saraiah Aquirra Velasquez: Oum. Khalid Evan Villarreal: Oum? What is that? At tipid mo namang mag-reply, my rumored girlfriend. My rumored girlfriend. Puwede bang alisin na lang ‘yung rumored at gawin na lang na 'My girlfriend'? Oh my God! Nababaliw na nga talaga ako. Saraiah Aquirra Velasquez: I just don’t know what to say. Nang may naalala ako, muli akong nagtipa ng message. Saraiah Aquirra Velasquez: Salamat nga pala sa libreng lunch. Sorry, I forgot. Khalid Evan Villarreal: No problem. Anyway, sinabi ko kay Nanay Myrna na nagustuhan mo ang Leche Plan niya. My nanay was so happy. Gagawan ka raw niya ulit. Saraiah Aquirra Velasquez: Really? Tell her thank you! Khalid Evan Villarreal: So, it means... Lunch again tomorrow? Hindi agad ako nakasagot sa chat niya dahil bukod sa hindi ko alam ang isasagot, mas lalo kong naramdaman ang kabog ng puso ko. Is he inviting me to have a lunch with him again? Ikinalma ko muna ang t***k ng puso ko kahit mukhang ayaw namang kumalma nito, bago ako nagtipa ng ire-reply. Saraiah Aquirra Velasquez: I’ll love to. Pero baka ano ang sabihin ng iba. Khalid Evan Villarreal: Pakialam nila? At saka ayaw mo ‘yon? Hindi ka na lugi saakin. Ako ang rumored boyfriend mo. Luging-lugi nga ako sa’yo, ‘e, kasi pangit ang rumored girlfriend ko. Halos maramdaman ko na ang pagdurugo ng labi ko sa sobrang diin ng pagkakagat ko rito sa pagpipigil ngiti. Damn, Khalid! Why are you doing this to me? Nagtagal pa ang pag-uusap namin ni Khalid sa chat. Baliw na nga talaga siguro ako dahil kahit wala namang kabuluhan ang pinag-uusapan namin at panay pa ang lait at pang-aasar niya saakin, ngiting-ngiti pa rin akong nakipagpapalitan ng chats sa kanya. Ganun naman siguro talaga. Kapag taong gusto mo na ang kausap mo, dalawang bagay na lang ang mararamdaman mo. Saya at kilig. Sa sobrang saya, pati oras nakakalimutan mo na. Ni hindi ko namalayang nakatulugan ko na naman ang pakikipag-usap ko sa kanya. Pero hindi tulad kahapon, nagising ako sa tamang oras. “Good Morning, Mom! Good morning, Dad!” masayang bati ko sa mga magulang ko nang makapasok ako sa dining room. Pareho ko silang hinalikan sa pisngi. Nang mapatingin ako sa kapatid ko, sinimangutan ko siya saka ako umupo sa tabi niya. My mom smiled at me, “Ang ganda naman ng ngiti mo, Raiah. Anong meron?” Kumuha muna ako ng tinapay at inilagay ko sa plato ko bago ko sinagot si Mommy, “Kailan pa po ako naging malungkot?” I smiled. My life is perfect. I have a caring and loving parents. May kapatid din akong kahit hindi ko nakakasundo madalas ay mahal na mahal ko pa rin. Maayos din ang buhay namin. At hindi ko na natandaan kung kailan ako huling nalungkot o umiyak. Siguro bata pa ako. Noong panahong hindi ako pinapayagan ni Daddy na maligo sa ulan. Gustong-gusto ko kasi noong maligo sa ulan. At pakiramdam ko, mas naging perpekto ang buhay ko dahil kay Khalid. “Hindi, anak. Iba, ‘e. Your smile is different.” si Mommy. “Paanong hindi gaganda ang ngiti niyan, Mommy. Eh magkaka-lovelife na — Aww!” palihim kong sinipa ang paa ni Sabrina dahil sa tabil ng dila nito. “Come again, darling?” si Daddy, “What’s love life are you talking about?” Sinasabi ko na nga ba, ‘e. My dad is strict in comes to me and Sabrina. Ayaw niya kaming magkaruon ng boyfriend. Kesyo bata pa raw kami at hindi dapat muna iniisip ang tungkol sa bagay na iyon. Ni pagkakaruon ng crush, pinagbabawalan niya. Ang gusto niya, aral, aral at aral lang ang iniisip at gawin namin. “Wala po, Dad. Inaasar ko lang po si Ate Raiah.” si Sabrina. Nagpunas si Daddy ng tissue sa gilid ng bibig, “Don’t forget what I told you, okay? Huwag niyo munang isipin ang tungkol sa bagay na iyan. Lalo ka na, Saraiah. You are already Grade eleven. At isang taon na lang, magka-college ka na. At kailangan pagbutihin mo. Maintain your high grades. Don’t give in to temptation. Do you understand?” Tumango ako nang bahagya, “Yes, Dad.” Hindi na kami nagsalita matapos iyon. Tiklop kasi talaga kami ni Sabrina kapag si Dad na ang kausap namin. Medyo maayos pa si Mommy dahil hindi naman siya gaanong strict saamin. Matapos naming mag-almusal, magkasabay kami ni Sabrina lumabas ng bahay. Dahil sa nangyari kanina, nagtutulakan kami. “Ang ingay mo talaga kahit kailan!” Benelatan niya lang ako saka sumakay sa service niya. Napaikot na lang ako ng mata at sumakay na rin sa sarili kong service. At dahil nga, madalas kaming hindi magkasundong dalawa, naisipan ng mga magulang naming ihiwalay rin kami ng school. Wala naman kaso iyon saamin ni Sabrina. Natuwa pa nga kami, ‘e. Pagdating ko sa school, hindi nakaligtas saakin ang mga tingin ng mga estudyante saakin. Sanay na naman akong pinagtitinginan dahil nabansagan nga akong ‘campus crush’ ng school namin, pero iba ngayon. Nagbubulong-bulungan sila. At hindi ko na rin kailangan tanungin ang sarili kong bakit. Siyempre, isa lang ang dahilan nun. Ang rumored tungkol saamin ni Khalid. I automatically smiled when I remember our chats last night. Napatigil lang ako nang nakita akong grupo ng mga lalaking makakasalubong ko. Kitang-kita ko ang pagtutulakan nila sa isa’t isa. Mayamaya pa, sabay-sabay tinulak ng apat ang pinakamatangkad sa kanila papalapit saakin kaya napatigil ako sa paglalakad. “Hi, Raiah..” he said, medyo nahihiya. I smiled a little, “Hello.” Napakamot siya sa batok at nahihiyang tumingin saakin, “May itatanong lang sana ako. Is it true?” he paused and sighed, “Is it true that you and Khalid are —” Naputol ang ibang salita niya at maging ako muntik nang napatalon sa gulat nang may bigla na lang umakbay saakin. Napasinghap akong napatingin sa taong iyon. Muli akong napasinghap at napalunok nang makita ko si Khalid. Nasa lalaking nasa harapan namin ngayon ang atensyon niya. Seryoso at maangas niya itong tiningnan. “Oo. Bakit? May angal ka? So, stop bothering her.” Kaagad umiling ang lalaking parang natakot sa seryosong boses ni Khalid, “Ah, wala, brad. Sorry.” Hindi na niya hinintay ang sasabihin ni Khalid, tumalikod na ito at lumapit sa barkada niyang kaagad niyang niyayang umalis. Napabaling ako kay Khalid na nanatiling nakaakbay saakin at sinusundan ng tingin ang mga lalaki. Napalunok ako. Is it just me or talagang habang tumatagal mas lalo siyang gumaguwapo? Napakurap lang ako at muli akong napalunok nang bumaling siya saakin. He smiled, “Good morning, my rumored girlfriend,” he greeted saka niya inalis ang kamay sa balikat ko at bigla na lang niyang ginulo ang buhok ko, “Ikaw ah. Tinulugan mo ako kagabi. Dahil diyan, libre mo ako ng lunch mamaya.” Matapos iyon, muli niyang ginulo ang buhok ko bago niya ako tinalikuran. Iniwan niya akong parang bruha sa gulo ng buhok ko. Noong una, nainis pa ako dahil pinaghirapan ko pa namang plantsahin itong buhok ko tapos guguluhin lang niya. Pero mayamaya, hindi ko na rin napigilan ang ngiti ko sa sayang nararamdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD