ISANG nasasaktang ungol ang lumabas sa bibig ni Mark matapos hilahin ito palayo kay Angelu. Binugbog kasi ng taong dumating at sumaklolo sa kaniya si Mark at naging tagapagligtas niya ito ngayong araw na nakipagkita siya kay Mark, na hindi niya talaga pinagkatiwalaan at naisip na niya na hindi gagawa nang hindi maganda ang taong ito sa kaniya. Nakabulagta na sa sahig si Mark at nanghihina nang lapitan niya si Michael saka hinawakan ang braso nito. “T-tama na. Baka mapatay mo pa siya,” pigil niya kay Michael. Bago siya makipagkita kay Mark ay tumawag siya kay Michael para humingi ng tulong sa kaniya. Wala kasi siyang ibang hihingan ng tulong kundi si Michael, hindi na niya inabala pa si Zanray dahil wala ito ngayon sa Cavite at nasa probinsiya kasama si Theresa. Sinabi ni Michael na hu

