“OH MY GOD!” masayang sigaw ni Nick nang pagbuksan si Angelu ng pinto ng matalik na kaibigan at makita siya nito sa labas ng bahay nito. “Totoo ba ito? Hindi ba ako nananaginip na nandito ang maganda at sikat kong kaibigan?” hindi makapaniwalang tanong pa ni Nick na ikinatawa niya. “Hindi ka nananaginip at talagang nasa harapan mo ang famous mong kaibigan,” natatawang tugon ni Angelu. Sumigaw si Nick saka niyakap siya nang mahigpit na ginantihan naman niya. Isang linggo na siya sa US at nag-umpisa na rin ang trabaho niya kasama si Michael at doon siya ngayon nanunuluyan sa bahay ni Michael kasama ng ilang artista na kaibigan din ni Michael. Sinabi ni Nick ang address ng bahay nito sa US at sinabi niya na may trabaho nga siya at sa bansang iyon iso-shoot pero hindi alam ng kaibigan kung

