05.-ZEON's DEPARTURE-

1227 Words
K I N A B U K A S A N............................... Maaga din naman akung nagising dahil sa laki ng boses ng lolo. "Hoy Jandi, bakit kapa nakahiga diyan?" "Ano po ba kasi yon lolo." g**o ko sa buhok ko dahil sa kulit ni lolo sobrang aga naman kasi mang bulabog nitong si lolo. "Aalis na ngayon si Zeon hindi kaba pupunta?" Mabilis din namang nanlaki ang mga mata ko matapos kung marinig ang balita ni lolo. "Ano po? sigurado po ba kayo?" "Uu, nakita ko kanina doon sa pangpang, may mga bodyguard na dumala sa bagahi niya at mga ....." Hindi ko na naipatapos ang sinasabi ni lolo, agad narin akung nagmadali papunta sa pangpang para habulin si Zeon. Bakit naman sobrang aga ng pag alis niya. Kahit ilang araw palang kaming nagkaibigan sobrang naging malapit siya sakin, kaya sobrang hirap din ng gagawin niyang pag alis. Nang makarating ako sa pangpang, agad akung tumungo sa white house nila at pagkarating ko doon nakita kung sirado na ang lahat ng pintuan at bintana nito, sinubukan kung tawagin si Zeon pero walang sumasagot. Nilibot ko rin ang likod ng white house sa pag babakasakali pero wala talaga. "Zeon. ang daya mo! hindi kaman lang nagsabing aalis kana ngayon!." Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko, pero habang pinupunasan ko ang luha ko bigla nalang may nagsalita sa likod ko. agad rin naman akung napalingon sa boses na nagsalita. "Hindi naman ata pwedeng umalis ako ng hindi nagpapaalam sa bestfriend ko." Mabilis akung napatayo at agad siyang niyakap ng mahigpit. "Hihintayin kita" "Dapat lang, dahil bestfriend mo ako." Pareho naman kaming dalawa napatawa, at dahil paalis na sila hindi narin siya naka stay pa ng matagal. F A S T F O R W A R D.......... AFTER 1 WEEK..... Heto ako ngayon maagang pumunta ng pangpang dahil nga manghuhuli kami ng isda ng lolo, nauna na akong pumunta ng pangpang dahil meron pa daw siyang pupuntahan kaya dito ko nalang siya hihintayin. Habang naghihintay, muli kung ginunita yung araw kung kailan kaming dalawa nagkita ni Zeon. Tandang-tanda ko pa nung nakita ko siyang nalulunod at yung sumunod na araw na nagkita kami na inaway-away ko pa siya dahil sinipa niya yung bangka namin. Napapangiti nalang ako satwing naaalala ko yon. Pero bigla nalang napukaw yung isip ko ng makita ko yung tatlong batang lalaki na humabol sakin non, mabilis din akung napatayo ng makalapit sila sakin. "Kayo na naman? kayo rin yung may kasalanan kung bakit ko yon ginawa." "Oo na, okay na kami don hindi kana namin aawayin o hahabulin." "Anong ibig niyong sabihin?" "Yung kaibigan mong lalaki, lumapit siya samin non at binigyan kami ng bagong bola at sinabi samin na wag ka na daw namin guluhin o awayin at nangako kami sa kanya kaya yon nandito kami para sabihin sayo yon." Sambit nong isa nilang kasama. "Oo nga Jandi, at ang bait din ng kaibigan mo dahil nilibre niya pa kami ng pagkain non." "Ginawa niya yon?" "Oo! sabi niya pa bestfriend ka daw niya kaya ayaw niya na may bumubully sayo." "Nasaan na ba yung bestfriend mong si Zeon? para namang sabihin namin na gusto rin naming makipag bestfriend sa kanya at nandito kami para makipaglaro sa inyo." masayang sambit ng lider lider nila. Pero yon din naman ang ikinalungkot ko. "Wala na siya, bumalik na siya sa state." malungkot kung pagkakasabi. "Sayang naman, hindi kami nakapag paalam sa kanya." "Oo nga." malungkot din nilang pagkakasabi. "Pero wag kayong mag-alala sabi niya naman sakin babalik daw siya." Pagpapakita ko ng pagiging positibo. "JANDI!!!...." Mabilis din naman kaming napalingon sa boses ng isang babaeng tumawag sakin. "Ang lolo mo!..." Agad kaming nagkatinginan na may halong pangamba dahil narin sa dalang boses ni ate Madelyn sa pagtawag sakin na kapitbahay namin. Mabilis kaming tumakbo at sumama kay ate Madelyn. Nang makarating kami nakita ko ang lolo na duguan. "LOLO?!!!" Mabilis kung nilapitan ang lolo. Hindi ko kayang tignan ang lolo ko sa kalagayan niya sobrang dami ng dugo ang lumalabas sa tiyan niya na tinatakpan ko lang at kasunod ko ding napansin ang isang babaeng umiiyak na malapit sa tabi niya na may gisi ang ibabaw ng damit. "Lolo!" (Sobbing) "A-apo." "Lolo ano pong nangyari? sino po ang gumawa nito sa inyo?" Sobbing. "Sa i- ilallim ng kama ma-may sulat don k-kunin mo." cough. (Ambulance whiring...) "Lolo..." Sobbing Pilit namang hinahawakan ng lolo ko ang mukha ko habang sabay na sinasabi sakin na mahal niya ako, Pero... Tuluyan nang bumagsak ang mga kamay niya at kasunod ang pagpikit ng mga mata. "LOLO!!!.." Sobbing Walang tigil ang pag iyak ko habang patuloy kung ginigising ang lolo hindi ko kaya na mawala ang lolo, siya nalang ang meron a ako pero hindi na talaga... Hindi na nagigising ang lolo ko... Hanggang sa kinukuha na siya ng ambulance sakin. "Please po sir, iligtas niyo po ang lolo ko" sobbing "Lolo!.." Sob. Nang makarating kami sa hospital kasama ko si ate Madelyn kinomperma ng doctor na dead on arrival ang lolo ko, sabay alis niya rin. "Hindi! hindi pa po patay ang lolo ko!" Sigaw ko doon sa doctor "Alam kung buhay pa siya, please po doc tulungan niyo po ang lolo ko." sobbing "Ikinalulungkot ko ijha pero wala na ang lolo mo." "Hindi po" sob "Hindi po totoo yan..." sobbing. Nang makaalis ang doctor mabilis kung nilapitan ang lolo at niyakap. "Lolo." sobs F A S T F O R W A R D........ Nang makauwi ako, hindi ko parin maipaliwanag kung ano ang dapat kung maramdaman. Kaya sinabi ko na muna kay ate Madelyn na iwanan na muna ako mag-isa, kanina lang sabay pa kami ng lolo ko nag almusal, tapos sabay na naghanda ng mga gamit namin. Sana sumama nalang ako sa kanya sana hindi ko siya iniwang mag-isa. "Zeon, sana nandito ka" sobs. [ZEON'S POINT OF VIEW] 1 week after na ang nakakalipas ng umalis ako sa white house, bigla kung na miss si Jandi pati ang lolo niya, kamusta na kaya sila ngayon, sana okay lang sila. Nandito na ako ngayon sa state, sa sketch room ko kung saan inuubos ko yung time ko ngayong araw sa pag sketch since wala naman ako ngayon tutor. [O T H E R S I DE....] AUTHOR's POINT OF VIEW...... Patuloy na balisa ang babaeng nakasaksi sa pagkamatay ng lolo ni Jandi. Dahil sa nangyari binisita siya ng mga pulis upang kunan ng pahayag tungkol sa nangyari pero dahil mukhang trauma pa ito, hindi ito makapag salita. Kaya naman naisipan ng mga uturidad na balikan siya sa susunod na mga araw. "Anak, wag kanang matakot ligtas kana, nandito na kami ng papa mo, kailangan natin alamin kung ano ba talaga ang nangyari sa inyo ng lolo nong batang si Jandi." Kausap ng ina nito sa kanya. "Anak, kung tinakot kaman ng kung sinong taong yon, wag kang matakot hindi ka nag-iisa." Dugtong ng ama nito. (Sobs...) "Ma.. (sobs)" Sabay yakap nito sa magulang niya." Ginahasa po ako..(sobs)" Umiiyak nitong pagkakasambit.(Sobs) "Si-sinong gumahasa sayo anak?" May galit na pagkakasabi ng kanyang ama. "Isang lalaki po papa. (sobs) at doon po ako nakita ng lolo ng batang si Jandi (sobs) tinulungan niya po ako kaya po sinaksak po siya ng lalaki. (sobs)." Mabilis ulit na niyakap ng babae ang mga magulang niya at patuloy sa pag-iyak. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD