CHAPTER 7

1038 Words
CHAPTER 7 AGAD na pinuntahan ni Yza si Dion sa kanila para makausap ito. Mahal na mahal niya ang nobyo, kaya kahit lagi sila nitong nag aaway dahil sa pagkaseloso inuunawa na lamang niya. Para walang gulo, iniiwasan niya ang mga lalaki na lumalapit sa kanya. Pero kanina ng yakapin siya ni Kian, hindi niya napigilan ang sarili na yakapin din ito. “Tita, si Dion po?” magalang na tanong niya sa ina ni Dion. “May tampohan ba kayong dalawa? kasi pagdating dito mainit ang ulo at galit.” tanong nito sa kanya. “Opo tita, kaya gusto ko sana siyang makausap.” nahihiya niyang turan rito. “Nandoon siya sa tabing-dagat puntahan mo na lamang. Yza ikaw na lamang ang mag-unawa at umintindi sa kanya, ha.” nakangiti nitong wika sa kanya. Tumango-tango siya rito at nagpaalam na para puntahan ang nobyo sa tabing-dagat. Nakita niya itong nakatayo malapit sa isang puno nakatalikod ito kaya hindi siya kita. Lumapit siya at tumabi rito. “Mahal, magpapaliwanag ako doon sa nakita mo.” umpisang wika ni Yza dito. “Taposin na natin ito Yza.” walang kagatol-gatol na wika nito sa kaniya. Nagulat siya sa sinabi ni Dion kaya humarap siya rito. “Nakabuntis ako Yza, at ayaw ng pamilya ni Caren na hindi ko panagutan ang anak nila.” malungkot na wika ni Dion sa kanya. Isang sampal ang binigay ni Yza sa mukha ni Dion. Umiiyak na rin siya. “Kailan mo pa ako niloloko ha? Dion mahal na mahal kita, tanggap ko ang pagiging seloso mo. Kahit sobrang sakal na ako sa relasyon natin. Tiniis ko dahil mahal kita. Tapos ito, iyan ang igaganti mo sa akin!” galit na sigaw niya kay Dion. “Yza, hindi ko sinasadya 'yong nangyari. Pinikot niya ako.” wika nito sa kaniya. “Pinikot? Dion, hindi ako naniniwala na pinikot ka ng babae mo. Isa lang ang ibig sabihin matagal mo na akong niloloko. Hindi ba sapat ang pagmamahal ko sa'yo para saktan at lukohin mo ako?” tanong niyang wika rito. Pinahid niya ang mga luha sa mata niya. Pilit niyang kinakalma ang sarili kahit ang sakit-sakit. “Yza, alam mong mahal kita. I'm sorry hindi ko sinadyang saktan ka,” may luha sa mata nitong wika sa kanya. “Kung mahal mo ako hindi mo ako sasaktan ng ganito. Hindi mo ako niloko. Isang taon Dion! sa loob ng isang taon wala akong ginawa kundi mahalin ka at unawain. Pero hindi pa pala sapat ang mga 'yon,” galit na wika niya dito. Akmang aalis na siya ng hawakan at pigilan siya nito. Isang malakas na sampal pa ang pinadapo niya sa mukha nito. “Bakit. Bakit Dion. Anong kasalanan ko sayo. Anong mali sa akin para saktan mo ako ng ganito? Iniiwasan ko ang mga lalaki na lumalapit sa akin dahil mahal kita. Pero ano 'to?” mga tanong na wika niya kay Dion. Naginginig na rin ang mga tuhod niya dahil sa sobrang galit at sakit na nararamdaman.“Sana maging masaya kayo ng babae mo.” wika pa niya at tuloyan ng tumalikod at umalis. Tinawag pa siya nito pero hindi na niya ito pinansin. Pagdating niya sa kanilang bahay, naabutan niya si Ivy. Nakaupo ito sa kanilang upoan na kahoy. Nagtataka itong nakatingin sa kanya lalo na at umiiyak siya. “Sissy, anong nangyari bakit umiiyak ka?” nagtatakang tanong ni Ivy sa kaniya. “Si lolo, nasaan?” tanong niya kay Ivy. “Nagpapahinga na kaya ako nandito narinig ko kasing tinatawag ka. Saan ka ba galing at bakit umiiyak ka?” Imbes na sagutin niya ang tanong nito, yumakap siya dito at humagolhol nang iyak. “Sissy, ang sakit-sakit. Anong kulang sa akin at nagawa niya akong saktan ng ganito? Mahal na mahal ko siya sissy pero bakit nagawa niya akong lukohin?” umiiyak niyang tanong kay Ivy. Kumalas ng pagkakayakap si Ivy sa kanya at nagtataka na tumingin sa kanya. “Sissy, ano bang pinagsasabi mo. Ano bang nangyari?” nagugulohan na tanong ni Ivy. “Nakabuntis si Dion sissy, at sa ayaw at sa gusto niya kailangan niyang panagutan 'yong babae.” Nagulat na napatitig sa kaniya si Ivy. “Ano! Paanong nangyari iyon sissy? Walang hiy* na Dion 'yon nagawa ka pang lukuhin at saktan. Napakaloyal mo nga sa relasyon ninyo. Tapos ito pa ang ginawa niya.” galit na turan ni Ivy. “Hindi ko alam sissy,” umiling-iling na saad niya kay Ivy. “Ang tanga-tanga ko dahil nagtiwala ako sa pagmamahal niya. Iniiwasan ko ang mga lalaki dahil mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya sissy. Parang hindi ko kaya.” “Maysisa, kailangan mong tanggapin ang nangyari. Alam kong masakit pero kailangan mong tanggapin. Alam ko na mahal na mahal mo si Dion. Pero wala na tayong magagawa, sissy. Nandito lang ako hindi kita iiwan” saad ni Ivy sa kaniya sabay yakap nito. Wala siyang nagawa kundi umiyak na lamang. Hindi niya pinapakita sa lolo niya na umiiyak siya. Dahil ayaw niya na madagdagan pa ang sakit na dinadala nito. Ayaw niya na pati ito ay mag-alala sa kanya. Tahimik na umiyak siya sa isang sulok ng kuwarto niya. Habang yakap-yakap ang dalawang tuhod. Ang daming bakit at tanong sa kanyang isipan. Pero lahat ng bakit at tanong niya ay walang sagot. Isa lamang ang nararamdaman niya ngayon sobrang sakit, parang sinasaksak ang puso niya nang paulit-ulit. Bakit kailangan niyang maramdaman ito nagmahal lang naman siya ng sobra. Masama bang mahalin ang taong pinangarap niyang makasama habang buhay. “Ano pa ba ang kulang. Anong wala sa akin na mayroon sa babaeng iyon? Ano!” sigaw na wika niya sa isipan. Patuloy na lumalandas ang mga luha niya sa kanyang pisngi. Nanlalabo na rin ang paningin niya dahil sa patuloy na pagluha niya. Tama si Ivy, kailangan niyang tanggapin ang lahat kahit masakit. Dahil kahit anong gawin niyang pagluha, hindi na niya maibabalik pa. Nabaling ang tingin niya sa cellphone na nakapatong sa higaan niya. Hinawakan niya ito, basag na ang LCD nito. Dahil sa antipatikong mayabang na 'yon. Kumusta kaya ito? Kanina paglabas niya ng center. Wala na ito dahil pinagtabuyan niya nasaktan siguro doon sa sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD