11:00 am
"Grabe, bakit dito pa huminto yung truck"
Bugnot na sabi ni Ally habang panay ang pindot nya sa busina.
"kumalma ka nga baka nasiraan yung truck"
sabi ko sabay bukas ng bintana para silipin kung ano ba ang nangyari.
"kuya ano nangyari dyan?"
tanong ng lalaki sa manong na nakikiisyoso
"bigla daw nangisay yung driver ng truck buti naihinto nya agad yung sasakyan"
"kaya pala may ambulansya"
"oo. kaso biglang nawalan ng malay yung lalaki, anlaking tao pa naman kaya pahirapan yung pagbuhat sa kanya. Saka wala pang mahanap na mag ddrive ng truck para maitabi ng maayos"
Rinig kong usapan nila, Nang marinig ko na ang kailangan kong marinig ay isinara ko na yung bintana dahil nawawala yung lamig ng kotse dala ng sobrang init na panahon.
"Nangisay daw bigla yung driver tas nawalan ng malay, baka sa sobrang init at pagod"
Paliwanag ko Ally na ngayon ay nakahawak na sa ulo at nakasimangot
"Trabaho talaga ang papatay sa tao."
Sagot ni Ally
"Eh ikaw anong papatay sayo? Sama ng loob? dahil sa jowa mo."
pabiro kong sabi sa kanya na sinagutan naman nya ng "loko"
Napatawa naman kaming dalawa, naaalala lang naman talaga ako ng babae na to pag may problema o nabbwisit sya sa jowa nya, pero kahit ganon di parin kami nagiiwanan dahil sya lang nagiisa kong best friend since high school.
"Yun! buti naman at gumalaw galaw na"
Pasigaw na sabi ni Ally nung nagsimula ng umandar ang mga sasakyan
"late na tuloy tayo makakapaglunch"
1:30 pm
"nakarating din tayo sa wakas, tara kain muna tayo"
sabay hawak sakin ni Ally
kakapasok palang namin ng mall ay nakasalubong na namin agad ang lalaking walang malay sa wheel chair habang tulak tulak ng medic, halos lahat ay napalingon
"mukang waiter yung lalaki, siguro sa pagod di kinaya ng katawan"
sabi ni Ally at naglakad na kami uli at nagtingin tingin sa mga shop habang nagiisip pa kung san kami kakain
"Tingin nga tayo dito"
Pumasok kami sa loob ng jewelry shop, nahinto ako sa isang kwintas na may sapphire na pendant.
"Sapphire? di naman sapphire birth stone mo diba?"
lapit sakin ni Ally na nakasunod lang pala sakin kanina
"Sa mama ko."
"bilin mo na"
"*smile* alam mo na nga na wala pa kong work ngayon, simula nung natanggal ako sa kaunaunahan kong work. tara na"
sabay hila ko kay Ally palabas
"Sya nga pala, wala bang update sa mga inapplayan mo?"
"Hayss wala pa. nappressure na nga ko dahil parang ambagal ng usad ng buhay ko hahaha"
"Ano ka ba girl! hindi race ang buhay! yan ang tandaan mo. baka di pa talaga time"
medyo pasigaw na sabi ni Ally sabay mahinang hampas sa likod ko
"Kung hindi race bakit Pagod na ko?."
seryosong sabi ko sa kanya
"tsk. umayos ka nga dyan, para kang tanga! alam mo wag kang mapagod dahil andito naman ako, handa kitang kupkupin! gusto mo ngayon na eh ano? kunin na natin damit mo o gusto mo maghanap tayo ngayon ng hiring tara."
Sabay hila nya sakin at nagtawanan kaming dalawa, pero napahinto kami ng biglang may sumulpot na lalaki sa harap namin
"t-tu--tulong.."
sabay bagsak nya sa harapan namin.
Sa pagkabigla namin ay agad namin syang nilapitan
"kuya? kuya gising!"
sabi ko habang si Ally ay chineck ang pulso ng lalaki at saka nagtawag ng guard.
Chineck ko ang lalaki dahil baka inatake sa puso, luluwagan ko sana ang suot nya ng laking gulat ko kung ano ang makita ko sa may tagiliran nya
"Mam medic na po ang bahala, wag nyo na pong galawin"
utos ng guard habang ako naman ay tulala at nagssync in parin sa utak ko kung ano ang nakita ko
Itinayo ako ni Ally at lumayo na kaming dalawa sa lalaki
"A-ally"
utal kong tawag sa kanya
"mukang walang available na medic, kanina pa kasi si manong guard nag raradyo pero parang puro negative"
napatingin ako kay Ally habang sya ay nakatingin parin sa kinaroroonan nung lalaki na ngayon ay marami ng nakapaligid
"kawawa naman si kuya, nawalan na sya agad ng pulso pagkacheck ko palang saka ambilis bumababa ng body temperature nya anlamig nya kasi agad eh. Napansin mo ba? o baka sa lamig lang ng mall"
Tinitigan ko si Ally sa mata ata agad naman sya tumingin sakin
"Ally yung lalaki.. may sugat sa tagiliran nYa pero hindi ko malaman kung kagat ng hayop o --"
"AHHHHHHH!!!!"
Hindi ko pa tapos sabihin ang sasabihin ko ay may narinig kami na sigaw kung saan nandoon yung lalaki, at dahil marami ang nakapaligid sa kanya hindi namin agad nakita kung ano ang nangyari
Pero nakita nalang namin na nagtakbuhan ang mga tao at ang ikinagulat namin
yung lalaking nawalan ng malay ay nakakagat na sa leeg ng gwardya maya maya ay agad naman tong kumapit sa ibang taong nadakma nya. Hindi kami agad nakatakbo dahil sa takot na naramdaman namin. Hanggang sa biglang nangisay narin ang gwardya at bigla nalang nagiba, kinagat na nya din bigla yung taong dapat tutulong sa kanya.
"CAE!!"
Bumalik ang ulirat ko ng tawagin ako ng malakas ni Ally at hinila patakbo
"lumabas na tayo dito! hindi na maganda ang nangyayari!"
Walang lumalabas na salita sa bibig ko. Gulat parin ako sa mga nakita ko kanina.
Sumunod lang ako ng sumunod kay Ally kahit na nagkakabanggan na ang mga tao at padami dami ang mga duguan at mga taong natumba sa sahig.
"AHH!"
napasigaw ako ng mapatid ako sa nakatumbang bakal dahilan din para mabitawan ko si Ally
"CAE!"
tawag ni Ally sakin, pero dahil sa sama ng pagkabagsak ko ay hindi ako agad nakatayo
"CAE!!!"
Sa sobrang dami ng tao na natatarantang makalabas ay naitulak ng naitulak si Ally palayo sakin.
"A-ALLY!! ALLISON!!!"
Tawag ko sa kanya habang paika-ika akong tumatakbo, naiiyak narin ako sa takot dahil sadyang duwag ako pero patuloy lang ako sa paglakad ng mabilis kahit sobrang sakit ng tuhod ko.
"*thud!* AHHH!!"
Muli akong nadapa dahil sa pagkabunggo sakin ng isang lalaki kaya dumoble ang sakit ng tuhod ko na lumala pa ang pagkadugo kaya lalo pa ko naiyak
"Tara"
Pag angat ko ng ulo ko ay isang pamilyar na lalaki ang nagaabot ng kamay nya para hawakan ko.
"Y-yujin?"
---
"Dito tayo"
Dumaan kami sa fire exit kung saan konti lang ang mga tumatakbo para makalabas.
Mahigpit ang Pagkakahawak nya sa kamay ko, inalukan nya ko na ipapasan nya ko pero tumanggi ako dahil ayoko naman na mahirapan at maging pabigat pa sa kanya.
Nang makalabas kami ay agad kaming pumasok sa kotse nya, Sobrang gulo na ng paligid ibang iba sa itsura ilang oras o minuto lang ang nakalipas.
"Pwede bang hanapin natin yung kotse ng kaibigan ko? o kahit sya hanapin natin sya"
Pag mamakaawa ko sa kanya habang panay tulo parin aNg luha ko dahil sa takot na nararamdaman
"kung hahanapin natin sya matatagalan tayo dahil andaming tao at malala na ang sitwasyon, hanapin nalang natin yung kotse nya pero pag wala na dun, aalis na tayo"
Nagumpisa na syang magpaandar habang ako ay patingin tingin sa paligid dahil baka makita ko sya na naghihintay sakin
"Don! doon banda kami nag park"
Turo ko habang umaasa na nasa sasakyan na sya at hinihintay nalang ako.
laking tuwa ko nung makita ko na nakapark pa don
"Andyan pa yung kotse!"
Nabuhayan ako ng dugo at akmang lalabas na pero pinigilan nya ko
"Teka"
At pinaandar nya hanggang sa harapan ng kotse. Nabigla ako sa nakita ko.. bukas na ang pinto ng kotse at kitang kita ko din na may dugo na at nakalumpasay na katawan
"A--allly.."
napatakip nalang ako ng bibig at umiyak.
habang sya ay nagpatuloy sa pag papatakbo ng kotse.
Nakakapanlumo ang itsura ng kalsada.
Mga sasakyang nagkabanggaan, mga patay sa paligid, at mga patay na muling nabuhay in short ZOMBIES