MATAPOS na mag-walk out ni Klent sa pag-iinsayo nila ay nakarating siya sa dulong bahagi ng lupain. Kung saan isang maliit na kubo ang nakatirik doon, hindi na nag-atubiling pumasok ang binatilyo, matapos niyang mapag-alaman na walang tao mula sa loob. Nagpalinga-linga siya sa loob ng kubo, wala naman kapansin-pansin na kakaiba. Natitiyak niyang babae ang nakatira roon, dahil sa isang kuwadradong salamin at pulbos ang nakapatong sa maliit na lamesita. Katabi pa ang panuklay at pampusod sa buhok. Mula sa mga bintana na gawa sa sawali ng kawayan at nipa naman ang bubungan. Pinagtagpi-tagping kahoy ang haligi ng kubo. Bagama't maliit lamang iyon ay maayos naman ang pagkakalagay ng bawat gamit sa loob. Nag-umpisa na siyang naglakad at pumasok sa isang pinto na may tabing na kurtina. Napag-a

