CHAPTER TWENTY SIX

2207 Words

SA mga sandaling iyon ay tuluyan ng binalot ng pangamba at takot si Oleene. Hindi lang para sa kanya, kung 'di para na rin sa kalagayan ni Oreojon. Kitang-kita niya ang malaking hiwa nito sa tiyan. Kung saan aninaw niya ang sariwang dugo at laman ng binata. Gusto niyang maduwal ngunit nagpigil siya, ang totoo napakahina niya sa mga ganito. May phobia na kasi siya dati noong bata siya, kung saan isang trahedya ang kinasangkutang ng mga magulang niya na naging dahilan ng pagkasawi ng mga ito at maagang pagkaulila naman niya. Kabisadong-kabisado pa niya ang mga pangyayari, kung saan kalunos-lunos at tigmak na ng mapupulang dugo ang mukha' t katawan ng mga magulang sa sarili niyang kandungan. Unti-unting nanlabo ang paningin ng dalaga, dahil sa tuluyang pagtutubig ng kanyang mga mata.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD