Pagkatapos ng kasal ng ate Timmy ni Tobby, nagdesisyon siyang ‘wag na lang sabihin kay Cherry ang tunay niyang nararamdaman. Natakot kasi siyang baka kapag nagtapat siya sa kababata, ay bigla silang magka-ilangan. Baka tuluyan na siyang hindi makalapit dito. Baka hindi na niya ito mayakap o mahawakan man lang. Baka iwasan siya ng dalaga kapag nalaman nito ang tunay niyang nararamdaman para rito. Worst, baka masira ang pagiging magkaibigan nila.
‘Baka ka ng baka, mukha bang baka si Cherry? Doon ka sa farm madaming baka roon!’ Pagsusungit ng isang bahagi ng utak niya.
“Tobby!” naputol ang kaniyang pag-iisip nang marinig ang tinig ni Cherry.
Excited na nilapitan siya nito habnag malapad ang pagkakangiti nito sa mga labi. Napangiti naman siya habang pinagmamasdan itong palapit sa kanya. Lalo yatang gumanda si Cherry sa kaniyang paningin.
“Ang saya natin ah! Kumusta ang interview?” tanong niya rito.
“May trabaho na ako!” kumikislap ang mga matang sambit nito sa kaniya, saka siya niyakap nito mula sa kaniyang likuran habang nakaupo siya. Nagustuhan naman niya ang ginawang iyon ni Cherry.
“Wow! Ang galing naman ng sweetheart ko! Eh ‘di ibig sabihin niyan eh, ililibre mo ako ngayon?” nakangising tanong niya habang ninanamnam ang yakap nito sa kanya.
“Okay! Tara na!” Umayos na ito ng tayo saka inilahad ang kamay sa kaniya na agad naman niyang tinanggap.
Pinagsalikop niya ang mga kamay nila saka naglakad palabas ng establisimyentong iyon. Ayon sa kababata natanggap siya bilang pâtissier sa restaurant na in-apply-an nito. Masayang-masaya naman siya para rito. Dahil sa wakas, matutupad na ni Cherry ang mga pangarap nito.
“Tobby, eh ikaw ba? Kumusta naman ang board exam review mo?” tanong sa kanya nito nang sa wakas ay makahanap na sila ng makakainan.
“Ayun, insane!” napapa-iling na sagot niya rito.
“Sus, ikaw pa ba? Alam ko namang yakang-yaka mo iyan eh. No sweat!” nakangising saad naman nito sa kaniya.
“Wow, thanks Chubs! Kailangan ko talaga iyang pagpapalakas loob na iyan eh.” Malawak ang pagkakangiti sa kanyang mga labi ng sulyapan niya ito.
“You’re welcome sweetheart!” malambing na sagot nito sa kanya.
Hindi naman na siya nagulat sa pagtawag nito ng sweetheart sa kanya, dahil gaya niya nakasanayan na rin nito ang endearment nilang iyon. Kung sana lang masabi niya rito ang tunay niyang nararamdaman para sa kababata.
‘Duwag ka nga kasi dude! Puwede naman kung gugustuhin mo eh. Kaso mas pinili mong hindi na lang!’ sumbat ng kanyang utak.
‘Eh, anong magagawa ko? Sa natatakot akong mawala siya sa akin kapag nagtapat ako sa kanya eh!’ sagot naman niya rito.
Ilang sandali pa at nagyaya na itong umuwi, dahil bukas ay magsisimula na ito sa kanyang trabaho. Kitang-kita niya kung gaano ito ka-excited na magtrabaho. Masaya naman siya para dito, but on the other hand, malungkot— kasi mababawasan na ang time nila sa isa’t isa. Babalik na rin siya sa Maynila para sa review at board exam niya. Isa pa, nagta-trabaho na rin naman siya roon, habang hinihintay ang magiging resulta ng board.
“Chubs, ihahatid na kita bukas ha? Paluwas na rin naman ako ng Manila eh,” sabi niya rito nang nasa tapat na sila ng bahay nito.
“Sige. Sabihin ko na lang kay RJ na sa uwian na lang niya ako sunduin,” nakangiting turan naman nito sa kaniya.
Para naman siyang tinadyakan ng mga sampung kabayo sa sakit na nararamdaman. Aware naman siyang itinuloy ni RJ ang panliligaw rito kaya he keeps his distance hangga’t maaari. Para hindi rin magkaroon ng conflict.
“Okay. Pahinga ka na Chubs, maaga ka pa bukas. Good night!” Paalam niya rito saka hinalikan ito sa kanyang noo.
“Good night Tobby. See you bukas!” Nakangiti pa itong kumaway sa kanya.
Nasasaktan man siya, kailangan niyang tiisin. Ginusto naman niya iyon eh. Dahil doon, ifo-focus na lang niya muna ang atensyon sa pagre-review para makapasa sa board. Baka sakaling magkaroon na siya ng confident kapag nakapasa na siya sa board. Anong connect? Wala lang kayo na lang ang mag-connect. Hehehe.
Kinabukasan, maaga siyang nagtungo sa bahay ng mga ito upang sunduin siya. Nagulat na lang siya nang datnan rin niya si RJ doon. Nagmano siya sa tita Lucille niya saka tahimik na naupo sa tabi ni RJ.
“‘Tol, ang aga mo yata ah!” Bati nito sa kanya.
“Oo may usapan kasi kami ni Chubs na ihahatid ko siya ngayon bago ako lumuwas ng Manila eh. Ikaw ba?” nakakunot-noong tanong niya rito dahil alam naman niyang sa uwian pa ni Cherry dapat ito susundo sa kababata.
“Gano’n ba? Hindi ko yata naintindihan ‘yung sinabi ni Cherry kagabi. Paano ba ‘yan?” Tila nakikipag-kompitensya pa ito sa kanya.
Sasagot sana siya nang makitang palapit na si Cherry sa kanila. Agad na tumayo si RJ sa kinauupuan nito saka lumapit kay Cherry. Nakita naman niya ang pagkabigla sa mukha ng kababata.
“Ahm, RJ ang aga mo naman yata? ‘Di ba sabi ko mamayang uwian mo pa ako susunduin, dahil may usapan na kami ni Tobby na siya ang maghahatid sa akin ngayon?” kunot-noong wika nito sa kaniyang bestfriend.
“Ahm, oo nga eh, namali yata ako ng intindi. Pero since nandito naman na rin ako, bakit hindi na lang ako ang maghatid sa iyo? Para hindi na rin maabala pa si Tobby sa pagluwas niya sa Maynila. Baka kasi ma-traffic pa siya, hassle naman iyon ‘di ba? What do you think ‘tol?” Baling pa nito sa kanya. Napabuntong hininga na lang siya saka tumango.
“Pero—” Hindi na nito naituloy ang sasabihin nang magsalita siya.
“It’s okay Chubs. Tama rin naman si RJ.” Pilit siyang ngumiti rito saka lumapit.
Niyakap niya si Cherry nang mahigpit saka hinalikan sa noo nito. Malungkot namang ngumiti ito sa kanya. Niyakap siyang muli nito na ikinatawa naman niya. Parang bata lang ito na nagsumiksik sa kanyang dibdib.
“Mami-miss kita Tobby!” sabi pa nito sa kanya. Tila maiiyak pa ito sa pagkakasabi niyon sa kanya.
“Ako rin naman Chubs eh. Pero don’t worry aasarin pa rin naman kita kapag nag-chat tayo.” Kinurot pa niya ito sa pisngi bago kumalas.
Nakita rin niya ang matalim na tingin ni RJ sa kanya. Hindi na lang niya ito pinansin at nagpaalam na sa mga ito. Kailangan na niyang umalis dahil hindi niya kayang makita ang mga itong magkasama. Nang makalabas siya ng bahay ng mga Vergara, agad siyang sumakay sa kanyang sasakyan at umalis.
‘Sana magkaroon ako ng lakas ng loob para sabihin sa iyo Chubs kung gaano kita kamahal,’ bulong pa niya sa kanyang sarili habang pinaaandar ang kanyang sasakyan.
Cherry’s POV…
Masayang-masaya akong natanggap ako sa unang company na inapplyan ko. Sa sobrang kasiyahan ko, nayakap ko si Tobby. It really feels like home sa tuwing yayakapin ko ang lalakeng ito. At dahil nga nakapasa ako sa interview, inilibre ko siya ng hapunan.
May usapan kaming ihahatid niya ako bukas bago ito lumuwas ng Maynila. Pumayag ako kasi matagal ko na naman siyang hindi makikita. Nalulungkot din ako kasi nasanay na akong nasa tabi ko siya palagi. Masaya akong makasama siya ngayong araw promise! Feeling ko siya ang lucky charm ko kaya natanggap ako sa trabaho eh.
Kinabukasan maaga siyang dumating sa bahay ang kaso, nandoon din si RJ. Nagtataka nga ako kung bakit nandito ito eh. Samantalang sinabi ko naman sa kanyang sa uwian niya ako sunduin, dahil may usapan kami ni Tobby na siya ang maghahatid sa akin pagpasok sa trabaho. Feeling ko sinadya talaga ni RJ ang magpunta rin sa bahay para ihatid ako. Noon pa man alam kong nakikipag-paligsahan siya kay Tobby.
Nai-insecure ito sa kababata ko kasi masyado raw kaming dikit ni Tobby. Ito ang isa sa ikinaiinis ko kay RJ. Hindi pa kami, pero kung makaasta parang nobyo ko na ito. Grrrr! I mean, okay naman siya overall, ayaw ko lang kasi na pinagseselosan niya si Tobby. Duh! Kung papipiliin ako between him and Tobby, syempre kay Tobby ako ‘no!
Anyway, nag-give way na lang si Tobby para iwas conflict. Noong niyakap niya ako aaminin kong gusto ko talagang maiyak. Pinigilan ko lang baka kasi isipin niyang ang te-arts ko eh. Kakaiba rin naman ang yakap niya sa akin ngayon, mas mahigpit at mas malambing. Pati ang paghalik niya sa noo ko ramdam kong punom-puno ng pagmamahal.
Ayan na naman tayo mga sis eh! Bawal mag-assume, nakamamatay! Hehehe. Hayyy, hihintayin ko na lang ulit ang pagbabalik niya. Sana maipasa niya ang board exam niya. Kung bibigyan lang ako ng pagkakataon, ako na lang ang aamin ng nararamdaman ko sa taong iyon eh. Kaso natatakot akong baka hindi naman pala pareho ang nararamdaman namin.
Kaya naman, makokontento na lang ako sa ganito. At least, walang restrictions. Nagagawa ko ang lahat ng gusto kong gawin sa kanya. ‘Yun nga lang, wala ring label ang relasyon namin. Hanggang paramdam lang ng feelings. Nothing more, nothing less.