[1] WEDDING
LIAM'S POV
Ngayon na ang araw ng kasal ko. Sh1t lang. Wala akong idea kung anong pagkatao ng mapapangasawa ko.
Oo, nakita ko na siya sa pictures pero iba pa rin kung sa personal diba? Malay mo pinoto-shop lang pala yung pics kaya maganda siya. Ewan ko ba dun. 'Di ko pa siya nakikita, pakiramdam ko bad vibes na siya sa akin.
Siya pa may ganang hindi siputin ang engagement party. Napahiya tuloy ako nung gabing yun. Langya talaga. 'Pag mag-seset naman sila ng date namin, hindi rin siya sumisipot. Tinatakasan daw ang bodyguards niya.
"Anak, don't worry. Sisiputin ka ni Mizuka. Sigurado yan," sabi ni Okaasan. Ngumiti lang ako ng pilit sa kanya bilang pagsagot. Ayaw ko kasing nabwibwisit siya. Mas mahal ko siya kaysa kay Otousan. ((Okaasan= Mother Otousan= Father))
Nakakailang beses na akong tingin sa wrist watch ko. Chikusho! 30 minutes na kami dito ah. Sana wag na siyang dumating para hindi na matuloy ang kasal na ito. Mabuti pa! ((Chikusho= sh1t))
"Anak," lumingon ulit ako kay okaasan. Nakangiti siya sa akin pero yung tipong malungkot. Inayos niya ang tie ko at pinagpagan ang balikat ko. "Para sa ikabubuti mo 'to. Ang gusto lang ng otousan mo aytumino ka. Sa pagkakakilala ko kay Mizuka, magagawa niya naman na pabaitin ka."
"Okaasan, mabait naman ako. Nag-aaral naman ako ng mabuti. Yun nga lang, ayaw kong buwagin yunggang namin. Buhay ko na yun eh,"napakamot na naman ako sa kilay ko. Kakainis! Dahil daw kasi sa gang ko kaya ako gustong ipakasal sa babaeng 'di ko kilala.
"Don't worry, madaling pakisamahan si Mizuka. Maging mabait ka sa kanya ha”
"Hmmm." Napilitan nalang akong tumango. "Okaasan, baka may boyfriend yun tapos itinanan na siyakaya wala pa siya dito," patuloy ko.
"No, she'll make it. Bantay-sarado siya eh," sagot ni okaasan. "Dun muna ako sa mga bisita natin ah? Baka naiinip na sila eh. Aishiteru yo."Tumango lang ako at siya naman nagpunta na sa mga bisita.
Kung nagtataka kayo kung bakit Japanese terms ang tawagan namin ni okaasan, gayung Half-Korean ako, ito ay dahil bago pa ako maipanganak ay nakapangasawa siya ng Hapon at iyon ay si otou-san. Hindi ako tunay na anak ng tinituring kong tatay. Ang tunay kong ama ay isang Korean. Tama, nabuntisan lang siya ng isang Korean pero kilala naman ako ng tunay kong ama and we're actually in good terms.
That explains why I'm a Half-Korean and Half-Filipino.
Pero lumaki ako na sumusunod sa Japanese customs and traditions. Yun nga lang, isang church wedding ang kasal namin. Half-Japanese and half-filipino din kasi yung mapapangasawa ko.
"Let's get ready. The bride has arrived!" Narinig kong sigaw ng isa sa mga wedding coordinators. Napabuntung hininga nalang ako sa inip. Ang tagal niya eh.
Naramdaman kong may kumakalabit sa akin kaya napalingon ako. "Groom, tara dun tayo sa entrance. Ikaw ang unang maglalakad papunta dito sa aisle kasabay ng father mo," sabi ng wedding coordinator.
"Diba pwedeng dito nalang ako? Ganun din naman eh. Dito lang din naman ang punta, tsk!"
"Ehhh, Sir, ganun po talaga eh."
"Aish! Oo na, kakatamad naman."
Nagpunta na ako dun sa entrance ng simbahan. Si otousan at okaasan tumabi na sa akin. Napansin kong ang sama ng tingin sa akin ni otousan.
"Awww!" Nagulat ako nang masapolan ako ng sapok ni otousan sa batok ko. "What was that for?”
"Behave!"
Psh. Sungit talaga.
Nagsimula na yung tunog na ewan. Malay ko dyan basta naglakad na lang kami papuntang aisle. Ang tagal nga maglakad nina otousan at okaasan eh. Ang bagal. Ang tanda na kasi.
When we finally reached the aisle, I escorted first okaasan to her seat. Yun ang utos sa akin ng wedding coordinator eh. Nakarating na rin sa pwesto ko si Shichi. Yung isa sa gangmate ko na pinakabestfriend ko. Siya kasi ang pinili kong best man.
"Ichi, taken ka na," rinig kong bulong ni Shichi. Inungusan ko lang siya at patuloy na pinapanuod ang entourage. Kasali din sa groom's men ang ilan sa mga gangmates ko.
Nakakainis nga e. Hindi kumpleto ang mga kaibigan ko. Sayang, hindi nakarating si Crystal. Siya yung kababata ko na crush ko. Napag-alaman ko na buntis daw siya at depressed kaya hindi nakapunta.
Hay. Katagal ng entourage na ito.
Nag-iba nalang basta ang music. Yung bride na siguro ang lalakad. Hayup, parang hindi ako ang groom kung umasta eh noh.
"Ichi, feeling ko, maganda ang bride mo. Ang sexy at maputi oh," bulong niya na naman sa akin. I just glared at him and I heard him chuckle silently.
Palapit ng palapit ang bride kasama ang parents niya on both sides. Sh1t, nakakainip! Ang bagal maglakad.
Pinagmasdan ko lang yung bride. Tama, may hubog ang katawan, maputi at maganda naman ang height. Psh, baka nakasuot lang yan ng ... anubayun? Yung ano.. yung pampahubog ng katawan?
Sa wakas at nakalapit na sila. Akala ko aabutin kami ng isang taon dito. Nagugutom na pa naman ako.
Nag-hug mo na sila bago ibigay sa akin ang kamay nung bride. Kung pwede lang ipasa ito kay Shichi at tumakbo nalang ako eh.
"Take care of my daughter," her dad whispered to me or my father-in-law rather? Yuck! Matatali na ako.
Inalalayan ko na siya papunta sa altar. Sinisilip ko yung mukha niya pero nakayuko lang siya. Hindi ko makita ng malinaw kasi nakakulambo siya. Kulambo ba tawag dyan? Ah basta. Tss. Pasalamat siya gwapo ang groom niya. Eh siya maganda kaya?
"Dear friends and family, we are gathered here today to witness and celebrate the union of Liam Drake Takahashi and Mizuka Arielle Watanabe in marriage. If any man can show any just cause or impediment why they may not be lawfully joined together, let him speak now or forever hold his peace," panimula ng pari.
Walang umimik o nagsalita man lang. Sobrang tahimik sa loob ng simbahan. Tss. Sana man lang may boyfriend itong mapapangasawa ko para man lang pigilan ang kasal.
Nagsimula na ang wedding rituals ng kumukulo ang tiyan ko. Langya, ang bagal magsalita ng pari. Ang tagal.
After 2, 000, 000 decades, nasa wedding vows na rin kami. Muntikan na akong makatulog kundi lang kami sinuutan ng kulambo ba yun? Ano ba kasi tawag dun? Ma-igoogle mamaya.
"Do you Liam Drake Takahashi, take Mizuki Arielle Watanabe, to be your partner in life and sharing your path, equal in love, a mirror for your true self, promising to honor and cherish, through good times and bad until death do you part?" baling sa akin ni father.
Tumikhim ako bago nagsabi ng; "I... do."
"Do you Mizuka Arielle Watanabe, take Liam Drake Takahashi to be your husband, to have and to hold from this day forward, for better of for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, from this day forward until death do you—-"
"Hai, Father! I do."
Napatingin tuloy ako sa kanya. Nakahawak na siya sa tiyan. Nagugutom na rin siguro. Hindi na pinatapos yung sinasabi ng pari eh.
Nilabas na yung mga wedding rings. At binigay sa akin nung pari yung akin. Ahh, ito na yung niresearch ko sa google kagabi at kinabisado ko pa. Inutos kasi sa akin ni otousan.
Hinawakan ko yung kanang kamay niya. In fairness, makinis naman.
"I give you this ring, as I give to you all that I am, and accept from you, all that you are." Sinasabi ko yun habang pasimpleng nakakrus ang free hand ko sa likod ko.
Siya naman ang kumuha sa kamay ko. "This r-ring is a token of my love. I marry you w-with this.. ring, w-with all that I have and all that I am."
"You have for each other a golden ring. This most precious of metals symbolizes that love is the most precious element in your life together. The ring has no beginning and no ending which symbolizes that the love between you will never cease. You place these rings upon each others fingers as a visible sign of the vows, which, this day, have made you husband and wife. "
Tumingin sa akin yung pari kaya napatigil ako sa paghikab.
"You may now kiss the bride..."
Lumunok ako bago ako bumaling sa katabi ko. Pakshet naman. Hindi ako prepared eh.
Psh. Inangat ko nang dahan-dahan yung kulambo ni Mizuka sa ulo at natigilan ako nang makita ang malawak na ngiti sa labi niya.
Wow, wagas kung makangiti. In fairness, maganda naman siya at makinis ang mukha. Mahaba ang pilik mata at mapula ang mga labi. Nagulat ako nang ngumuso siya.
Edi wow, men.
I cupped her cheeks and slowly leaned forward to kiss her. Pero bago lumapat ang labi ko, tinakpan ko ng dalawang thumb ko yung labi niya. So ang nahalikan ko ay ang kuko ko.
Nagpalakpakan ang lahat ng tao. Tss. Akala nila hinalikan ko talaga eh. Hindi naman.
Tinignan ko ulit yung asawa ko (?) Sounds possessive. Epic! Bakit nakasad-face ito? Gusto niyang mahalikan ko talaga siya?
ASA!
Mahal ang first kiss ko uy.
Paktay, secret lang natin yun ah. Linsyak! Nasabi ko pa.