[29] CONFRONTATION MIZUKA'S POV Monday morning. Hindi kami nagsabay ni Liam papunta sa E.H.U kasi may klase siya ng 8AM. Samantalang ang akin naman ay 9AM pa. 8:30AM akong umalis ng pad namin at sinigurado ko talagang sinara kong mabuti ang pinto nito. Napagalitan kasi ako ni Liam kahapon ng maalala niya na umalis daw ako nung Friday night nang hindi man lang daw sinarado ang pinto. Buti nalang daw ay walang nakapasok na intruder kundi patay talaga. Dahil happy ako and at the same time ay masakit pa rin ang katawan ko dahil hindi pa ako nakakarecover sa ano... Alam niyo na yun!... ay paika-ika akong maglakad. Geez! Kelan ba ako makakarecover? Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway papunta sa building ko nang mapansin ko ang mga tingin sa akin ng mga estudyanteng nadadaana

