[12] LAME MIZUKA'S POV It has been a month since naging okay na kami ni Liam-kun. At ngayon ay 3 weeks pregnant na ako. JOKE LANG! Hahahahahaha! But anyway, sobrang nag-improve na yung pakikitungo sa akin ni Liam-kun. Although, ganun pa rin ang routine namin katulad ng dati, yung strangers kami pag nasa loob kami ng campus pero pag nandito na kami sa pad niya, eeeeeeeehhhhh! Secret! "Mizuka, anong oras ang dismissal mo mamaya?" Tanong ni Liam-kun habang nagsusuklay ako ng buhok ko. Mas mauuna kasi akong aalis sa kanya ngayon dahil mamaya pa ang klase niya. I smiled, "3:30 p.m." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila paupo katabi niya sa sofa. Yan po yung isa sa mga sinasabi kong ka-sweetan ng asawa ko. Hihihi "Mizuka, uumagahin ako ng uwi mamaya." He said

