[10] MAGANDA
LIAM'S POV
"Drake, seryoso ka talagang susundan natin si Mizuka ngayong araw?" Tanong sa akin ni Shichi.
Tinignan ko lang siya ng masama. "Mukha ba akong nagbibiro, Shichi?"
Nandito kami sa may lobby ng condo na tinitirahan ko. At tama kayo, talagang gusto kong malaman kung sino ang laging kasama ni Mizuka.
"Langya ka, Drake. Hindi mo siya gusto pero mag-aala-stalker niya tayo?"
STALKER?
Kung sa bagay, mukha nga kaming stalker. Nakasuot kaming dalawa ng sumbrero na nakababa hanggang kalahati ng mukha namin at samahan pa ng shades. Mahirap na, baka makahalata yung retard na yun.
"Ikaw pa naman ang isinama ko, Shichi dahil alam ko na magaling ka sa ganito. At hoy, hindi tayo stalker. Asawa niya ako, ikaw ang assistant ko."
"Nyahaha, sira-ulo ka Ichi. Asawa? Nyahaha. Feel na feel mo na ah."
Bibig mo, Liam. Mag-ingat-ingat kasi.
Parang tanggap ko na atang asawa ko siya dahil sa kinikilos ko. Linsyak naman oh!
"Bakit ang tagal naman ata, Drake? Sabi mo, alas-otso umaalis yun." Napatingin siya saglit sa relo niya. "8:15 na oh."
"Bwisit ka naman Shichi eh. Bakit ang atat mo?"
"Nyahahaha, wala lang." Kung minsan talaga, nabwibwisit na ako sa tawa ng hayup na ito eh. Pinipigil ko lang.
Pero kung sa bagay, bakit hindi pa yun lumalabas? Usually, 8am yun umaalis. Ahh baka kumakain, pinagluto ko kasi siya ng almusal niya bago bumaba.
"Ichi, yan na siya oh." Bulong ni Shichi sa akin. Agad akong napatingin sa harapan ko. Nakita kong nagtetext si Mizuka habang naglalakad palabas. Agad kong siniko si Shichi.
"Tara na." Yaya ko.
Sinundan lang namin si Mizuka hanggang labas. Akala ko ba may sumusundo sa kanya tuwing umaga? Bakit pumapara siya ng taxi?
"Ichi, tara na sa kotse mo. Maiiwanan na tayo ng asawa mo. Nyahahaha!"
***
Sinundan lang namin ang taxi na sinasakyan ni Mizuka hanggang sa makarating kami sa E.H.U. Wala naman siyang kinatagpo pero imposibleng wala. Baka umabsent lang ngayon.
"Ichi, wala namang kalaguyo yung asawa mo."
"Aray! Bakit ka nambabatok?" Sabi niya habang hinihimas ang parteng binatukan ko. Kalaguyo? Whatta term?
"Anong kalaguyo pinagsasabi mo?" Iritang sambit ko.
"Ayaw mo ng kalaguyo? Edi third party. Nyahahaha!"
"Good morning, Liam." Napatingin ako sa bandang kaliwa ko. Ah, si Lyza pala.
"Morning."
"Why so early?"
"Wala kasi magawa sa bahay. Another interview session na naman?" Tanong ko. Nakangiting tumango naman siya. "Nga pala, kaibigan ko, si Shichi."
Inilahad naman ni Shichi ang kamay niya at ngumiti na animo'y dinidisplay ang dimples niya. Ganyan si Shichi sa mga babae.
"Hi Shichi," inabot ni Lyza ang kamay nito. "I'm Lyza."
"You got a nice smile, Lyza. Nice meeting you," pilyong sabi ni Shichi.
"Hehehe thanks. Nice meeting you too."
Nagpaalam na kami kay Shichi at dumiretso sa may openfield. Ang soccerfield at openfield ay magkadugtong lang. Napansin ko na naglalatag ng blanket si Lyza sa damuhan.
"Prepared?" Tanong ko nang matapos siya. Umupo naman ako sa tabi niya.
"Nangati kasi ako kahapon kaya nagdala na akong ng blanket. So, may we start the interview now?" Tanong niya.
Naalala ko tuloy yung nangyari kahapon. Bakit parang ibang Lyza ang nakita ko? Ang taray, tinarayan si Mizuka eh.
"Natapos na tayo sa favorites section so, let's proceed to love section. We called this section as Love Bites." She said smiling. Ang korny ng tawag.
"What is love?" Panimulang tanong niya.
Napangiwi tuloy ako. Nag-aala scrap book na kasi ang article na gagawin niya para sa akin.
Napaisip ako. Pag korny ang sagot ko dito tiyak makokornihan sila sa akin at ayokong mangyari yun. Tsk.
"I don't know what love means. Iba-iba tayo ng perspective about love. Love is unexplainable thus it's a deep feeling towards someone special. I really don't know what to answer but let me put it this way, love is when someone calls you and the way they say your name is different. You know that your name is safe in their mouth. Basta pag tinawag ka ng taong mahal mo, mararamdaman mo na yung kakaibang pakiramdam. Strange feeling that only appears when you're with that specific person."
Napangiti siya sa akin at isinulat ang sinabi ko sa notebook niya.
"Are you single or in a relationship right now?"
Nagulat ako sa tinanong niya. Anong isasagot ko?
Bahala na.
"I-- I'm single.
"Cool!" Kinunutan ko lang ng noo si Lyza. Anong cool dun?
"What made you transfer here anyway?"
"Dahil kay Crystal. Yung childhood friend ko, sinundan ko lang siya dito."
"You mean si Miss Crystal Gail Rivera?"
"Yes. Next question please?"
"Uhh," napatingin siya sa notebook niya. "Describe your ideal girl."
Ideal girl?
Si Crystal lang naman ang ideal girl ko. Kaso... Never mind...
"Sweet, nice, sassy, charming, smart, has a good sense of humor, and caring." Sagot ko.
"Wow nice..."
"How about physical aspects?"
"Syempre maganda at sexy. Yun lang." Boring naman. Siya lang ang nasisiyahan dito.
Mga ilang saglit pa ay natapos na kami sa love bites section (daw?) kaya tumayo na kami.
"Thanks, Liam. Ahhm, bukas kailangan kong pumunta sa tinitirhan mo to take pictures tsaka to publish your after school life na rin." Sabi niya. Napaisip ako, paano si Mizuka?
"Kailangan pa ba yun?"
"Yes, napag-usapan na natin ito diba? And besides, pag pumayag kang pumunta ako sa bahay mo, matatapos na yung interview natin ng mabilis." Sagot niya.
Yeah, she told me that. Napaikli na yung weeks ng interview niya sa akin kasi nagbago daw yung plan nila. Magiging 1 week nalang daw. Marami pa pala daw silang i-pupublish na news across the campus. KORNY.
"K, fine."
***
"Class dismissed," sabi ng prof. Agad akong tumayo at lumabas ng classroom.
Nilabas ko ang phone ko at tinignan kung may message. Kaso wala.
Matext nga si Mizuka.
--
TO: RETARD
Sabay tayong uuwi mamaya.
--
Makapaglakad-lakad nga muna. 3 hours break pa naman ako ngayon.
Agad kong tinignan ang phone ko.
--
FROM: RETARD
Wg n.
--
ANONG WAG NA?!
--
REPLY: DI PWD. SSBY K SKN.
--
Nabwibwisit na ako sa kasama ni Mizuka ah. Malaman ko lang kung sino yun. Tsk. Bwisit naman kasi makikipag-ayos na ako tapos ganito pa.
--
FROM: RETARD
BKT?
--
Ang tipid namang magtext ng retard na ito.
--
REPLY: BSTA. WT TYM R U GOIN HOME?
--
FROM: RETARD
MY LAKAD NGA AKO.
--
REPLY: SINONG KSMA MO?
--
FROM: RETARD
PAKI MO?
--
UGH! Liam, relax. Nakikipagbati ka. Wag mainit ang ulo.
Hingang malalim. Pikit. Buga.
Pagmulat ko ng mga mata, bumungad sa paningin ko si.. "Mizuka?"
Nakita ko si Mizuka. Agad-agad ko siyang sinundan. Hawak niya pa ang phone niya habang naglalakad.
MIZUKA'S POV
Hindi ko na nga pinapansin si Liam para iwas bad vibes tapos tinitext niya pa ako. Kainis naman, pag-gising ko kanina, wala siya.
Papunta ako ngayon sa pool area, nandun daw kasi si Derrick. Varsity player pala siya for swimming. Wow. Kakaibang sport.
Dahil dun kaya hindi niya ako nasundo kaninang umaga kaya nakapag-taxi ako.
Napatingin ako sa phone ko. Nagvibrate na naman kasi. Tsk, si Liam na naman. Ano na naman kayang trip niya at nangungulit siya ngayon? Hindi ko siya maintindihan, kagabi ang sabi niya nag-aalala siya sa akin tapos ngayon, ang sungit na naman.
"Moshi moshi..."
[San ka pupunta?]
"Mamaya? Papasyal lang kami ng k-kaibigan ko."
[Ang ibig kong sabihin ngayon.]
"Huh?"
[Saan ka pupunta? Anong gagawin mo?]
"Bakit?"
[Just answer me...]
"Sa pool area, papanuorin yung kaibigan ko."
[Lalaki o babae?]
"Why are you asking anyway?"
[Tsk. Kung wala ka ng gagawin, tara na.]
"What?"
[Ayaw mo?]
"Ayaw ko."
[Ichi.] ((one))
"Ano ba Liam?"
[ni.] ((two))
"Bakit mo ba ako binibilangan?"
[san.] ((three))
"Bahala ka nga!"
I hung up. Nakakainis naman, ano bang nangyari dun?! Hindi ko na talaga siya maintidihan. May split personality ata yun. Pero baka nga crush niya ako. Hahaha. Pero hindi eh, bakit niya ako sinusungitan?
Bahala nga siya.
Papasok na sana ako ng pool area nang...
"Kyaa--oommph!"
Biglang may tumakip sa bibig ko at binuhat ako sa pamamagitan ng pagkapit sa may bewang ko. Hindi ko siya makita kasi nasa likuran ko siya, papunta kami sa isang eskinita.
Waaah! Bakit may eskinita dito sa E.H.U?!
Nabigla ako nang isandal niya ako sa pader. Nakatakip pa rin ang bibig ko ng kamay niya. Pero laking gulat ko nang makita kung sino ang lalaking nasa harapan ko.
LIAM?
"Sino ba kasing pupuntahan mo dyan sa pool area?" Galit na tanong niya.
Hindi ako makakibo.
"Ayaw mong sumagot?!"
Tinulak ko nga.
"Eh paano ako makakapagsalita?! Nakatakip ng kamay mo ang bibig ko."
Napakamot siya sa kilay niya. Ano pahiya ka ngayon!
"Eh bakit ka nagagalit?!" Tanong niya.
"Eh galit ka eh!"
Napabuntong-hininga siya bago tignan ako ng seryoso sa mga mata. Eeeh! Ang gwapo ng asawa ko kaso ang sungit.
"Napupuno ka na ba sa akin, Mizuka?" Seryoso niyang tanong.
"Anong napupuno?" Di ko kasi nagets.
"Napupuno, napipikon sa akin kasi sinusungitan kita." Sabay yuko niya.
"Nasanay na ako, Liam." Sagot ko. Kailangan ko naman talaga masanay na sigaw-sigawan ako, na dinededma niya ako at pinagkukunutan ng noo.
Sanay na ako. Ganun din kasi si otousan sa akin.
Lumapit siya sa akin, lumapit pa siya, tapos lumapit pa ng konti and lumapit pa siya ng lumapit then lumapit pa. Aahh! Ang lapit na ng mukha niya sa akin. Ito na ba yung napapanuod ko sa mga TV na isinasandal ang babae sa pader tapos dun niya hahalikan?!
Waaah! Dream kiss ko yun.
Ipinatong niya ang kaliwang braso niya sa pader at hinawakan naman ng kanan niyang kamay ang baba ko. Nagkaka-tornado na ang loob ng tummy ko at parang may mainit na lava sa pisngi ko.
"Mizuka..."
Nakatitig lang ako sa mga mata niya. Anong gagawin ko?! Pipikit na ba ako?!
"Sorry. Sorry kung sinusungitan kita, at sinisigaw-sigawan kita. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na may asawa na ako eh. Tsk. Sorry talaga, hindi naman talaga ako masungit eh." Malambing niyang sabi.
GOOSH!
Can somebody tell me what's happening?! Baka nananaginip na naman ako? Nung isang gabi kasi nanaginip ako, nag-hohoneymoon daw kami ni Liam. Hihihi.
"O-okay..." Sagot ko. Feeling ko, nag-jejelly ace na yung mga tuhod ko. Sana ganito nalang lagi si Liam.
He smiled.
He smiled? Nyaaah! First time kong makitang ngumiti si Liam sa akin. Magugunaw na ba ang mundo?!
"Simula ngayon, ituturing na kitang asawa. Aalagaan kita at proprotektahan, Mizuka. Hindi na kita susungitan at sisigawan. I will try my best to make you happy."
HAPPY?
In what way? Hahahaha!
"Liam, a-ayos ka lang? Anong nangyari sayo?" Tanong ko. Maysakit kaya siya? Namumula kasi yung mukha niya.
Napayuko siya saglit at nagbuntong-hininga.
"... Mizuka, I like you."
What did he say?!
"... Mizuka, I like you."
"... Mizuka, I like you."
"... Mizuka, I like you."
Ini-level niya ang mukha ko sa mukha niya. He stared at my lips and so did I. Kyaaahhh! This is it.
He slowly leaned forward to reach for my lips. I closed my eyes and I already felt his hot breath against mine. Konti nalang, konti nalang......
YOU GOT A CALL!
Agad akong napamulat at napahiwalay kay Liam. Napaiwas siya ng tingin at napahawak sa sentido niya. Sayang yung dream kiss ko!
YOU GOT A CALL!
"Sagutin ko muna, Liam." Paalam ko sa kanya. Tumango naman siya.
"Hello, Rick?"
[Mizuka, akala ko pupunta ka?]
"Ahh kasi.. ano.. papunta na ako dyan kaso..."
[Pupunta ka pa ba dito?]
Napatingin ako kay Liam. Ibinaba ko saglit ang phone ko at tinakpan ang speaker nito. "Liam, may pupuntahan ba tayo ngayon?"
"Oo kaya wag ka nang pumunta dun.."
Ibinalik ko ulit ang phone sa tenga ko.
[Andyan ka pa, Mizuka?]
"Derrick, hindi na kasi may pupuntahan pa pala ako."
[Gusto mo samahan kita?]
"S-samahan? Wag na, salamat nalang hehehe."
[Ah ganun? So hindi tayo tuloy sa MOA mamaya?]
"Sorry..."
[Okay lang, sige ingat ka.]
"Ikaw din, ingat."
[Wait, Mizuka.]
"Oh?"
[Aware ka naman na gusto kita diba?]
"Uhh..."
[I like you, Mizuka. Pwede ba kitang ligawan?]
"Huh?"
[Okay kung di ka man pumayag, manliligaw pa rin ako. Sige na, ingat ka nalang. Bye.]
Dial tone.
I'm shocked. As in s-h-o-c-k-e-d.
What was that?!
"Tara na, Mizuka." Hinawakan ako bigla ni Liam sa kamay ko at hinila palabas ng eskinitang iyon.
Isa lang ang masasabi ko.
AKO TALAGA SI MIZUKANG MAGANDA