[35] IT WILL RAIN MIZUKA’S POV ***THE NEXT DAY (2nd day of staying) “I HATE HIM!!!” “Bruha, hate hate ka dyan! Kagabi ka pa ah,” napatingin ako kay Joyleen. Kahapon kasi ay naikwento ko sa kanya yung nangyaring coincidental encounter namin ni Liam. Pati yung pagtangay niya sa akin sa unit niya hanggang sa inspection ni Lyza dun. Argh! That bruha! “Alam mo Mizuka, nagegets ko yung point ni Fafa Liam eh,” napatigil siya nang kunot-noo ko siya tinignan. Napangiwi tuloy siya saka siya tumawa, Fafa Liam? “Hehehe! Peace. As I was saying, naiintindihan ko si Liam. May sakit nga naman sa puso si Lyza. Kahit na bruha siya, nakakapang-alala pa rin sa part ng asawa mo.” I rolled my eyes exasperatingly and sat beside her on the sofa bed here in the living room. “To be honest wi

