NAKAILANG tawag na si Charlie kay Mandy pero hindi nito sinasagot ang kanyang tawag na labis niyang ikinainis. Kahit nga ang magtext ay hindi nito ginagawa at bihira yun gawin ni Mandy sa kanya. Nag-aalala tuloy siya sa babae. "Sumagot na ba?" tanong ng kanyang ina sa kanya. Pansamantala nakatira sa kanya ang ina at si Danica. Hindi niya pinansin ang ina. "Alam mo kahit na boto ako kay Mandy para sayo ay wala akong tiwala sa kanya. Paano kapag niloko ka niya?" "Stop it, Ma. Hindi ganyan si Mandy." "Anong hindi ganyan? Pinatulan ka nga niya kahit na may sabit ka na hindi ba?" bulalas pa nito. "Hindi niya ako pwedeng lokohin. Alam ko yun. Sa lahat nalang ba na makakarelasyon ko ay may sasabihin kayo?” hindi niya mapigilang tanong sa ina. Sumasabay pa ito sa inis na nadarama niya kay Mand

