KULANG na lang ay hilahin ni Wayne si Joebbie sa loob ng opisina nito. Wala na siyang pakialam kung ginagamit lamang siya babae para pagselosin si Charlie. Ang mahalaga sa kanya ay maipakita niya sa babae na mahal na mahal niya ito. "Wayne," tawag ni Joebbie sa kanyang pangalan. Isinandal niya ito sa pintuan. Ang lakas ng kabog ng kanyang puso at maging ang t***k ng puso ni Joebbie ay rinig na rinig niya. Ang mga titig ng babae ay nakakapaso. Tila ba hinihigop nito ang buo niyang pagkatao. "Okay lang kung gamitin mo ako. Okay lang kung hindi ka pa handa pero mahal kita Joebbie. Mahal na mahal na kita," sagot niyang hinaplos ang makinis nitong mukha. Hindi niya na kaya pang pigilan ang kanyang sarili. Tila may ginising ito na kung anuman sa kanyang katawan. Pakiramdam niya ay nagliliyab s

