KINAKABAHAN na pinihit ni Joebbie ang pinto kung saan itinago ng kanilang mga tauhan si June. Ang taong bumangga sa kanya kung kaya siya nalumpo. Pinagtangkaan nito ang kanyang buhay. Pagbukas niya ng pinto ay nakita niya kaagad si June. Nagtama ang kanilang mga mata. Hindi mahirap sa kanya na ma-identity ang lalaki dahil magaling siyang gumuhit. Nakatatak sa kanyang isip ang mukha nito. Kung paano nito pagtangkaan ang kanyang buhay. Hindi magawang tumingin ng deretso ni June sa kanya kaya lumapit siya rito. "Sigurado akong hindi mo pa ako nakakalimutan," wika niya rito. "Hindi ba? Kung hindi ako nagkakamali pinsan ka ng asawa ko hindi ba?" tanong niya pa. "Joebbie, patawarin mo ako. Wala akong magawa. Naipit lang ako sa sitwasyon," pagmamakaawa nito sa kanya. Ang kanyang dalawang tau

