Kakaalis lang ni Cass, nagpaalam ito kasi tatapusin umano nito ang thesis niya. I took a warm bath and then proceeded to the kitchen. Kahit na sinabi niyang wag ako magluto ay nagluluto pa rin ako. Sinisigurado ko na may breakfast siyang nakahanda at dinner pag-uwi. Malaya na rin akong nakakagalaw bagamat may lagnat at nahihilo pa ako ng konti ay nawala na rin yung masakit sa parte ng katawan ko, I checked my plants at masaya ako na may mga flower buds na ito. I can't wait to see them bloom. I took an early dinner, sana kahit isang beses man lang makasabay ko siyang kumain and probably chat just like before. I went to his room again, happiness fills my heart at least sa konting panahon na natitira ay may chance akong mas makasama siya. Malapit na akong magpaalam sayo Chase, masakit

