"HOY HEAVEN! KAILANGAN KO NG PERA!" sigaw ni tatay habang walang sawang umiinom ng redhorse sa sala
"T-tay wala pa po kasi akong nahahanap na t-tabaho" nauutal kong sabi
Heto nanaman siya. Hihingi ng pera sa akin para lang sa walang kwenta niyang bisyo.
Tumayo ito at matatalim ang matang lumingon sa akin "Wala akong paki-alam. Kailangan ko ng pera sa katapusan. Mag hanap ka ng trabaho! Ng may mapala naman ako sayo"
Matatalim nitong pahayag. Muli siyang bumalik sa maliit naming sala at kinuha ang bote ng redhorse bago ito lumabas at ibalibag ang pinto
Napaigtad pa ako sa gulat. Nang mawala siya sa paningin ko ay tila ako isang nauupos na kandila. Untin-unti ring tumulo ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.
Kahit kailang ay hindi talaga ako itinuring na anak ni tatay. Isa lang akong pagkakamali ni nanay. Kaya ng pumanaw si nanay ay duon naging miserable ang buhay ko.
Simula noon ay hindi na ako itinuring na anak ni tatay ganon din ang mga ate at kuya ko na may kanya-kanya na ngayong pamilya. Kaya naman ako nalang ang sumusuporta kay tatay
Pinunsan ko ang luha ko at nagsimulang umakyat sa taas upang kunin ang mga gamit ko. Napag isipan ko na mangungupahan nalang muna ako habang naghahanap ng trabaho
Alam na iyon ni tatay. Pero wala siyang pakialam. Basta ay padalahan siya buwan-buwan.
Nang maaayos ko lahat ng gamit ko ay saka lang ako bumaba. Naabutan ko naman na tulog na si papa sa sira-sira naming sofa. Lumapit ako sakanya. Kinuha ko ang electricfan at itinutok sakanya. Inayos ko din ang mga basyo ng alak na nakapatong sa lamesa.
Kahit naman ganito si tatay. Kahit hindi niya ako tunay na anak. Itinuturing ko parin siyang tunay na ama
Ng maayos ko ang lahat. Kumuha ako ng limang daan sa pitaka at inilapag sa lamesa. Ito ang tira sa sahod ko sa pagiging waitres nung nakaraang buwan.
Nang mailapag ko ay saka lang ako umalis. Napabuntong hininga ako ng makita ko ang laman ng pitaka ko--- paano ko pag kakasyahin ang 100?
Wala pa akong trabaho natanggal ako s pagiging waitres dahil hindi ko naman alam mag serve. Kinuha lang nila ako dahil nagmaka-awa ako at saka collage graduate ako sa kursong buisness Add.
Kailngan kong makahanap agad ng trabaho. Buti nalang at nakapag down na ako sa lilipatan kong apartment sa QC. Huminga ulit ako ng malalim at tinungo ang paradahan ng jeep. Nang maka sakay ay agad akong nagbayad
"Isa sa Bagong Bayan po"
buhat-buhat ang dalawang malaking jansport na bag ay bumaba ako. Bumungad saakin ang makakapal na usok at maingay na kapaligiran
Naglakad lang ako dahil malapit naman na dito ang apartment na nirentahan ko.
Nang makarating ako. Bumungad sa akin si Madam loose "Ikaw ba si Heaven Ponselan?"
Tumango ako "Ako nga po. Ako po yung nagserve ng rent dito kahapon"
Iwinisik nito sa ere ang hawak na malaking pamaypay at pinaypayan ang sarili "Oh ito" abot nito sa card no. "Sa ikalawang palabag room 048" at tumalikod na
"S-salamat po" hindi ko alam kung narinig niya ba iyon o hindi
Agad naman akong pumunta sa inupahan kong apartment. Nang makarating. Hindi ko maiwasan na hindi ilibot ang mata sa paligid. Maliit lang ito. yung sala at kusina ay mag kadugtong na. May isa namang maliit na kwarto. Buti nalang at may sarili itong banyo. Hindi ko na kailangan pang makibanyo sa iba.
Dumiretso ako sa kwarto at walang sabi-sabing humiga sa matigas na kama. Mukhang laspag na ang powm nito.
Siguro dahil sa pagod kaya naman agad akong nakatulog.
NAGISING AKO SA MALAKAS NA RING ng cellphone ko.
Seksibesh calling...
["Ahh..."] matinis nitong tili. Kaya naman napalayo ako sa cellphone ["Omygash besh! May pogi akong makaka s*x ngay---"] hindi ko na pinakinggan pa agad ko itong pinatay
Kelan ba titino ang baklang yun? Wala namang ibang alam yun kindi sex
Pipikit pa lang sana ulit ako ng may tumawag nanaman. Juskowlord
Amara calling
"Hmnn.. " antok kong sagot
["Diba naghahanap ka mg trabaho?"] tanong nito
Agad naman akong napa ayos ng higa. Nawala agad ang antok ko sa katawan "Oo. Meron ba? Ako nalang. Kahit na anong trabaho papatusin ko. Kailangan na kailangan ko lang"
["Kahit pagbibenta ng katawan?"]
Anak ng puta!
Pinatay ko na ito kelan ba nagkaroon ng magandang balita ang mga bruha kong kaibigan?
Huminga ako ng malalim at tumayo na. Nawala na ang antok ko. Pero hindi pa ako nakakatayo ng may tumawag nanaman
Kelan pa ako naging call center?!
"Hello! Kung tumawag ka lang para bwisitin ako. Tantanan mo ako. Animal ka!" bwisit kong sabi
...
Napakunot noo ako ng matagal bago mag salita ang kabilang linya.
["Excuse me ma'am? Is this Miss Heaven Ponselan? This is from Walker company. Gusto ko lang po sabihin na tanggap ka na po sa trabaho bilang bagong secretary ni Mr. Walker"]
Nanlalaki ang matang mapatakip ako sa bibig. Juskopo!
"I-im sorry ma'am I din't mean to say those words" hingi ko ng paumanhin "Sorry po talaga hindi ko po sinasadya"
["It's fine Miss Ponselan. I need you here tomorrow at 8:00 in the morning"]
"O-opo thank you po. Thank you"
["Your welcome Miss Ponselan"] sabi nito bago maputol ang linya
Napakagat ako sa labi
"Ahhhhhh....Omygash! May trabaho na ako!" tili ko habang sumusuntok sa hangin. Napasayaw nadin ako na parang tanga dahil sa saya. Grabe akala ko hindi ako matatanggap doon dahil masyadong mataas ang inapplyan ko. At masyado ring sikat ang kumpanyang iyon.
Pero nawala ang ngiti ko ng mapansing gabi na pala at hindi pa ako kumakain. Nagugutom na din ako
Nang tignan ko ang laman ng pitaka--- anong mabibili ng 92 pesos?. Pamasahe ko pa paalis bukas. Huminga ako ng malalim--- anong kakainin ko?. Kinuha ko ang 20 pesos. Bibili nalang ako ng sky flakes at softdrinks na maliit. Kasya na siguro iyon gabi naman.
Lumabas ako at bumili. Ng makabili at makain ang mga ito naisipan kong magdimpo.
Nang matapos ay nagbihis lang ako ng pantulog at humiga na sa kamang matigas. Matutulog na ako ng maaga.
Dahil bukas ang umpisa ng pagtatrabaho ko sa Walker Company