ABALA sa pag-iimpake si Angelica ng pumasok sa kanyang kwarto si Jen, may kalakihan ng tiyan ito at hirap na rin itong kumilos lalo na at maselan ang pagbubuntis nito. "Aalis ka talaga?" tanong pa nito sa kanya. "Masyadong masikip na ang bahay para sa ating dalawa," sagot niyang hindi man lang tiningnan ang kapatid. "Ikaw ang gumawa ng paraan para manatili rito si Jackson hindi ba?" "Ginawa ko yun para sa pamangkin ko." "Sa tingin mo ba dahil dinala mo dito si Jackson ay hindi ko na hahabulin si Kiel. Siya pa rin ang mahal ko ate," sagot pa sa kanya ni Jen kung kaya tiningnan niya ito ng masama. "Hindi ka na nahiya sa ama ng anak mo. Sino ba ang nagsasakripisyo sayo ngayon? Hindi ba si Jackson?" "You don't understand." "Naiintindihan ko!" sigaw niyang napatayo at hinarap ito. "Ano

